AFTER FIVE YEARS... NAALIMPUNGATAN si Aria mula sa pagkakatulog ng maramdamang parang may humihila sa kanyang kumot. "Mommy, wake up na. What time is it?" mayamaya ay narinig niya ang malambing na boses na iyon sa gilid niya. Nagmulat naman siya ng mga mata at namulatan siya ang apat na taong anak na si Alodia na nakatunghay sa kanya. Hawak-hawak din nito ang kumot na nakatakip sa katawan niya. Kinusot-kusot naman ni Aria ang mga mata. "What time is it, baby?" tanong niya sa anak na si Alodia. Nakita naman niyang tumingin ito sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table niya. Lihim naman siyang napangiti nang makitang kumibot-kibot ang labi nito habang nakatingin ito sa alarm clock. At napansin din niya na tumaas ang isa nitong kamay na para ba itong nagbibilang. At sa pa

