NANG tuluyang nakaalis ang huling bisita nila Aria ay bumaling siya sa asawa ng maramdaman niya ang paghawak nito sa likod ng baywang niya. Naramdaman nga sin niya ang masuyong paghaplos nito sa likod ng baywang niya. "Pasok na tayo sa loob?" wika naman nito nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Nakangiting tumango naman siya dito. Pagkatapos niyon ay sabay na silang dalawa na humabkang papasok sa loob ng bahay. Ngayong araw ay ang house blessing ng bagong bahay nila. Ngayong araw din ang unang gabi nila sa bagong bahay nila. Nag-desisyon din silang ipa-house blessing ang bahay bago nila lipatan para naman lagi silang i-blessed na dalawa. Malalapit lang naman sa buhay nila ang tanging inimbita nila sa nasabing house blessing. Mga kaibigan at kapamilya nila. Hindi naman nakarating

