HINDI inalis ni Aria ang tingin sa asawa ng hindi pa ito kumikilos mula sa kinatatayuan habang nakatitig ito sa kanya. Para itong na-estatwa na ewan. "Babe?" untag naman niya dito. "Aiden is on the line," dagdag niya sabay wagayway sa hawak na cellphone sa harap nito. Sa pagkakataong iyon ay do'n lang naman ito kumilos. Nagpatuloy ito sa paghakbang palapit sa kanya. Ibinaba nito ang hawak na tray sa mesa. Inabot naman niya dito ang hawak na cellphone. Hindi naman niya napigilan ang sarili na mapatingin dito ng itapat nito ang hawak na cellphone sa kanang tainga nito para kausapin ang kakambal nitong si Aiden. Hindi niya napigilan ang pagkibot ng labi nang makita niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito habang nakikipag-usapan ito kay Aiden. "I'm busy. I call you back if I'm not bus

