HINDI napigilan ni Aria ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi ng may mainit na kamay na pumulupot sa braso niya. Naramdaman nga din niya ang pagpatong ng baba nito sa ibabaw ng balikat niya. "Babe?" wika naman niya ng bahagya niya itong nilingon. Sa halip naman na magsalita ito ay mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa baywang niya. Hinayaan lang naman niya ito, tumaas nga ang dalawang kamay niya para humawak sa kamay nitong nakayakap sa baywang niya. Mukhang na-miss siyang yakapin ng asawa dahil halos hindi ito umalis sa tabi niya. Isinandal nga din niya ang likod sa matikas na katawan nito. Sa sandaling iyon kahit na ganoon lang sila ng asawa ay pakiramdam niya ay kontento na siya. Iyong pakiramdam niya ay wala na siyang hihilingin pa sa buhay dahil kasama na niya ang impor

