"I'M sorry, Ma'am. But Sir Angelo is not here right now." Hindi naitago ni Aria ang pagkadismaya na bumalatay sa kanyang mukha nang marinig niya ang sinabi ng secretary ng asawa ng hanapin niya ito dito ng makarating siya sa opisina nito. Nasa office kasi si Aria ng asawa ng sandaling iyon. Nagpunta siya do'n dahil gusto niya itong makita and at the same time ay gusto niya itong makasabay na kumain kahit sa lunch lang. Dahil masyado itong busy sa opisina ay bihira na lang niya itong nakakasabay na kumain, pati nga sa bahay ay bihira na niya ito nakakasabay nitong makalipas na araw. Kung hindi ito umaalis ng umaga ay late naman na itong dumadating. Tumatawag naman ito lagi sa kanya para kamustahin siya kapag nasa opisina. Pero iba pa din kasi iyong kasama niya ito, iyong personal na nakik

