NAPATIGIL si Aiden ng maramdaman niya ang mabining paghinga ng asawa na nakasandal sa katawan niya. At nang silipin niya ito ay do'n niya nakita na mahimbing na itong nakatulog. Mukhang nakatulog ito sa pagmamasahe niya. Saglit naman siyang hindi kumilos hanggang sa napagpasyahan niyang ihiga ang asawa sa kama para mas komportable ito mula sa pagtulog nito. Dahan-daham niya itong inihiga, nag-iingat na huwag itong magising. At sa halip na umalis siya sa tabi nito ay nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan niya ito. Hinawi pa nga niya ang ilang hibla ng buhok nito na tumatabing sa mukha nito and he look at her intently. Hindi din napigilan ni Aiden ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa asawa. At sa sandaling iyon ay nag-uumapaw ang saya n

