MABILIS na itinago ni Aria ang hawak na cellphone sa kanyang likod nang maramdamang pumasok ang asawa sa kwarto nila. Nang mag-angat siya ng tingin patungo sa gawi nito ay nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya. She smiles at him, but he doesn't smile back. Kinagat naman niya ang ibabang labi habang sinasalubong niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito. Naglakad naman ito palapit sa kanya hanggang sa huminto ito sa harap niya. Napansin naman niya na tiningnan nito ang itinatago niya sa kanyang likod. "What are you hiding from me?" tanong naman nito, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito sa sandaling iyon. He still serious. Kagat pa din ni Aria ang ibabang labi na umiling siya. "Wala," sagot naman niya dito. Lalo namang nagsalubon

