BINUKSAN ni Aiden ang pinto ng passenger ng kotse ng makalapit sila do'n ng asawa pagkatapos nilang lumabas na dalawa sa police station na pinuntahan. "Hop in," wika naman niya kay Aria sa masuyong boses ng sulyapan niya ito sa kanyang tabi. Humawak naman ang isa niyang kamay sa bubong ng kotse para hindi ito mauntog kung sasakay ito at ang isa naman niyang kamay ay umalalay din dito. Wala namang imik na sumakay si Aria sa loob ng kotse. Nagpakawala naman si Aiden ng malalim na buntong-hininga habang sinusundan niya ng tingin ang asawa niya. Nang masiguro na nakaupo na ng maayos si Aria ay maingat na isinara niya ang pinto. Pagkatapos ay humakbang siya palapit sa gawi ng driver seat. Binuksan niya ang pinto at sumakay na din siya sa loob ng kotse. Napatingin naman si Aiden sa asawa.

