ARIA tears keep brimming in her eyes. Mukhang iyon na ang katapusan ng buhay niya. At sa sandaling iyon ay hindi niya maiwasan ang isipin kung ano ang mararamdaman ng mahal niya sa buhay kung malalaman ng mga ito ang sinapit niya, na kung uuwi siya sa mga ito na wala ng buhay. Naisip niya ang pamilya niya, ang Mama at Papa niya. Siguradong masasaktan ang mga ito. At ang asawa niya, nagsisimula pa lang sila na bumuo ng sarili nilang pamilya pero mukhang magwawakas na agad iyon. Wala pang ginagawa ang lalaki sa kanya pero pakiramdam niya ay libo-libong patalim ang sabay-sabay na sumasaksak sa puso niya dahil nasasaktan na siya. Ayaw pa kasing mamatay ni Aria, marami pa kasi siyang gustong gawin, marami pa siyang pangarap sa buhay. Ayaw pa niyang iwan ang mga mahal niya sa buhay. Sa sanda

