"GOOD boy," nakangiting sambit ni Aria sa aso pagkatapos niya itong inject-an ng vaccine nito. Hinaplos din niya ang ulo nito. Nasabi niyang good boy ang aso dahil tahinik lang ito habang binabakunahan niya ito. Hindi nga din ito malikot, mukhang na-train ito ng may alaga dito. Pagkatapos niyon ay bumaling siya sa lalaking may-ari ng aso, napansin naman niya na nakatingin ito sa kanya. At nang magtama ang mga mata nila ay awtomatiko na sumilay ang ngiti sa labi nito. At sa pag-ngiti nito ay nakita niya ang dimples nito sa kanang pisngi nito. Aaminin niya gwapo ang lalaki. He's tall, fair-complexion and handsome. Kahit na may asawa naman siya ay nag-a-appreciate din naman siya ng ka-gwapuhan ng isang lalaki. And he is indeed handsome. Pero para sa kanya ay mas gwapo pa din naman ang asawa

