HININTO ni Aria Victoria ang minamanehong kotse ng makarating siya sa parking lot kung saan matatagpuan ang condo unit ng kaibigang si Sanya. Tinawagan kasi siya nito na kung pwede ay dumaan siya sa condo nito pagkatapos ng work niya sa Pet Shop niya. Gusto kasi nitong i-check niya si Cheney--ang alaga nitong aso na isang Shih Tzu. Hindi daw kasi masyadong kumakain si Cheney at nag-aalala ito sa alaga nito baka kung ano daw ang mangyari do'n. Hindi kasi ito makaalis dahil na-sprain ang isang paa nito dahil sa pagkakadulas nito ng banyo kagabi.
Pumayag din naman siya na puntahan ito sa condo nito para i-check si Cheney, wala naman siyang ibang gagawin at madadanan din niya ang condo nito kapag uuwi siya.
At bago bumaba si Aria sa kotse ay pinadalhan muna niya si Angelo ng text message para sabihin na nandito na siya sa condo ni Sanya.
Kanina ay tumawag ito sa kanya no'ng nasa Pet Shop siya, kinakamusta siya nito. Sinabi din niya dito na pupunta siya sa bahay ni Sanya. At sinabi din niya ang dahilan niya kung bakit siya pupunta do'n.
Sinabi naman nito na mag-ingat siya sa pagda-drive at itext niya ito kapag nakarating na siya sa condo ni Sanya. Angelo is very sweet, ang mga katangian nitong iyon ang dahilan kung bakit niya ito mahal. And to be honest, lahat ng katangian na gusto niya sa isang lalaki ay nandito na. Kaya blessed siya dahil naging boyfriend niya ito.
Nang maipadala niya ang mensahe niya sa boyfriend ay inilagay na niya ang cellphone sa loob ng sling bag niya. Pagkatapos niyon ay bumaba na siya ng kotse. She locked the car using her remote control key and then she started to walk inside the building.
Hinawi naman niya ang ilang buhok na tumatabing sa mukha mula sa pagkakapusod niya in messy bun style. Tamad na din kasi siyang magsuklay at ulitin ang pagkakapusod niya kaya hinayaan na lang niya iyon. Maganda pa din naman siya, hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi dahil binubuhat niya ang sarili niya.
Well, sabi nga nila. Love yourself, kaya iyon ang ginagawa niya.
At dahil kilala na siya ng guard sa building dahil ilang beses naman na siyang pumunta do'n ay pinapasok na siya sa loob.
Binilisan naman ni Aria ang paglalakad nang makitang papasara na ang pinto ng elevator. "Wait!" wika naman niya sa taong sakay niyon habang tumatakbo na siya. Nakita naman niyang mabilis na kumilos ang taong sakay ng elevator at pinigilan nito iyong sumara iyon.
Ngumiti naman siya. "Thank y--
Hindi na niya natapos ang iba pa niyang sasabihin nang makita niya kung sino ang sakay ng elevator na pumigil sa pagsasara niyon. Napakurap-kurap din siya ng mga mata habang nakatingin siya sa taong nasa loob.
Ang lalaki kasing sakay ng elevator ay walang iba kundi ang twin brother ni Angelo na si Aiden. Kahit na na identical twin ang mga ito ay agad niyang nalaman na kakambal ito ni Angelo dahil nga sa stuble sa palibot ng panga nito. Mukhang wala itong balak na ahitan iyon. Nakasuot din ito ng leather jacket at sa loob niyon ay puting t-shirt.
"Are you going to ride or just stand there?" untag na wika nito sa kanya ng hindi pa siya kumikilos sa kinatatatuan, napansin din niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya.
"Oh, sorry," sambit naman niya. Pagkatapos ay agad naman siyang sumakay sa elevator. Pinindot naman niya ang 9th button dahil 9th floor matatagpuan ang unit ng kaibigan. Nakiramdam naman siya sa kasama niya sa loob, hinintay niya na pumindot ito sa button pero hindi ito kumikilos sa kinatatayuan nito mula sa likod niya. Mukhang do'n din ang tungo nito sa floor na pupuntahan niya.
Nagpakawala naman si Aria ng malalim na buntong-hininga. She wanted to talk to him to introduce herself as Angelo's girlfriend. Pero ayaw naman niyang pangunahan ang boyfriend niya. Gusto niyang ito ang magpakilala sa kanya sa kakambal nito bilang boyfriend nito at alam naman niyang one of this days ay ipapakilala siya nito.
At sa sandaling iyon ay napansin niya ang mainit na titig nito sa kanya. Kahit na hindi niya ito nakikita ay nararamdaman pa din niya ang mainit na titig nito na tumatagos sa kaibuturan niya.
Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. At mag-iiba sana siya ng pwesto nang biglang huminto ang elevator na sinasakyan at ang pagkawala ng ilaw do'n. Binalot ng dilim ang loob ng elevator. Sa nangyari ay muntik na siyang mawalan ng balanse kung hindi lang may matatag na kamay na humawak sa likod niya para pigilan siya na mawalan ng balanse.
"Got you," he said in a deep and baritone voice. Naramdaman din niya ang mainit na hininga nito sa batok niya dahilan para maramdaman niya ang pagtaas ng balahibo niya do'n.
Inayos naman siya nito mula sa pagkakatayo niya. "S-salamat," wika naman niya dito sa mahinang boses pero alam naman niyang narinig nito ang sinabi niya.
Wala naman siyang nakuhang sagot mula dito. Tumingin naman si Aria sa likod at hindi niya ito masyado makita dahil madilim sa loob ng elevator. "What happened?" Hindi naman niya napigilan ang itanong iyon sa lalaki sa biglang nangyari sa elevator.
"Brownout," sagot naman nito sa kanya. At hindi naman napigilan ni Aria ang manlaki ng mga mata ng humaplos ang mainit at mabangong hininga nito sa mukha niya ng magsalita ito. Do'n niya na-realize na ang lapit-lapit lang nito sa kanya.
Darn.
Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng umatras siya ng isang hakbang palayo dito. Kinuha din niya ang cellphone niya sa loob ng sling bag niya at in-open niya ang flashlight niya at itinutok niya iyon sa harap.
Napansin naman niya ang pagpikit ni Aoden ng maitutok niya ang flashlight sa gawi nito. Mukhang nasilaw ito sa liwanag ng flashlight ng cellphone niya. Mabilis naman niyang iniwas ang hawak sa dereksiyon nito. "I'm sorry," hingi niya ng paunmahin sa lalaki. Wala ulit siyang narinig na sinabi nito.
Pagkatapos ay itinuon niya ang atensiyon sa hawak na cellphone. Pero napangiwi siya nang makitang walang signal do'n. "Ahh.. walang signal," komento niya habang nakangiwi pa din. Tatawagan sana niya si Sanya para sabihin dito na trap siya sa elevator ng condo nito para i-report nito iyon sa maintenance ng condo para makalabas na sila do'n.
"You don't have to worry. Maglalaman din na may na-trap sa elevator," wika naman ng lalaki sa kanya. "That's the first thing they do," dagdag pa nito.
Nag-angat naman si Aria ng mukha. At mula sa liwanag na nanggaling sa flashlight ng cellphone niya ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya.
Hindi naman niya naipaliwanag pero bigla siyang na-conscious sa titig na pinagkakaloob nito sa kanya, pakiramdam kasi niya kapag tinititigan siya nito ay pati kaloob-looban niya ay tinititigan din nito. Pasimple na lang naman niyang iniwas ang tingin dito. At mula sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang pag-atras nito at ang ginawa nitong pagsandal sa haligi ng elevator. Pinag-krus din nito ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib nito. And he looks calm right at the moment. Mukhang kalmado ito kahit na trap sila sa elevator.
Nagpakawala ulit si Aria ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay ginaya din niya ito, isinandal din niya ang katawan sa haligi ng elevator habang naghihintay siyang magkaroon ulit ng kuryente. Napatingin din siya sa hawak na cellphone, nagbabakasakaling may signal na iyon kahit isa para naman makapagpadala siya ng text message kay Sanya.
Kumibot-kibot naman ang labi niya ng wala pa ding signal kaya inalis na lang niya ang tingin sa hawak at napatingin siya harap. At nakita niyang nakapikit ang kakambal ni Angelo na si Aiden. At sa sandaling iyon ay nagkaroon siya ng pagkakataon na para titigan ito. He really looks like Angelo. Sa tindig at sa shape ng mukha nito ay magkapareho ang dalawa, pati nga ang boses nito ay magkapareho ang kambal. Kung wala lang itong stuble sa mukha ay malamang ay aakalain niya na si Angelo ito. Kaya din siguro ay hindi ito naghahahit ng stuble nito para hindi ito pagkamalam na si Angelo.
"Aiden," mayamaya ay tawag niya sa pangalan nito.
Nagmulat naman ito ng mga mata at agad na tumitig ang tingin nito sa kanya. Dahil sa liwanag na nanggaling sa flashlight niya ay nakita niya ang itim na mga mata nito ay nakatuon iyon sa kanya. Hindi na din ito siguro nagtaka kung bakit alam niya ang pangalan nito dahil sinabi iyon sa kanya ng may-ari ng bar ng kausapin siya nito para humingi ng sorry dahil sa nangyari sa kanya.
"What? he asker her in a deep voice. Bruskong-brusko ang boses nito.
"Hmm...kamusta pala iyong mga galos mo sa braso?" naalala niyang itanong dito. Naalala niya kasi ang galos na natamo nito ng sumemplang ang minamaneho nitong bigbike, noong nakaraang araw lang iyon nangyari, for sure hindi pa iyon masyadong naghihilom.
Saglit namang hindi ito sumagot. "It's already healed," sagot naman nito sa kanya mayamaya.
Tumango-tango naman siya. "That's good," sabi naman niya. "Anyway," mayamaya ay wika niya dito. "Thank you for saving me the other night," hingi niya ng pasasalamat ng ipagtanggol siya nito sa lalaking bastos sa bar. Kung hindi dahil dito ay baka nasampal siya ng lalaking iyon at baka nasaktan pa siya lalo.
"You don't have to thank me," wika nito sa baritonong boses. "You also helped me when I had an accident. It's quits," wika nito na sinabayan nito ng pagkibit-balikat.
Hindi na naman napigilan ni Aria ang makaramdam ng pagkailang nang mapansin niya ang titig na pinagkakaloob nito sa kanya matapos itong magsalita. Akmang iiwas niya ang tingin ng mapahinto siya ng muli itong magsalita.
"Do you live here?" tanong naman nito sa kanya.
Hindi naman siya nakasagot sa tanong nito. Tinaasan naman siya nito ng isang kilay nang hindi pa siya sumasagot sa tanong nito.
Umiling naman siya mayamaya. "No," sagot niya. "May bibisitahin lang ako," dagdag na sagot niya dito.
Hindi naman ito agad nagsalita. Nakatitig lang ito sa kanya. Akala niya ay end of talking na nila iyon pero hindi pala dahil muling bumuka ang bibig nito para magtanong ulit. "Are you going to visit your boyfriend?" tanong nito.
Akmang bubuka ang bibig niya para sumagot sa tanong nito ng biglang bumalik ang kuryente. Umalis naman siya mula sa pagkakasandal niya sa elevator ng muling umandar iyon. Pinatay naman na niya ang flashlight ng cellphone niya. At hindi nagtagal ay huminto ang sinasakyang elevator at bumukas iyon.
Humakbang naman na siya do'n. At hindi niya napigilan na lumingon sa kanyang likod nang maramdaman niyang hindi lumabas si Aiden ng elevator.
Nakita naman niyang nakatayo pa din ito sa loob ng elevator habang nakatingin pa din ito sa kanya. Magkahinang pa din ang mga mata nila hanggang sa nagsara ng tuluyan ang elevator.
Nagkibit-balikat lang naman si Aria at nagpatuloy na siya sa paglalakad.