Chapter 5

2024 Words
"IS it really normal kapag ganito si Cheney?" tanong ni Sanya kay Aria habang nakatitig ito sa kanya. Mababakas din sa boses nito ang pag-alala habang hinahaplos nito ang ulo ng alaga nitong si Cheney. Nasa loob na siya ng condo ng kaibigan niyang si Sanya sa sandaling iyon. Napansin din niya kanina na paika-ika itong maglakad ng pagbuksan siya nito ng pinto ng mag-doorbell siya. Nakita nga din niya na may bandage ang paa nito. Bumaba naman ang tingin ni Aria sa alaga nitong aso na nasa kandungan nito. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa at nilapitan niya ang mga ito. "Akin na si Cheney," wika niya kay Sanya. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang aso at binuhat niya ito mula sa pagkakandong ng kaibigan. "Hey, Cheney," wika naman niya sa aso. "What's wrong with you?" pagkausap pa niya dito. Hindi naman tumahol ang aso, hinaplos lang naman niya ang balahibong katawan nito. "What's wrong with her?" Inalis naman ni Aria ang tingin kay Cheney at inilipat niya iyon kay Sanya ng magsalita ito, hindi lang sa boses mababakasan ng pag-alala ang kaibigan, pati na din sa ekspresyon ng mukha nito. "Hindi ba tinawagan kita at sinabi ko sa 'yo na hindi masyadong kumakain si Cheney? Kanina noong sinubukan ko siyang pakainin, bigla niyang naubos ang pagkain niya. Nagtatakbo nga din siya sa loob ng sala tapos bigla na lang siyang ganyan. Bigla siyang tumamlay, napagod yata sa kakatakbo niya," wika pa nito sa napapansin nito sa aso nito. Tumango-tango naman siya. "Hmm...naging more affectionate ba si Cheney sa 'yo this past few days?" tanong naman niya kay Sanya. Tumango naman ito. "Uh-oh," sagot nito sa kanya. "She's more affectionate to me," dagdag pa na sagot nito. "What about her behavior?" tanong niya ulit. "I noticed that her behavior has changed.," sagot nito sa kanya. "Nagiging irritable din ba siya minsan?" Tumango ulit si Sanya bilang sagot. Inalis naman niya ang tingin kay Sanya at itinutok niya ang atensiyon sa aso na buhat niya. Sa confirmation mismo nito sa tanong niya ay may ideya na siya kung bakit nagkakaganoon ang aso nito. Pero kailangan mo na niyang i-check ang aso kung tama ba ang hinala siya. She check the dog's n****e if it increase the size. Nag-increase nga. Tiningnan din niya ang tiyan nito and it's swollen. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Tama nga siya sa hinala niya. "Congratulations, Cheney," nakangiting wika niya sa aso habang hinahaplos niya ito. "Why are you congratulating her?" tanong naman ni Sanya sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin patungo sa kaibigan ay napansin niya na bahagyang nakakunot ang noo nito, mababakas sa mukha nito ang pagtataka. She smiled at Sanya. "Cheney is pregnant," imporma niya dito. Napansin naman niya ang pamimilog ng mga mata ni Sanya sa sinabi niya, umawang din ang bibig nito. "Cheney is pregnant. Magkaka-baby na ang baby mo," ulit na wika niya sa natatawang boses. "Oh," sambit naman nito. At sa sandaling iyon ay napansin na niya ang kasiyahan na bumalatay sa mga mata nito. "Oh, Cheney. Come here," wika naman nito sa alaga nitong aso. Tumahol naman ang aso. Inabot naman niya si Cheney kay Sanya. "Magkaka-baby ka na," pagkausap nito sa alaga nito. "I'm happy for you," dagdag pa nito. "Hmm...bigyan ko siya ng vitamins at idaan ko na lang dito bukas. And schedule natin siya for check-up para masigurado tayo na okay silang dalawa ng baby niya," wika naman niya sa kaibigan. Nakangiting tumango naman si Sanya. "Oh, thank you, Aria," wika naman nito sa kanya. "You are welcome," sagot naman niya dito. Pagkatapos niyon ay umupo na naman siya sa tabi nito. Ibinaba naman nito ang alaga nito sa sahig at agad naman na naglakad iyon palayo. "Anyway, kamusta na ang paa mo?" mayamaya ay tanong niya dito, bumaba din ang tingin niya sa paa nitong may bandage. "Kumikirot pa," honest naman nitong sagot. "Pina-check up mo na ba sa doctor?" tanong niya. "Uh-ohh," sagot naman nito. "Ano sabi?" "Binigyan lang ako ng pain reliever. And follow check up ko bukas," sagot naman nito sa kanya. "Gusto mo bang samahan kita?" presenta naman niya. Sa lagay nito ay alam niyang mahihirapan ito sa pagpunta ng ospital. "Hindi na, Aria. Nag-presenta na si Kaileen na samahan ako. Anyway, thank you," wika naman nito sa kanya. She just smiled as answer. At mayamaya ay iitinaas niya ang isang kamay at ipinatong niya iyon sa headrest ng sofa. "Nakasabayan ko pala ang twin brother ni Angelo sa elevator kanina" pagku-kwento ni Aria kay Sanya. "Oh, really?" Tumango naman siya. "Dito din yata siya nakatira," dagdag pa na wika niya dito. Nagkibit-balikat naman ito. "Siguro. Baka sa ibang floor siya. Hindi ko pa siya nakakasalubong dito," wika naman nito sa kanya. "So, nagpakilala ka na girlfriend ni Angelo?" mayamaya ay tanong nito. Umiling naman siya. "Hindi. Gusto ko kasing si Angelo mismo ang magpakilala sa akin," wika naman niya. "Sabagay. Mas maganda kung si Angelo ang magpakilala sa 'yo," wika naman nito sa kanya "But in all fairness, mas hot iyong twin brother ni Angelo," wika nito sa kanya sa natatawang boses. Tinaasan naman niya ito ng kilay. "Seriously, Sanya?" Sanya chuckled. "Don't get me wrong, Aria. They Identical twins, both handsome. Pero mas hot para sa akin ang kakambal ni Angelo," wika ng kaibigan sa kanya. "Because, he looks like a bad boy?" wika naman niya. "Exactly," wika naman nito sa natatawang boses. Hindi naman niya napigilan ang mapaikot ng mga mata sa sinabi nito. Ewan niya sa kaibigan, pero ideal nito sa isang lalaki iyong mukhang badboy. Sa totoo lang, first impression nga niya kay Aiden ay mukha itong badboy. Para kasi itong basagulero na ewan. Pero sinabi naman ni Angelo sa kanya na mabait ang kakambal nito. Iyon lang, bihira lang itong ngumiti kaya napagkakamalang masungit. Well, don't judge the book by it's cover nga. "Yes. And for me lang, ha. Iyong mga ganoong hitsura, ganoong klaseng aura pakiramdam ko ay kayang-kaya ka nilang ipagtanggol sa mga gustong manakit sa 'yo," wika nito. "If you are with him, you feel safe kasi matatakot ang iba na gawan ka ng masama sa takot nila sa kasama mo. Ganoon ba," dagdag pa nito. Tumango lang naman si Aria bilang sagot sa sinabi ni Sanya. Naalala kasi niya ang nangyari sa kanya noong may nambastos sa kanya sa bar. Ipinagtanggol siya nito. Hindi man nga lang nakadapo iyong kamao ng bastos na lalaki dito. At tama din si Sanya sa sinabi, noong gabing iyon ay pakiramdam niya ay ligtas siya habang kasama niya ang lalaki. "See?" wika nito sa kanya ng sumang-ayon siya sa sinabi nito. Tumawa lang naman siya. "Crush mo?" tukso niya dito. "Gusto mo sabihin ko kay Angelo na ipakilala ka niya?" "Pwede," wika naman nito sa kanya sa natatawang boses. Natawa na lang din naman siya sinabi nito. Pero totohanin nga niya ang sinabi niya, kapag nagkita sila ng boyfriend ay sasabihin niya dito na ipakilala nito ang kakambal nito kay Sanya para naman magka-lovelife na ang kaibigan. Single pa din kasi ito hanggang ngayon. Marami namang nanliligaw sa kaibigan pero masyado itong pihikan pagdating sa lalaki. Halos isang oras din si Aria na nanatili sa bahay ni Sanya hanggang sa mag-desisyon siyang umuwi na dahil baka nagugutom na din ang alaga niyang aso na si Cheche. Magkapatid si Cheche at Cheney, sabay kasi nilang binili ang aso sa isang pet shop. At sabi ng may-ari ay magkapatid daw ang dalawang Shih Tzu kaya binili na lang nila para naman magkita din ang dalawa minsan. "Hmm...I have to go, Sanya," paalam na niya dito. "Hindi ka na ba dito magdi-dinner? Magpapa-deliver ako ng food," wika naman nito sa kanya. Umiling naman siya. "Hindi na. Sa bahay na lang at baka gutom na din si Cheche," wika naman niya dito. "Ah, okay," hindi naman na siya nito pinilit pa. Tumayo na din siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa. "Ihatid na kita hanggang sa may pinto." Akmang tatayo si Sanya mula din sa pagkakaupo nito sa sofa ng pigilan niya ito. "Huwag na, Sanya. Ipahinga mo na lang iyang paa mo," wika naman niya dito dahilan para mapahinto ito sa pagtayo. "Kaya ko naman na ang sarili ko." "Okay. Salamat at ingat ka sa pagda-drive," wika naman nito sa kanya. "I will," sagot naman niya. "Bye," paalam na niya saka siya humakbang palabas ng pinto. At nang makalabas siya ng condo nito ay tuloy-tuloy siyang humakbang patungo sa elevator. Sumakay na siya sa loob ng elevator at pinindot ang G-button. At habang bumababa ang elevator ay ipinagdadasal niya na huwag ulit mawalan ng kuryente dahil ayaw niyang ma-trap ulit do'n na mag-isa. Mabuti nga kanina dahil may kasama siya, hindi siya masyadong natakot at kinabahan. Hindi naman nagtagal ay huminto ang sinasakyang elevator at nang bumukas iyon ay lumabas na siya. "Oh," sambit naman ni Aria nang makita na umuulan. Napahinto naman siya sa paglalakad, hindi siya makalapit sa kotse niya dahil wala siyang dalang payong. May payong naman siya pero naiwan niya sa kotse. Hindi naman kasi niya alam na uulan, kanina kasi ay medyo maganda ang panahon. Hinintay naman ni Aria na medyo huminto ang ulan. Halos ilang minuto din siyang nanatili sa kinatatayuan hanggang sa mapansin niya na medyo humina na ang ulan. Humigpit naman ang pagkakahawak niya sa sling bag niya na nakasabit sa balikat niya. Nag-desisyon na din siyang takbuhin ang distansiya ng kotse niya sa kinatatayuan. Tinatamad na din kasi siyang bumalik sa condo ni Sanya para humiram ng payong dito. Akmang tatakbo na siya ng mapatigil siya ng maramdaman niya na may humawak sa braso niya. At nakaramdam siya ng boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan niya ng magdikit ang mga balat ng kung sino man ang humawak sa braso niya. Tumingin naman si Aria sa gilid niya. At umawang bahagya ang bibig niya nang magtama ang mga mata nilang dalawa ni Aiden, ang lalaki kasi ang humawak sa braso niya sa sandaling iyon. "Bakit?" tanong naman niya dito. At sa halip naman na sagutin siya nito ay binuksan nito ang hawak nitong isang payong. Binitiwan din nito ang braso niyang hawak nito. "I'll walk you to your car," he said in a baritone voice. Tatanggi sana siya ng hindi niya magawa nang hawakan na siya nito sa likod ng siko at marahan nang inalalayan patungo kung saan naka-park ang kotse niya. "Where is your car?" tanong naman nito sa kanya. Itinuro naman niya kung saan nakaparada ang kotse niya. Tinahak naman nila ang dereksiyon patungo do'n. At habang palapit sila do'n ay kinuha naman niya ang remote control key ng kotse na nasa bulsa ng suot niyang pantalon. She unlocked the car using her remote control key nang makalapit sila sa tapat ng kotse niya. Hinarap naman niya ito. "Thank you," wika naman niya dito. Tumango lang naman ito bilang sagot. Tumalikod naman na siya dito para buksan niya ang pinto ng kotse. Pero hindi inaasahan ni Aria na madulas pala ang semento na inaapakan dahilan para mawalan siya ng balanse. Her eyes grew wide. Pero bago pa siya bumagsak sa sahig ay may matatag na brasong pumulupot sa baywang niya. Nag-angat naman si Aria ng tingin at agad na nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Aiden dahil nakatingin ang itim na mata nito sa kanya. Saglit naman siyang napatitig sa itim na mga mata nito hanggang sa umayos siya mula sa pagkakatayo niya at bahagya din itong itinulak palayo sa kanya. "Salamat ulit," wika naman niya dito. Hindi naman ito sumagot. Sa halip ay ito na ang nagbukas ng pinto para sa kanya. "Hop in," wika naman nito sa kanya sa baritonong boses. Mabilis naman na siyang sumakay sa driver seat ng kotse niya. Ito na din ang nagsara ng pinto para sa kanya. At nang balingan niya ito sa gilid ng bintana ay nakita niya na naglalakad na ito palayo sa sasakyan niya. Saglit naman niyang tinitigan ang papalayong likod nito hanggang sa buhayin na niya ang makina ng kotse at umalis na sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD