Chapter 6

2361 Words
PAGPASOK ni Aiden sa condo niya ay agad niyang tinanggal ang leather jacket na suot sa sandaling iyon. Pagkatapos niyon ay basta na lang niyang hinagis ang jacket sa sofa sa may sala. Ginulo din niya ang buhok dahil nabasa iyon sa ulan kanina. At saka siya naglakad patungo sa kusina. Lumapit siya sa fridge at binuksan niya iyon. Kumuha naman siya ng canned beer. Sumandal siya sa pinto ng fridge habang binubuksan ang hawak na canned beer at saka niya iyon ininom. Aiden Rodrigo is 30 years old. He is a Licensed Architect in California. Pagka-graduate niya ng High School ay napili niya sa California mag-aral ng college. At ang isa ding rason kung bakit napili niya do'n na mag-aral at malayo sa pamilya ay para magkaro'n ng sariling identitu ang isa kanila ng kakambal na si Angelo. They were Identical twins, magkamukhang-magkamukha silang dalawa. At dahil do'n ay hindi na sila nagkakaroon ng sariling identity na dalawa dahil madalas ay napagkakamalan siyang si Angelo at ang kakambal naman ay napagkakamalan na siya. Tinatama naman nila minsan ang mga ito. Pero dahil madalas din nagkakamali ang nakapaligid sa kanila ay napagod na din sila, kaya hinahayaan na lang nila iyon minsan. At para magkaroon sila nh sariling identity ay napagpasyahan niyang lumayo. Nag-desisyon na lang si Aiden na mag-aral ng college sa California. At dahil din do'n ay nagkaraoon din siya ng sarili niyang identity sa paninirahan niya sa California. Wala nang magkakamali na tawagin siyang Angelo at alam niyang ganoon din ang kakambal niya. Nagustuhan din naman ni Aiden na manirahan do'n kaya napagpasyahan na din niyang mag-stay sa California for good pagkatapos niyang grumaduate at noong makapasa siya as an Architect. At first nag-trabaho si Aiden sa isang Architectural firm. Tatlong taon din siyang nag-trabaho hanggang sa naisipan din niyang magpatayo ng sarili niyang Architectural firm. Sa totoo lang ay hindi din madali ang magpatakbo ng isang kompanya. Pero dahil sa sikap at tiyaga niya ay napagtagumpayan niya. At makalipas ng ilang taon ay nagbunga din ang sipag at tiyaga niya. Because AR Architectural Firm is the one of the biggest Architectural Firm in California. At ang isa ding dahilan ni Aiden kung bakit siya umuwi ng Pilipinas ay balak niyang magpatayo din ng AR Architectural Firm sa bansa. Gusto din niyang makilala sa bansang sinilangan ang dugo't pawis niya. Aiden took a deep breath. Pagkatapos ay muli niyang ginulo ang medyong basang buhok. At napatigil siya mula sa ginagawa ng maalala niya ang dahilan ng pagkabasa ng buhok niya. At hindi din niya napigilan na sumagi sa isipan ang mukha ng babaeng ilang beses na niyang nakita sa loob lang ng ilang araw. The woman who helped him when he got into an accident. And to be honest, he couldn't explain to himself what he felt for the woman. Mayro'n kasing kakaiba sa babae na hindi niya ma-explain. Sa unang beses kasi na nagkita sila noong tulungan siya nito ng sumemplang ang bigbike niya ay hindi na ito maalis sa isip niya. Bigla-bigla na lang itong pumapasok sa isip niya. And to be honest again, may bahagi sa sarili niya na gusto niya itong makitang muli. At mukhang mabait sa kanya ang pagkakataon dahil kahit na hindi sinasadya ay nagkikita sila. Gaya na lang noong nagpunta siya sa bar na pag-aari ng kaibigan. He saw her there again. And hindi niya maipaliwanag pero hindi na naman niya maalis ang tingin sa babae ng sandaling iyon, nakasunod lagi ang tingin niya dito. May iba ngang babaeng lumalapit sa kanya, nagbibigay ng motibo pero hindi niya pinansin ang mga ito. Kung sa ibang pagkakataon ay baka sinunggaban na niya ang mga babaeng lumalapit sa kanya noong gabing iyon. Babae na ang lumalapit sa kanya? Tatanggi pa ba siya? Pero hindi niya maintindihan ang sarili ng gabing iyon dahil tinanggihan niya ang babaeng nagbibigay sa kanya ng motibo. Kahit na idinidikit na ng mga ito ang katawan sa kanya ay hindi pa din siya naaapektuhan. At ang dahilan ng pagtanggi niya ay dahil sa babaeng isang beses lang niyang nakita pero hindi na niya maalis sa isip niya. At habang nando'n siya sa bar ay ginugol niya ang oras sa kakatingin dito at mukhang may magandang kinalabasan ang pagsunod niya sa bawat kilos dito dahil nakita niya na muntik na itong saktan ng lalaki nagsasayaw sa dance floor kung hindi lang siya agad nakalapit sa mga ito. But f**k! Hindi niya ugaling makialam sa problema nang iba. Pero noong sandaling iyon, bigla niyang gustong makialam. He wanted to save her, he wanted to potect her against that man. And he did. At kanina, hindi na naman niya inaasahan na makikita niya ito at makakasabayan pa sa elevator ng building kung saan matatagpuan ang condo niya. Wala pa namang isang linggo noong bumili siya ng unit do'n kaya hindi pa siya masyadong pamilyar sa mga tao na naninirahan din do'n. At first he thought she lived there. Pero nagkamali lang siya ng inakala. May binisita lang pala ito do'n kung bakit ito naro'n sa lugar. At hindi naman napigilan ni Aiden ang mapakunot nang noo na posibleng boyfriend nito ang binisita nito do'n. Naalala niyang tinanong niya ito kung ang boyfriend ba nito ang binibisita nito pero hindi na ito nagkaroon ng pagkakataon na sagutin siya dahil nga sa biglang pagbalik ng kuryente sa loob ng elevator. Pero hindi nga imposible ang iniisip niya. Hindi imposible na may boyfriend ito. Sa ganda nitong iyon? Imposibleng walay nanligaw dito. At hindi maipaliwanag ni Aiden kung bakit nakaramdaman siya ng pagkadismaya sa isiping may boyfriend na ito. Fuck! Hindi niya napigilan ang mapamura sa isipan. Inisang lagok nga din niya ang laman ng hawak na canned beer. Nang maubos ay umalis siya mula sa pagkakasandal niya sa pinto ng fridge at basta na lang din niyang itinapon ang hawak sa basurahan. Naglakad naman na siya palabas ng kusina. At akmang magpapatuloy siya sa paglalakad patungo naman sa kwarto nang mapatigil siya ng bigla siyang may naisip. Saglit naman niyang ipinikit ang mga mata and his mind was wondering if he must do what was in his mind or not. But for his peace of mind, nag-desisyon siyang gawin na lang kaya sa halip na pumasok sa kwarto at lumapit siya sa sala para tumawag sa telepono sa security ng condo. Nakailang ring naman at sinagot nito ang tawag niya. "Hi. This is Aiden Rodrigo from unit 205," pagpapakilala naman niya ng sagutin ng guard ang tawag niya. "Yes, Sir. Ano pong kailangan niyo?" tanong naman nito. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga. Saglit din siyang hindi sumagot pero mayamaya ay bumuka ang bibig niya para magsalita. "A woman visited here earlier," imporma naman niya. Sinabi din niya dito kung anong oras bumisita ang babae. "And I think her name is Aria? I'm not sure," dagdag pa niya. Medyo hindi pa siya sigurado kung Aria ba ang pangalan nito. Naringgan kasi na tinawag ito ng kaibigan nito noong nasa bar sila but he's not sure if he heard her right. Isa ding pagkakamali niya ay hindi niya natanong ang pangalan nito, eh, ilang beses na silang nagkita na dalawa. Ito nga ay alam nito ang pangalan niya. "Ah, si Ma'am Aria po," wika naman ng guard. Mukhang kilala na nito ang tinutukoy niya. "Madalas na bumisita dito si Ma'am Aria, Sir," dagdag pa nito. "Ano ang buo niyang pangalan?" tanong naman niya dito. Gusto kasi niyang malaman ang pangalan nito. "Victoria po. Aria Victoria," sagot naman nito sa kanya. Hindi naman napigilan ni Aiden ang mapakunot ng noo. Aria Victoria? Parang pamilyar ang pangalan nito. Hindi lang niya matandaan kung kailan at kung saan niya narinig ang pangalan nito. Naisip lang ni Aiden na baka nabasa o narinig lang niya sa iba ang pangalan nito. Common naman kasi ang pangalan nito. "Hindi siya nakatira dito. May binibisita ba siya dito?" sunod na tanong niya. Iyon ang pangalawang dahilan kung bakit tumawag siya sa guard. Una ay kung ano ang pangalan nito. Pangalawa ay kung sino ang binisita nito doon. "Kaibigan po niya, Sir. Si Ma'am Sanya po," sagot naman nito sa kanya. Hindi naman naipaliwanag ni Aiden kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam niya. Hindi nga din niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. "Hmm...bakit niyo po tinatanong, Sir. May ginawa po ba siya?" tanong naman ng guard sa kanya. Umiling naman siya bilang sagot kahit na hindi naman siya nito nakikita. "She is not doing anything wrong. I just asked," wika naman niya dito. "Anyway, thank you for answering my question," wika naman niya dito. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siya dito. May ngiti pa ding nakapaskil sa labi niya nang maglakad siya papasok sa kwarto niya. "MINA, lahat ba ng naka-schedule ngayong oras ay nakapunta na?" tanong ni Aria sa assistant niyang si Mina sa Pet Clinic niya ng balingan niya ito. Tumingin naman ito sa screen ng computer nito para tingnan kung lahat ba ng naka-schedule ay pumunta na. "Yes, Doc," mayamaya ay sagot nito nang mag-angat ito ng tingin sa kanya. Tumango-tango naman siya bilang sagot. "Sa loob lang ako ng office. Call me if there is a problem," wika naman niya dito. "Yes, Doc," sagot naman nito sa kanya. At akmang papasok si Aria sa loob ng opisina niya ng mapahinto siya ng marinig niya ang pagtunog ng dream catcher na may sound na nakasabit sa labas ng pinto ng Pet Clinic niya tanda ng may pumasok do'n. Tumingin naman siya do'n. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya ang boyfriend niyang si Angelo na pumasok sa loob ng Pet Clinic niya. At nang magtama ang mga mata nila ay awtomatikong ngumiti din ito. May ngiti pa din siya sa labi ng maglakad siya palapit dito, sinalubong din naman siya nito. At nang tuluyang silang magkalapit ay dumukwang ito para bigyan siya ng mabilis na halik sa labi. "Hi, babe," bati nito sa kanya. "Hmm...hi. What are you doing here?" tanong naman niya dito mayamaya. Ang alam niya ay may ka-lunch meeting itong isang business tycoon. Sinabi kasi nito iyon sa kanya kaninang umaga. Well, ini-inform naman kasi siya nito sa schedule nito araw-araw. Kulang na nga lang ay ibigay nito sa kanya ang planner nito para malaman niya ang mga pinaggagawa nito. Sinabi nito sa kanya ang schedule nito para daw if ever na tumawag siya at hindi nito iyon nasagot ay alam niyang may importante itong ginawa. "Malapit lang dito iyong imi-meet ko kaya naisipan ko mo nang dumaan dito at dalhan ka na din ng lunch," sagot nito sa kanya. Bahagya din nitong itinaas ang kamay nito. At do'n niya napansin ang hawak nitong isang plastic bag na may tatak na sikat na restaurant. "Oh, thank you, babe," pasasalamat naman ni Aria sa boyfriend. He is very thoughtful, kahit na busy ito ay naisipan pa nito na dalhan siya ng pagkain. "Anyway, babe. May gagawin ka ba sa linggo?" tanong nito. "May lakad ba kayo nina Sanya?" Umiling naman siya. "Wala naman. Bakit mo naitanong?" "May family dinner kasi kami. And I want you there, too. Tamang-tama. Nando'n din si Kuya Aiden, ipapakilala kita sa kanya," wika naman nito sa kanya. "Okay. Sabihan mo na lang ako kung anong oras," wika naman niya. Tumango naman ito. "Sunduin na lang kita sa condo mo," wika naman nito. "Okay," sagot naman niya. Mayamaya ay napansin niya ang pagtingin nigo sa wristwatch na suot nito. "Kailangan ko na umalis," wika nito ng ibalik nito ang tingin sa kanya. "Baka ma-late pa ako sa ka-meeting ko." "Oh, sige," wika naman niya. Ibinigay naman nito sa kanya ang hawak nitong plastic bag. "Hmm...hatid na kita sa labas " sabi naman niya. "Huwag na, babe," tanggi nito. "Kaya ko naman," dagdag pa nito. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga. "Okay. Ingat ka na lang," sabi na lang niya dito. "I will," wika naman nito. Lumapit naman ito sa kanya para yakapin hanggang sa maglakad na ito paalis ng clinic niya. Sa pangalawang pagkakataon ay nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga. Kakaalis lang nito pero nami-miss na agad niya ito. Tumalikod naman na siya at naglakad na papasok sa opisina niya. Ipinatong niya ang hawak sa tabke niya at umupo siya sa swivel chair niya. At dahil mag-a-alas dose na ay naisipan na din niyang kumain ng lunch. Inilabas naman na niya ang pagkaing dinala ni Angelo. Napangiti siya nang makitang paborito niyang kare-kare ang ulam na binili nito para sa kanya. Alam na alam talaga nito ang gusto niyang kainin sa sandaling iyon. Nagsimula naman na siyang kumain at halos maubos niya ang lahat ng pagkain na bigay nito. At dahil wala pa namang ala una ay nanatili siya sa opisina niya para magpahinga. Kinuha naman niya ang cellphone at nag-browse siya saglit sa social media account niya. Nasa ganoong siyang posisyon ng kumatok ang assistant niyang si Mina sa labas ng pinto ng opisina niya. "Come in," wika naman niya. Bumukas naman ang pinto ang sumilip do'n si Mina. "Ma'am Aria, may walk-in client po tayo. Magpapa-vaccine po iyong alaga niyang Doberman," impora naman nito sa kanya. "Okay. Tell the client to wait for me," utos naman niya dito. "Sige po, Ma'am," sagot naman nito. Inilapah naman niya ang cellphone sa table niya. Tumayo na din siya mula sa pagkakatao. Sa halip na lumabas ng opisina ay pumasok siya sa loob ng banyo na nasa loob ng opisina niya. Nagtooth-brush naman siya para kahit paano ay hindi naman amoy kare-kare at alamang ang hininga niya. Nang matapos ay ipinusod na din niya ang mahabang buhok in a messy bun style. Hinayaan lang din niya ang ilang hibla ng buhok na kumawala mula sa pagkakatali niya at naglakad na siya palabas ng opisina niya. At natigilan si Aria ng paglabas niya ng opisina niya ay nakita niya kung sino ang nag-walk in na client na sinasabi ni Mina. Ang kakambal ni Angelo na si Aiden. "Hi. It's nice to meet you again," he greets her in a deep and baritone voice as he looks at her straight in the eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD