"BYE, Ma'am Aria. Ingat po kayo," wika ni Mina sa kanya ng makalabas silang dalawa sa Pet Clinic niya pagkatapos ng trabaho.
Ang working hours kasi sa Pet Clinic niya ay 9 am to 5 pm. And it's now five in the afternoon kaya uuwi na sila. Ayaw din naman niyang mag-overtime din silang dalawa ni Mina. Iniisip din kasi niya ang assistant niya, may anak pa kasi itong naghihintay sa bahay ng mga ito.
Nginitian naman ni Aria si Mina ng lingunin niya ito. "Okay. Ingat ka din," wika din naman niya dito.
Kumaway naman si Mina sa kanya bilang pagpapaalam at saka ito naglakad paalis. Humakbang naman na si Aria palapit sa kotse niya na naka-park sa parking lot ng Pet Clinic niya. Kinuha naman niya ang remote control key sa sling bag niya. And then she pressed the unlocked button of her remote control key. Tumunog naman iyon tanda ng pagkabukas.
Binuksan na niya ang pinto sa driver seat at pumasok siya do'n. Binuhay naman na niya ang makina ng kotse niya at saka na niya iyon pinaandar paalis. At bago siya umuwi ng condo niya ay naisipan niyang dumaan sa Drive Thru ng isang Fast Food Chain. Nag-crave kasi siya ng Chicken and Spaghetti. At tinatamad na din siyang magluto ng dinner niya dahil pagod siya. Marami kasi siyang pasyente kaninang hapon at hindi siya masyadong nakapagpahinga dahil sunod-sunod ang naging client niya. At ang gusto niya ay umupo na lang siya pagdating sa condo niya para makapagpahinga siya. Madami nga din siyang walk-in applicant at isa na do'n ang kakambal ni Angelo na si Aiden.
Hindi naman niya inaasahan na magkikita silang dalawa do'n. Napansin niya na napapadalas ang pagkikita nilang dalawa. Mukhang gusto na ng tadhana na magpakilala siya dito. Napailing na kang si Aria sa naisip, hintayin na lang niya ang linggo. Invited kasi siya sa family dinner ng mga ito at sinabi ng boyfriend na ipapakilala na din siya nito sa kakambal nito bilang girlfriend nito.
Nang matapos naman na siyang um-order sa Drive Thru ay umalis na siya.
Nasa gitna siya ng daan ng may hindi inaasahang nangyari. Biglang pumutok ang gulong ng kotse niya sa harap. Nanlaki naman ang mata ni Aria dahil sa naramdamang kaba ng gumewang ang kotse niya. Mabuti na lang at nakabig niya bigla ang manibela sa gilid ng daan at mabilis din niyang inapakan ang preno para hindi siya bumangga sa concrete barrier. Muntik din siyang mapasubsob sa manibela, mabuti na lang at suot niya ang seatbelt niya.
Tumaas naman ang isang kamay ni Aria patungo sa kaliwang dibdib niya ng maramdaman niya ang pagbilis ng t***k ng puso niya dahil sa sobrang takot at kaba.
She breath in and out to calm herself. At nang medyo nahimasmasan ay tinanggal niya ang suot na seatbelt at lumabas siya ng kotse para tingnan kung ano ang nangyari sa gulong niya.
At napabuntong-hininga na lang siya nang makita ang kotse niyang pumutok. Darn. Mabuti na lang at medyo mabagal lang ang pagpapatakbo niya ng kotse dahil kung hindi ay baka na-disgrasya siya o naka-disgrasya siya, alin na lang sa dalawa.
Lihim naman siyang nagpasalamat kay Papa God dahil walang nangyaring masama sa kanya.
Saglit naman siyang nakatitig sa flat na gulong hanggang sa napagpasyahan niyang bumalik sa loob ng kotse niya para kunin ang mga importanteng gamit na nasa loob. Nag-desisyon siyang iwan na lang ang kotse do'n at tatawag na lang siya ng towing services para kunin ang kotse niya at dalhin iyon sa talyer para ipaayos.
Nang makuha naman niya lahat ng importanteng gamit ay ni-lock niya ang pinto ng kotse. Tumawag din siya sa towing services at sinabi niya dito ang problema niya. At nang matapos siyang makausap ang staff ng towing services ay pinatay na niya ang tawag at inilagay niya sa loob ng bag ang hawak na cellphone.
At akmang magpapara ng Taxi si Aria ng mapatigil siya ng biglang may tumigil na isang bigbike sa harap niya. Medyo napaatras pa siya ng isang hakbang dahil sa takot na naramdaman ng puso niya sa biglang pagsulpot nito.
Pero noong itaas ng lalaki ang shield ng helmet nito at nang magtama ang mga mata na ay parang bolang biglang naglaho ang kabang nararamdaman niya. Akala kasi niya ay holdaper ang huminto sa harap niya sa sandaling iyon.
Ang lalaking sakay ng bigbike kasi ay walang iba kundi ang kakambal ng boyfriend niya. Ang lalaki ay walang iba kundi si Aiden Rodrigo. Kahit na nakasuot ito ng helmet at kahit mata lang nito ang nakikita niya ay nakilala pa din niya ito.
May holdaper bang may mamahaling bigbike, Aria? wika naman ng bahagi ng isip niya. Base kasi sa pangalan ng bigbike nito ay mukhang mamahalin iyon.
Tuluyan naman tinanggal ni Aiden ang helmet na suot nito. Inayos naman nito ang nagulong buhok bago ito tumingin sa kanya. Bumaba din ito sa bigbike nito at hinarap siya.
"What happened?" tanong nito nang magtama ang mga mata nila.
Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. At napansin naman niya ang pagbaba nito ng tingin sa labi niya. Napansin nga din niya ang paggalaw ng adams apple nito pero hindi naman niya iyon binigyan ng atensiyon.
"Bigla na lang kasi pumutok iyong gulong ng kotse ko," sagot naman niya dito. Itinuro din naman niya ang flat na gulong niya. Napansin naman ni Aria ang pagsunod ng tingin ni Aiden sa itinuturo niya.
Agad din naman nitong ibinalik ang tingin sa kanya nang makita nito ang flat na gulong niya. "You okay?" tanong naman nito sa kanya, napansin naman niya ang pag-alala na bumakas sa mga mata nito sa sandaling iyon.
Tumango naman siya. "I'm okay," sagot naman ni Aria dito.
Narinig lang naman niya ang pagbuntong-hininga nito. "That's good," wika naman nito sa kanya. "Anyway, tumawag ka na ba ng towing services?"
"Yes," sagot niya. "Magpapara na sana ako ng Taxi nang dumating ka," dagdag niya.
"I was passing by nang makita kita," wika naman nito sa kanya. "Kaya lumapit na ako."
Tumango-tango naman siya. "Huwag ka nang pumara ng Taxi. Ihatid na kita," wika naman nito mayamaya.
"Ha?" tanong niya.
"Ihatid na kita sa inyo," ulit na wika nito.
Umiling naman siya bilang sagot ng mag-sink in na sa kanyang isip ang sinabi nito. "Huwag na. Maabala pa kita-
"Hindi ka nakakaabala," putol naman nito sa sasabihin niya. "Kaya pumayag ka na," pamimilit pa nito sa kanya.
"Okay," pagpayag na lang niya. Pero sa ibang pagkakataon, kapag hindi niya ito kilala ay hindi siya papayag na ihatid siya nito, hindi siya sasama dito. Sa panahon ngayon ay marami na ang manloloko. Marami na ding ang masamang tao kaya dapat nag-iingat siya. Hindi porque gwapo o mayaman ay hindi na gumagawa nang masama, minsan nga ay mga ito ang gumagawa ng masama. Mabuti na lang ang nag-iingat.
Napansin naman ni Aria ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. At kung wala lang itong stubble sa palibot ng panga nito ay mapagkakamalan talaga niya ito na boyfriend niya. Carbon copy talaga nito si Angelo.
Kinuha naman nito ang extra na helmet at inabot nito sa kanya. Pero nahirapan siyang kunin iyon dahil sa bitbit niya. Napansin naman niya ang pagbaba nito ng tingin sa hawak niya. At nakita niyang nakatitig ito sa plastic na binili niya kanina sa Drive Thru sa isang sikat na fast food chain.
"Dinner ko mamaya," wika niya kahit na hindi naman siya nito tinatanong. Wala naman siyang nakuha sagot mula dito. At medyo napahiya siya dahil masyado siyang feeling close.
Humugot lang naman si Aria ng malalim na buntong-hininga.
"Pahawak lang saglit. Isuot ko lang iyong helmet--
"Let me?" putol na naman na wika nito sa iba niyang sasabihin. Wala naman na siya nagawa ng ito mismo ang nagsuot ng helmet sa ulo niya. At habang ginagawa nito iyon ay hindi niya napigilan ang mapatitig sa lalaki.
Angelo was right. Mabait nga ang kakambal nito. Hindi lang masyadong halata dahil hindi naman ito ngumingiti kaya napagkakamalan itong masungit.
Pero ngumiti siya sa 'yo kanina, Aria, wika naman ng bahagi ng isipan niya.
Kaya nga sumang-ayon ako sa sinabi ni Angelo na mabait ang kakambal niya, sagot naman ni Aria sa sinabi ng isipan.
"Done," wika naman nito sa baritonong boses ng matapos nitong isuot ang helmet niya.
"Let's go," wika naman nito sa kanya. Kinuha naman na nito ang helmet at isinuot na nito iyon sa ulo at saka na ito sumakay sa bigbike nito. Nilingon naman siya nito ng hindi pa siya kumikilos mula sa kinatatayuan. "Come on. Hop in," wika nito sa kanya.
Sumakay naman siya sa likod nito. Noong una ay medyo hesitant pa siya na humawak sa baywang nito pero humawak pa din siya. Mahirap na baka mahulog pa siya. Naramdaman naman niyang saglit itong natigilan sa paghawak niya. Pero mayamaya ay pinaandar na nito ang makina ng bigbike nito.
Bahagya namang nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman ang pagbilis ng pagmamaneho nito sa bigbike nito. At dahil sa kaba na biglang lumukob sa kanya ay humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang nito.
"Pwedeng pabagalan?" wika naman niya. At alam niyang narinig nito ang sinabi niya dahil naramdaman niya ang pagbagal ng pagpapatakbo nito ng bigbike nito. May narinig din siyang 'Sorry' pero hindi sjya masyadong sigurado kung tama ba o nakaringgan lang niya. Nagkibit-balikat lang naman siya.
"Hmm...Aria, pwede bang dumaan lang ako saglit sa isang restaurant?" narinig naman niyang wika nito sa kanya habang nagda-drive ito.
"Okay lang," sagot naman niya.
"Thanks," wika naman nito. Nagpatuloy naman ito sa pagda-drive hanggang sa dumaan ito sa isang restaurant. Pinark naman nito ang bigbike nito sa parking lot ng nasabing establishemento.
Bumaba siya mula sa pagkakasakay niya sa likod ng bigbike nito para makababa din ito. Tinanggal nito ang helmet ng makababa ito. "Wait me here," wika nito sa kanya ng balingan siya nito. "I'll be back."
Tumango lang naman siya. Naglakad naman ito papasok sa nasabing restaurant. Mukhang magti-take out din ito ng pagkain nito para sa dinner nito.
Hindi naman nagtagal ay bumalik na din si Aiden. May bitbit na itong plastic na may lamang in-order nito.
Muli na nitong isinuot ang helmet nito at sumakay na sa bigbike nito. Sumakay na din siya do'n at pinaandar na nito paalis ang bigbike. At habang nasa daan ay tinanong siya nito kung saan ang address niya na sinagot naman niya.
At makalipas ng ilang minuto ay nakarating na din sila sa building kung saan matatagpuan ang condo niya.
Bumaba naman siya ng ihinto nito ang minamanehong bigbike. Tinanggal din niya mag helmet na suot at ibinalik niya iyon dito.
"Thank you," wika niya habang sinusuklay niya ang medyo nagulong buhay.
"You're welcome," sagot naman nito.
"Hmm...sige. Papasok na ako sa loob. Ingat ka sa pagda-drive," wika niya.
"I will," wika nito.
She smiled at him. Napansin naman niya ang paninitig nito sa kanyang mukha ng ngumiti siya. "Bye," paalam na niya, kumaway pa siya.
At akmang maglalakad siya paalis sa harap nito ng mapahinto siya ng tawagin nito ang pangalan niya.
"Aria," tawag nito.
Nilingon naman niya ito. At agad naman na nagtama ang mga mata nila. "Yes?"
"Here," wika nito sabay taas ng hawak nitong plastic. Bumaba naman ang tingin niya sa hawak nito.
"Ano iyan?" tanong naman niya sa halip na kunin iyon.
"Food. It'n not healthy kung fast food lang ang kakainin mo sa dinner," wika nito. "You need to eat healthy foods."
"Oh," sambit naman niya. So, noong pumunta ito ng restaurant ay bumili ito ng pagkain hindi para dito, kundi para sa kanya. Pareho pala ang kambal, very considerate.
"Thank you. Pero hindi mo naman--
"It's okay. Kunin mo na," hindi na niya naituloy ang iba pa niyang sasabihin ng magsalita ito. At wala na din siyang nagawa ng kunin nito ang kamay niya at sapilitin na inabot nito ang hawak nitong plastic.
Hindi naman napigilan ni Aria ang tumingin sa kamay niyang hawak nito ng maramdaman niya ang parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan niya ng magdikit ang mga balat nila. At base sa titig nito sa kamay din nila ay alam niyang naramdaman din nito ang naramdaman niya.
What is that?