Chapter 7: Notes

1147 Words
Katana Valencia Pov. Habang nag lalakad papalapit sa opisina ni sir Liam ay lalo kung naaamoy ang pagkain na nasa harapan ko, Sobrang bango kasi nito dahil bagong luto palang, mainit pa kasi nung hinawakan ko. "Sir Liam?" Kuha sa pansin niya nakatalikod kasi siya sa akin dahil may kausap. "Put my food there, and you can go and continue your work" Tulad ng sabi niya ay nilagay ko sa gilid ng mesa niya malapit sa upuan niya ang pagkain niya, At tsaka ako lumabas. Siguro sa bahay nako kakain magluluto na lang din ako ng pagkain na pwedeng dalahin para hindi ako gumastos ng malaki dito para sa pagkain lang, Nalaman ko rin kasi na kinakaltas rin pala sa sahod ang pagkain ng mga empleyado, kaya naman kesa dun pa kumain ay magdadala na lang ako ng sariling luto ko. Habang nagpapalipas ng oras ay nagtitingin ako ng mga documents ito muna kasi ang binabasa ko dahil kailangan ko ito gawin, Lalo na sa mga papeles na kailangan ng perma ni sir Liam, ako ang kailangang magbasa nuon para sa kanya dahil sa dami ng trabaho ni sir Liam, Mas ginusto ni Mitchell nuon na mapadala Ang trabaho kaya naman siya ang nagbabasa lahat kahit madami ay nag titiis siya taposin yun. "Sakit naman sa ulo ng English" Paglipat ko ng pahina ng binabasa ko kanina pako nag babasa pero parang wala akong naintindihan, hindi ko alam kung hindi ko lang ba talaga maintindihan o baka dahil sa gutom na ko?. Natuto ako magbasa ng English dahil sa tulong ni ate Isabelle, siya paminsan ang tumutulong sa akin lalo na kapag gusto ko magbasa, ginagabayan niya ako na malaking tulong dahil nagagamit ko lahat ng tinuro niya sa ilang taong inalagaan nila Ako ng pamilya niya. Hindi ko na lang pinansin at nag patuloy ako sa pagbabasa, Kailangan ko na lang siguro umuwi ng maaga para makakain na agad dahil parang nagwawala na ang mga halimaw sa tyan ko. Nakalipas na ang oras pero hindi pako tinatawag ni sir Liam sa loob, hinayaan ko lang dahil baka galit siya kanina kasi nung sinabi niyang ilagay ko ang pagkain niya sa malapit sa may mesa ay para bang may galit siya sa kausap niya, Base sa tono ng boses niya ay galit nga siya, kaya rin umalis ako agad dahil baka sakin pa mailabas lahat ng galit niya. Habang tumatakbo ang oras ay palala ng palala ang gutom ko na tinitiis ko dahil kalahating oras na lang naman ay makakauwi nako sa apartment ko. Malapit lang naman talaga ang apartment ko pero dahil sa mahirap sumakay sa bahagi na yun ay kailangan ko mag antay ng sobrang aga. Paminsan naman ay naiisip kong pwede naman lakarin tulad ng ginagawa ko kapag nag a-apply ng trabaho pero baka malate ako dahil sa kabalan maglakad. Inaayos ko na ang mga gamit ko habang nagiintay ng oras para hindi na ako mag aayos kapag tumapat na sa 5:00 pm ang kamay ng orasan 20 minutes na lang. Pwede na akong umuwi kasabay ng ibang empleyado nalaman ko rin pala kay Mitch na kapag oras na ng uwian hindi ko kailangan mag antay na makauwi si sir dahil hanggang 5:00 pm lang naman daw ang trabaho ko sanay na rin naman daw si sir Liam na ganun umuuwi ang sekretarya niya, pero kapag kailangan daw na manatili ng sekretarya ay kailangan mag stay, paminsan kasi ay may mga kailangan taposin sa opisina ni sir Liam bago umuwi na mismong galing kay Mitchell. Pagtingin ko sa orasan ay saktong sakto ang paglipat ng pwesto ng kamay ng orasan sa oras ng paguwi ko. Tumayo na ako agad dahil nanghihina na ako sa gutom, marami rami na rin ang nag uuwian dahil kadalasan ay gantong oras ang uwi ng iba, ang iba kasi ay 6:00 pm pa ayuko naman sumabay pa sa mga yun dahil hindi ko talaga kaya ang mga halimaw na nagagalit na dahil sa gutom ko. Habang naglalakad pauwi ay iniisip ko parin kung tama ba ang nagawa kong kape para kay sir Liam, Hindi ko kasi talaga maalala kung tama ba na two teaspoon of sugar at may cream. Pero wala naman akong narinig na ganun. "Hindi kaya mali ang timpla ko?" Na kinagulat ko dahil naalala kong wala dapat cream at isang maliit na kutsara lang. "Ang tanga tanga mo, Katana naman gusto mo ba talagang mawalan ng trabaho, Sa ginagawa mo parang oo" Nakakainis dahil unang beses ko palang gagawin yun mali agad, Lagot ako nito. Kaya ba parang galit si sir Liam ay dahil mali ang timpla ko sa kape niya? "Lagot ka talaga". Habang naglalakad ay iniisip ko kung anong pwedeng sabihin kay sir Liam para hindi siya magalit ng sobra sakin handa naman ako tanggapin lahat ng galit niya dahil mali ko naman na mali ang nagawa kong kape para sa kaniya. Pag dating ng apartment ay hindi ko na muna inisip ang tungkol sa mali ko dahil sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng paraan para hindi mapagalitan ng sobra. Nagpalit na muna ako ng komportable damit para masimulan ko na ang pagluluto ng pagkain ko dadamihan ko na rin ang ulam na lulutuin para hindi na ako magluto kinabukasan. Adobo ang naisipan ko dahil yun ang sanay ako lutuin at namimiss kona rin kasi ang luto ni ate Isabelle kaya magluluto ako nito. Nakaayos na lahat ng kailangan ko para sa pagluluto, habang ginigisa ang mga kailangan ay binabasa ko ang notes na sinulat ko, at tama nga na walang cream at kailangan isang kutsarang asukal lang na lalong nagpakaba sakin dahil sa oras na ito alam kung iniisip na ni sir kung paano ako tatanggalin sa trabaho. "Madadaan naman siguro sa kausap si sir Liam" Pangungumbinse ko sa sarili ko para magkameron ng pagasa na hindi mapapagalitan na magiging dahilan ng pag kawala ng trabaho ko. "Oo Katana, Tama kakausapin ko si sir Liam bukas na bukas" Tsaka ako humarap ulit sa niluluto ko at tinuloy dahil nagugutom na talaga ako. Hanggang matapos ay iniisip ko parin kung anong pwedeng sabihin kay sir Liam dahil hindi ko alam kung paano sisimulan ang pag hingi ko ng pasensya dahil sa mali kong nagawa sa kape niya. Habang kumakain ay nagbabasa ako ng mga ibang documents para hindi matambakan, nag check na rin ng mga emails about sa mga events and appointment. I already create the next week schedule na isa sa mga nagustohan ko sa trabaho na ito. Dahil na rin sa gutom ay marami akong nakain na ayos lang dahil kailangan ko nuon, baka kapag kunti lang ay magising pako ng madaling araw dahil lang kumakalam ang sikmura sa gutom. Tinapos ko na ang pagkain ko dahil gusto ko na mag pahinga dahil sa pagod. Nakakapagod rin pala kahit na nakaupo lang naman ako sa mesa ko at wala masyadong ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD