Chapter 1: Hirap
Katana Valencia Pov.
Dahil sa hirap ng buhay bata palang kailangan kona kumayod para mabuhay dahil wala ng magulang na gagabay kailangan ko matuto tumayo ng magisa ng walang gagabay.
Dahil sa hirap ng buhay ko mas pinili kong mabuhay mag isa ayuko ng kasama dahil kapag napapasama ang buhay ko nadadamay sila.
Pano ko pa nga ba magagawang maganda ang buhay ko kung simula palang sira na at wala ng maayos na itsura.
Dahil sa pagod at hirap ng buhay mas pinili kong tumigil sa pag aaral wala na rin naman kasing magandang pupuntahan lahat lalo na at wala nakong katulong sa buhay na makakasama ko sa lahat.
Nakakapagod rin pala kapag laban ng laban sa buhay pero wala namang nangyayari sa pinaglalaban ko, gusto ko na lang tumigil sa pag laban kung patuloy rin namang maghihirap ang kakalabasan.
Mas maayos na nga na mag isa ako atleast ngayon mas maayos at kaya kona lahat wala akong iisipin na iba kundi sarili ko lang wala akong iisiping ibang tao dahil ako na lang magisa ang lalaban sa mundong hindi pantay, na kahit mga tao ay hindi na rin pantay kung lumaban.
Hindi sapat ang puro laban kailangan ko rin siguro tumigil pansamantala para magpalakas ng loob para mapagpatuloy ang laban na kailangan kong taposin.
Dahil sa aksidenteng sisira ng buhay ng buong pamilya ko na naging dahilan kung bakit magisa na lang ako ay ang magiging dahil kung bakit ako lumalaban sa buhay dahil gusto ko malaman kung sino at kung bakit kailangan mamatay ng mga magulang ko ng wala man lang laban.
Aksidenteng naging dahilan kung bakit gusto ko makabawi sa taong may kasalanan sa lahat ng nangyari.
"Kat, Kamusta kana?" Tanong sakin ng isang babaeng malaki ang naging parte sa buhay ko na isa rin sa mga taong tumulong sakin para makabangon sa buhay.
"Ate Isabelle, okay lang naman po kayo po ba kamusta?" Dahil sa kanya natuto ako na hindi dapat agad sumuko siya rin ang nakakita sakin sa aksidente at tumulong para mabuhay na sana mas naagapan ng maaga para sana kasama kopa ang pamilya ko.
Pero hindi na rin siguro dahil hindi na kinaya ng mga magulang at kapatid ko matindi masyado ang natamo nilang tama sa katawan dahil sa mga salamin ng sasakyan na bumaon sa mga katawan nila na sana hindi na lang nangyari, ako lang ang nakaligtas dahil naharangan ako ng mga gamit na naging dahil para maharangan ang mga bubog papunta sakin meron parin namang tumama pero hindi kasing lala ng nangyari sa pamilya ko.
Gusto ko na rin makalimutan lahat ng nangyari dahil sa bawat alaala ng aksidente patuloy parin akong nasasaktan dahil sa pagkawala nila. Dahil sa bawat pangyayari ng araw na yun unti unti akong pinapatay dahil pinapaalala nun kung gaano ako kamalas sa buhay.
"Kamusta yung mga sugat mo?" Dagdag nya habang inuobserbahan ang buong katawan ko lalo na sa parteng nag kameron ng mga sugat alam niya yun dahil siya ang nag linis ng mga pasa at sugat na natamo ko hindi na rin kasi niya ako nadala sa ospital dahil wala naman siyang pera na ayos lang naman sakin dahil ayuko ring pumunta dun ayukong makita ang pamilya ko na nakahiga sa puting higaan at may taklob na puting tila.
Dahil sa malalang natamo nila death on arrival pag dating ng ospital ako pa mismo ang nag hatid sa kanila na kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo para lang madala sila sa ospital na naging isa sa pinaka ayukong lugar dahil sa lugar na yun nawalan ng buhay ang pamilya ko ng dahil sa aksidenteng nangyari huling araw at pagkakataon kona pala para makita ang buong pamilya ko na masaya at may buhay pa.
Hindi kona rin naisip na ipagamot ang sarili ko dahil mas iniisip ko kung pano na ko dahil iniwan nako ng buong pamilya ko.
"Maayos na yung iba ate kaya ko na rin naman mag trabaho ayuko na rin naman manatili sa bahay dahil masyado akong nagiisip ng sobra pag magisa ako"
Paliwanag ko sa kanya dahil kita sa mga mata niya ang awa at pag aalala sakin na ayuko sa lahat dahil pinapakita ng mga emosyon na yun na mahina ako na hindi ako malakas na mahina nako dahil wala nakong makukunan ng lakas.
Na nagiging dahilan kung bakit sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ko pinagpilitan na mag bakasyon kami sana buhay pa sila, kung hindi ko sana pinilit sana may buong pamilya pakong masaya na sana hindi ako nag iisa at lumalaban para mabuhay na wala na rin namang magandang patutungohan dahil wala nakong masasandalan
"Katana, Alam ko yang iniisip mo" pagsuway niya sakin. "Sabi ko naman sayo na hindi mo kasalanan lahat ng nangyari sa pamilya mo aksidente yun at may kailangan managot, at hindi ikaw yun tandaan mong kailangan mong maging malakas para malaman mo kung sino at bakit kailangan patayin ang magulang mo" Paalala niya sakin habang nakatingin sakin ng deretsyo.
Mahirap kapag walang katulong sa buhay lalo na sa edad kong ito ay kailangan pa ng supporta ng magulang, na kailangan kopa ng tulong ng iba pero dahil sa nangyaring aksidente natapos lahat ng pangarap at plano ko sa buhay na makakapagtapos ng pag aaral na magiging doctor.
Wala na rin namang kwenta lahat ng yun dahil lahat ng nangarap para sakin kinuha na, wala man lang pasabi na magisa lang akong matitira. Na hindi sana nawala ang pamilya ko dahil sa isang pangyayari na maapektohan ang buong pagkatao ko.
Na kahit ayuko na mabuhay pinipilit ko parin lumaban dahil kailangan ko pa matupad lahat ng plano ko, lahat ng kailangan managot sa batas.
Na kailangan ko pang malaman kung bakit, at ano ang dahilan bakit nila yun nagawa sa pamilya ko. Lahat ng ito matatapos rin sa ngayon kailangan ko lang ng lakas alam kong binabantayan nila ako.
Ayos na sakin yun pero hindi ko parin talaga kaya kahit sobrang tagal na ng pangyayari may mga alaala parin talagang hindi mawala sa isip ko na sa bawat gabi napapanaginipan ko.
Na sa bawat araw na nag dadaan alam ko sa sarili kong magisa na talaga ako