Chapter 2: Trabaho

1098 Words
Dahil sa tagal ko ng nabubuhay ng mag isa natuto nako sa mga bagay bagay alam ko na rin lahat ng dapat gawin at ngayon kailangan ko simulan lahat ng yun sa pag hahanap ng maayos at may malaking sahod dahil kinakapos nako sa pera, malaki rin kasi ang binabayaran ko sa tinutuloyan kong apartment kahit na maliit lang ay kailangan ko paring bayaran ng tatlong libo buwan buwan na talagang mahirap na lalo na sa tulad kong mag-isa lang naman na kumakayod pero kaya ko parin dahil kailangan ko magpatuloy sa buhay na kailangan ko lumaban para sa pangako sa pamilya ko na bibigyan ko sila ng hustisya. Kahit sobrang tirik ang araw ay nagpapatuloy ako sa pag hahanap ng mga hiring kahit na janitor lang o kaya naman taga hugas ng pinagkainan sa karinderya o restaurant alam kong maliit lang ang kita dun pero ayos na rin mag hahanap na lang ako ng iba pang pwedeng pag kakitaan. Wala rin kasi akong mahihirapan ng pera dahil wala naman akong kaibigan. Kanina nalaman ko na may hiring para sa janitor sa isang companya na gusto ko sana puntahan kaso lang ay kailangan kopa mag lakad ng napaka layo pero dahil nandito na rin naman ako ay pupuntahan kona sayang din at baka matanggap ako malaking tulong na rin yun para mabawasan ang mga gastosin ko. "Hello po" Pagbati ko sa guard na nag babantay sa tapat ng malaking building na kinakatayuan ko ngayon halatang mayaman at may pangalan na talaga sa industrial ang may ari ng gusali dahil maraming mga tao ang labas pasok. "Ano yun hija?" Tanong niya sakin habang pinagmamasdah ang buong pagkatao ko. "Nalaman ko po kasi na may hiring daw kayo ngayon, Gusto ko po sana mag apply" pahiwatig ko sa kanya habang nanginginig ang nga kamay dahil sa kaba na dulot ng pagtatanong. "Meron nga pero kanina pa yun nag sisimula baka may napili na sila, pero pwede ka naman pumunta para malaman mo. Pasok ka na lang at tanongin mo yung babae na naka puti na yun" Turo niya sa isang babae na nakaputi at mahaba ang buhok may hawak rin itong mga papel na siguro gamit niya, maganda rin ito at may maamong mukha na halatang mabait pero hindi ako sigurado. "Excuse me" Pagkuha ko ng atensyon niya dahil abala siya sa pag aasikaso sa mga taong nagmamadali na para bang may kailangan puntahan. "Yes Miss, What can i help you?" Tanong niya sakin na kina tingin ko sa kanya dahil sobrang malumanay niya mag salita. "San dito yung mga nag aapply para sa janitor, nalaman ko kasi na hiring kayo" Nahihiyang sagot ko dahil sobrang layo ng itsura naming dalawa siya ay naka formal attire na para bang secretary ng boss dito at ako naman na naka pants lang at puting t-shirt sira pa ang sapatos na suot. "Ah yes, Dito nga mag aapply kaba?" Pabalik na sagot at tanong niya sakin habang hawak ang mga papel na kanina niya pa tinitignan. "A-hh Oo eh, Mag aapply ako" Nahihiyang sagot ko sa kanya dahil hindi ako sanay makipag usap sa mga tao lalo na kung may malaking agwat ang pamumuhay sakin. May kaya rin naman ang pamilya ko nuon pero dahil sa aksidente naubos lahat ng pag aari namin dahil sa dami ng naging gastos at kailangan bayaran lalo na't tatlo silang sabay nawala sakin kaya tatlong beses ang laki ng gastosin. "Kailangan ko ng resume mo, May dala kaba?" Tanong niya habang nakatingin sakin ng seryoso halata sa kanya na sinusunod siya ng mga tao rito dahil sa kilos at boses palang. "Ah-h oo may dala ako" pahiwatig ko habang nanginginig ang mga kamay na hindi ko alam kung kinakabahan bako o baka takot lang na mapahiya sa harap niya hinanap ko rin ang resume ko sa loob ng dala kong bag na lagi kong dala kapag nag hahanap ako ng trabaho nandito kasi yung mga mahahalagang bagay na ayukong iwan sa apartment. "Ah ito oh, yan lang ba kailangan?" Paguusisa ko dahil Hindi ko kasi alam kung may iba pa bang kailangan dalhin dahil ang balak ko lang naman kasi ay taga hugas ng plato sa mga karinderya wala akong plano mag trabaho sa ganto kalaking kompanya pero ayos na rin dahil malaki rin ang tulong kung makukuha ako. "Paki-antay na matawag ka maupo ka dyan" Turo niya sa mga nakalagay na upuan sa gilid na inuupuan ng mga aplikante tulad ko sa dami naming nag aantay malabong makuha ako, una dahil huli nako, pangalawa malabo rin makuha dahil sa dami naming nag aantay dito may himala na lang kapag napili. Nakakapag taka rin dahil sobrang daming nag tyaga para mag apply ano bang meron sa kompanya na ito nagtitingin din ako sa mga taong katabi ko na halatang kinakabahan rin lalo na itong katabi ko na halatang kinakabahan dahil nanginginig pa ang kamay. "Ah kanina kapa dito?" Pagtatanong ko dahil gusto ko malaman kung anong oras nag simula mag alas dos na kasi ako ng makarating dito at sabi rin ni Manong Guard na kanina pa nagsisimula. "Hello, Oo kanina pa kami dito marami naring lumabas dyan sa pinto na malungkot dahil siguro hindi nakuha" paliwanag niya habang inaayos ang salamin niyang tumatabingi dahil sa panginginig niya. "Anong oras nag simula? late na kasi ako naka rating eh nalaman ko lang sa mga nakasabay ko sa daan kanina na meron ngang hiring dito para sa janitor" paliwanag ko sa kanya. "12 ang start ng interview marami ng hindi natanggap dahil ang balibalita ay masyado daw mapili sa mga tauhan yung may ari ng kompanya na ito" pagbibigay niya ng impormasyon sakin na kinatango ko na lang dahil wala naman akong alam sa pag katao ng may ari ng malaking kompanya na ito. "At isa pa hindi janitor ang kinukuha nila" Sambit niya na kinagulo ng isip ko dahil kung hindi janitor eh ano ang pinipila ng mga tao na ito hindi rin naman sinabi nung babae na hindi pala janitor ang pag aapplyan sana sinabi niya man lang para alam ko kainis. "Eh ano kung hindi janitor?" Pagtatanong ko pa dahil gusto ko malaman kung ano ba ang pinasok kung gulo dahil kung hindi janitor baka mapalala lang dahil yun lang naman ang gusto ko at pinunta ko dito. "Bagong Secretary ang hinahanap nila, kaya sobrang tao. Kahit na lalake o babae basta pasa sa may ari ay pupwedeng makuha dahil aalis na yung dating secretary kaya naghahanap sila ng bago at biglaan din" sagot niya na talagang kinagulat ko dahil hindi umaayon sakin ang tadhana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD