WARNING: MATURE CONTENT/SPG/R-18 ILANG linggo ang lumipas. Malawak na kaagad ang naisagawang construction. By next two to three months ay siguradong matatapos na ang ground area ng hotel. I rarely visit the site. Pumupunta lamang ako doon para tingnan kung walang problema sa disenyo ng hotel o may nakalimutang mga detayle ang mga worker. About Lance? Sinisikap kong hindi siya makita at makasalubong sa site. Lalo na't mayroon siyang sariling opisina doon. Inaalam ko muna kung naroon siya at kung wala siya ay saka lamang ako pumupunta doon. Ilang beses niya akong tinawagan, pero kahit alin man doon ay hindi ko sinagot. Tama lang naman iyon. Ayukong sirain ang nabuo niyang pamilya nang dahil lamang sa nararamdaman naming dalawa. Naalala ko ang huling sinabi niya. Totoo kayang mahal

