bc

When Fates Collide (FATE series #1)

book_age18+
922
FOLLOW
3.2K
READ
fated
second chance
drama
sweet
bxg
genius
campus
enimies to lovers
school
engineer
like
intro-logo
Blurb

WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT, VIOLENCE AND STRONG LANGUAGE. READ AT YOUR OWN RISK.

Ang aksidenteng pagkakabungguan nina Lance at Catalina ay naging hudyat din ng kanilang pagkadisgusto sa isa't isa. Dagdag pa ang kaalamang magkaklase sila at magkakompetensya.

Si Lance Alvarez ay tahimik, matalino at medyo suplado, at si Catalina Santiago naman ay maingay, matalino at masiyahin. Halos lahat sa kanila ay opposite pero sa katalinuhan naman ay nagpapaligsahan. Kaya naman talagang wala silang pinagkakasunduan.

Ngunit dahil sa walang kamatayang kasabihang "the more you hate, the more you love", natagpuan nalang nila ang mga sariling nahuhulog na sa isa't isa.

Maraming pagsubok man ang kanilang pinagdaanan, pag-ibig ang nagbuklod sa kanila upang manatili sa piling ng isa't isa.

Ngunit ang sumunod na pangyayari ay hindi nila kailanman inasahan. Pareho silang nalagay sa kapahamakan. Ngunit ang pagliligtas ni Lance sa kanya ang naging sanhi ng muntik na nitong ikinalagay sa kamatayan.

Nagising siyang wala na si Lance sa kanyang tabi. Nalaman nalang niyang nasa America ito at na-coma.

Matagal siyang naghintay sa muling paggising nito. At nang mangyari iyon ay abot langit ang kanyang tuwa at agad na pinuntahan ito.

Sa muli nilang pagkikita, blangko at nagtatakang itsura nito ang kanyang nabungaran.

"Who are you?"

Walang kasing sakit ang marinig iyon. Ngunit wala na yatang mas sasakit pa sa kaalamang hindi siya nito maalala. At dinoble niyon ang sakit nang sa sandaling iyon ay maling babae ang hinahanap nito.

Umuwi siyang luhaan at durog ang puso. Sinubukang maghintay nang maghintay.

Lumipas ang ilang taon, walang Lance na nagpakita sa kanya.

Sa paglipas muli ng mga panahon, kung kailan tanggap na niyang wala na talaga, saka naman ito muling nagpakita.

Para ano? Para muli nitong iparamdam sa kanya ang sakit na ngayon ay naghihilom na sana?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
FATE series #1 When Fates Collide WARNING: This story contains mature themes, sensitive content (like volience, suicide and abuse) and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior written permission of the author. © fernzdel Maraming spoilers para sa susunod na series. Balakayojan hehe. ***** NAPATINGIN ako sa pinto ng aking opisina nang marinig ang tatlong sunod sunod na katok. "Come in." tugon ko at muling ibinalik ang tingin sa trabaho. "Ma'am Cat, lunch na po tayo?" anang assistant kong si Betty. Napatingin naman ako sa aking relo at saka ko lang napagtantong tanghali na. Napabuntong hininga nalang ako at nakangiting nilingon si Betty. "Mauna na kayo Betty, sunod nalang ako." Agad naman siyang nagpaalam at naiwan ako. Muli kong itinuloy ang aking ginagawa. Tinatapos ko ang final design para sa itatayo naming shopping mall sa Bulacan. "Come in." Sabi ko nang maya maya ay may kumatok muli sa pinto. "Lunch?" Nilingon ko si Engineer Callejo. We are partners in almost all of our projects because we're working in same construction company. Nakangiti akong umiling. "Mauna kana Rex, tatapusin ko lang ito." "Come on, Shae. Palagi mo nalang akong tinatanggihan." Himutok niya. "Hindi pa kasi ako nagugutom eh." "Workaholic ka lang talaga…" IiIing-iling niyang sabi. Napabuntong hininga na lang ako at pinamaywangan siya. "Ikaw ba hindi? Palibhasa tapos kana sa blueprint mo." Pagtataray ko sa kanya. Nagkibit-balikat nalang siya saka bumuntong-hininga. "Okay fine, hindi na kita pipilitin pero sunod ka ha?" nasabi nalang niya at akma nang lalabas. "By the way, may meeting tayo with JDC's CEO tomorrow. Pag-uusapan na ang groundbreaking." Nasapo ko agad ang aking noo. "That's why I need to finish this today, kung hindi ay wala akong maipi-presenta kay Mr. Zamora." "Okay, I'll let you finish it, but please kumain ka. Malalagot ako nito kay tito Xavier." Tumango lang ako kaya mukhang hindi siya nakombinse. "Papadalhan nalang kita kay Betty ng food para makakain ka while doing that okay?" Napangiti naman ako. "Thank you, Rex." "Tsk. Pupuntahan ko nga pala yung site mamayang hapon." aniya. "Oh, and?" Ngumisi naman siya. "Baka lang hanapin mo ko." "Tss, asa! Lumabas ka na nga." natatawang taboy ko sa kanya. Nakangiti man ay kamot kamot nito ang kanyang ulo at tuluyang lumabas ng aking opisina. Muli kong ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Ilang minuto ang lumipas ay dumating ang pinadalang pagkain ni Rex ngunit hindi ko agad iyon ginalaw. Ilang oras din ang lumipas bago ko natapos ang design ko. Mamayang gabi ko nalang ito ipa-polish at ichi-check kung may mali. Habang sini-save ko sa aking USB ang files mula sa aking computer ay tumunog ang aking cellphone na nakapatong lang sa aking table. Sinilip ko naman kung sino ang nakarehistro doon at awtomatikong naglapat ang aking mga labi pagkakita sa mukha ni dad. Hindi pa nga pala ako kumakain. Habang sinasagot ang tawag ay tiningnan ko ang aking relo, mag-aalas tres na pala. "Dad?" "Anak, did you skip your lunch again?" "Ahmm...Did Rex tell you?" "This isn't the first time anak. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong hindi ka nanaman kakain sa tamang oras dahil parati kang busy sa trabaho mo." Napanguso ako at nilingon ang pagkaing nasa paper bag pa. Saka ko lang naramdaman ang gutom. "Sorry dad, ngayon lang naman dahil kailangan na ang designs ko bukas." Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. Halatang hindi naniniwala sakin. "You also said that last week." Napakamot nalang ako sa aking ulo. "Heto na po, kakain na." Pangungumbinsi ko habang pinaririnig sa kanya ang ingay ng paper bag. Kinuha ko mula roon ang mga pagkain na halatang hindi na mainit. "Okay, next time anak, please don't overwork yourself. Wag mong pabayaan ang sarili mo." "Dad, I can take care of myself." Muli kong narinig ang pagbuntong-hininga niya kaya naman nahawa ako. Alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya iyon masabi. Working the whole time makes me forget everything… including those memories. "About Rex…" Kumunot agad ang noo ko sa sinabi ni dad. "What about Rex, dad?" "Is he courting you?" "No dad…" maagap kong sagot. "Why are you asking that?" "Isn't it obvious? He cares for you." Natahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot. Knowing Rex, he's very kind to me and caring but… I don't have feelings for him. "We're just friends, dad…" Si daddy naman ang tumahimik. Ilang segundo rin bago siya nagsalita. "Anak...years have passed.." Sumikip ang dibdib ko dahil doon. Nakagat ko ang sarili kong labi upang pigilang maging emosyonal. I know what or who he is referring to. I know it's been 4 years but the pain is still there. Our memories haunt me every night. Gusto ko nang mag-move on pero mahirap, mahirap gawin. Araw araw ko lang niloloko ang sarili ko na okay ako, na ayos na ako, pero ang totoo, there's a deep wound in my chest and it's killing me inside. "Anak?" "Y-Yes dad?" tugon ko matapos ang ilang segundong pagkakatulala sa kawalan. "Are you alright?" Tahimik akong napabuntong hininga. "Dad, sige na po. I'll hang up na." "Sige, ingat ka palagi ha?" "I will dad, bye." Naibaba ko na ang tawag ay hindi parin ako nakakibo. Matagal muna akong nakatingin sa kawalan. Nang mahimasmasan ay huminga muna ako ng malalim bago naisipang lumabas at magtungo sa pantry dala ang paper bag para initin ang mga pagkain. After eating alone, deretso muli ako sa aking opisina at naghanap ng gagawin. Naisipan kong basahin at pirmahan ang lahat ng mga papeles na nandon. Then I decided to go home, in my condo and took a nap. Mabuti nalang dahil pagod ako at nakisama ang katawan at utak ko at hinayaan akong makapagpahinga. Alas siete na nang ako'y magising. Naligo muna ako bago naisipang magluto ng dinner. Abala ako sa paghalo ng aking niluluto nang tumunog ang aking cellphone. Agad naman akong napangiti nang makita kung sinong tumatawag. Agad kong in-open ang video call para makita siya. "Hi bes." bungad ko sa kanya. "Bes, nasa work ka pa ba?" "No, I'm in my condo. I'm cooking for my dinner. What's up?" "I have something to tell you. Siguradong matutuwa ka." masayang sabi niya na ikina-excite ko naman "Oh good new ba yan?" "Yes! Bes, magkikita na uli tayo!" "Really? Wag mong sabihing…" "Oo bes, uuwi na ako ng pilipinas!" Sabay kaming napa-tili sa tuwa. "Dito kana for good?" tanong ko. "Ahm, hindi naman. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang hotel ko dito sa America." "Ah, for vacation lang pala. Akala ko naman dito kana magi-stay." medyo disappointed ako. Tatlo kaming magkakaibigan pero magkakalayo kami kaya naman nalulungkot ako dahil hindi na kami katulad noon na laging magkasama. Well, that was when we were in senior high school until college. "Actually, hindi lang bakasyon ang pakay ko sa pag-uwi ko bes." "Huh?" Napangiti lang siya. "Gusto kong magpatayo ng hotel dito sa pilipinas." "That's good. Ano ka ba bes, dapat noon mo pa naisip yan." Napabuntong hininga naman siya. "Alam mo namang natatakot pa akong bumalik ng pilipinas noon eh." "And what made you realize that you're ready to go back to the Philippines?" "Well, I just thought na ilang taon na ang lumipas. Malay mo, baka may sariling pamilya na yun. Saka imposible na kaming magkita ulit." "Eh pano kung magkita kayo ulit?" panghahamon ko. Natahimik naman siya pero agad ding nakabawi. "That's not going to happen." paniniguro niya. "Paano nga---." "Eh kung ibalik ko kaya sa'yo ang tanong?" Agad naman akong natameme. "Paano kung bumalik ang ex mo ha? Sige nga." Sumama ang mukha ko dahil doon at ang nakakapikon, tinawanan niya lang ako. "I hate you!" angil ko. Patuloy parin siya sa pagtawa. "Maiba nga tayo. Kelan ka nga pala uuwi?" Nag-isip naman siya. "I think two weeks after. Marami pa kasi akong aasikasuhin eh. Ano nga palang gusto mong pasalubong bes?" "Bes, kahit ikaw na lang pasalubong, masaya na ako." biro ko na sinamahan ko pa ng kindat. Napangiwi siya bigla na ikina-bunghalit ko ng tawa. "Baliw." Ilang oras pa kaming nagkausap at sinabayan niya pa akong kumain ng dinner. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil kay Marie. Kinabukasan, ganado akong nag-presenta ng design ko. At ang swerte ko dahil approve ito kay Mr. Zamora. Ilang araw lang lumipas at isinagawa rin agad ang ground breaking ceremony. Maayos iyong natapos at agad ding sinimulan ang construction ng mall. Mabilis namang lumipas ang mga araw. Dumating sa Pilipinas si Marie at agad niyang inasikaso ang pagpapatayo niya ng kanyang hotel. "Ako?" tanong ko matapos niyang sabihing ako ang magde-design ng kanyang hotel. Niyaya niya akong magpa-massage sa isang kilalang spa at napag-usapan nga namin ang tungkol sa kanyang ipapatayong hotel. "Oo, gusto kong ikaw ang mag-design at tiwala akong maganda ang kalalabasan." "Go ako dyan. About construction, I don't know kung kaya ng team namin ang dalawang project kaya hindi ko pa ito mare-refer sa'yo. Pero si Engineer Callejo, I'm sure kaya niya iyon dahil marami siyang assistant engineer." "Wala na akong problema sa Engineer, may nahanap na akong Engineer sa America. At maso-sorpresa ka kapag nakilala mo siya!" "So may nakausap ka na palang Engineer?" "Uhuh. Last week pa. Nalaman ko kasing balak niyang umuwi na ng Pilipinas at dito na manirahan. So bago ako umuwi dito ay nagkausap na kami about sa project." "Oh, sino ba yang Engineer na yan? Pilipino ba yan?" "Oo, at siguradong matutuwa ka pag nakilala mo siya. Magiging partners kayo sa pagtatayo ng hotel ko." "Ba't naman ako matutuwa? Artista ba yan?" kunot noong tanong ko na tinawanan niya lang. Pakiramdam ko ay inaasar niya ako doon sa engineer. "Sa sobrang gwapo nun, siguradong matutuwa ka. Baka nga pagkakita mo palang sa kanya, ma-inlove ka ulit eh." "Baliw!" natatawang angil ko. "Hindi na ako bata para sa mga ganyang ka-corny-han." "Ah basta, siguradong magugulat ka sa sa sorpresa ko sa'yo. Next week ang dating niya." Umikot lang ang mata ko dahil sa sinabi niya. Sino ba iyong taong iyon para ikagulat ko pa kung magkita kami? Hindi lang pagre-relax sa spa ang ginawa namin ni Marie, niyaya niya rin akong mag-shopping. Hindi naman ako tumanggi dahil matagal rin kaming hindi nagkasama. Hiniling ko rin na makasama rin namin si Aiah soon. Nasa Germany kasi ito at matagal naring hindi umuuwi ng Pinas. "Asan na ba yong Engineer mo?" naiinip na bulong ko kay Marie nang magdaos na siya ng meeting para sa itatayo niyang hotel. "Ang tagal niya, ilang oras na tayong naghihintay." "Bes, kalma." aniya saka lumapit sakin. "Baka pag nakilala mo siya, tanggal yang pagka-inip mo." tudyo niya na sinamaan ko lang ng tingin. Maya maya ay tinawag niya ang kanyang secretary. "Luz, paki-abangan nga sa labas ang ating Engineer." saka nilingon ang mga naroon sa pagpupulong. "Mr. Esguerra, wala po ba tayong magiging problema sa supplies? How about workers, nakahanda na ba ang lahat?" tanong niya sa contractor. "All are set and prepared Ms. Saavedra. You don't have anything to worry about." tugon nito. "Okay, while waiting for our Engineer, italakay niyo na muna ang estimation costs ng project na ito Ms. Banianes." Agad na tumalima ang finance secretary at lumapit sa malaking screen. Habang nagpi-presenta ito ng kanyang computation ay bumukas ang pinto ng conference room. "Ma'am, andito na po si Engineer." Dahil pare-pareho kaming nakatalikod sa pintuan maliban kay Ms. Baniares. Sabay sabay kaming napalingon para harapin ang bagong dating. Ganoon nalang ang pagtayo ko sa aking kinauupuan nang makita kung sino ito. Kumalabog bigla ang dibdib ko. "Good morning everyone, I'm sorry for being late." Lahat ay nagsitayo at lumapit dito kabilang si Marie. Ako naman ay tila napako ang tingin sa kanya at hindi na nagawang gumalaw. "Everyone, this is Engr. Lance Joseph Alvarez." pakilala ni Marie rito. Nakipagkamay siya sa lahat ng naroon. Sandaling nagtama ang aming paningin pero parang wala lang iyon sa kanya. Habang ako, unti unting bumabalik ang sakit sa dibdib ngayong nakita ko siyang muli. Natigilan nalang ako nang lumapit si Marie kasama ito. "Engr. Alvarez, this is Arch. Catalina Shae Santiago. You will be partners for this project. I hope you still remember her." Awtomatikong nagtagpo muli ang aming paningin at tila kinikilala niya ako sa kanyang pagkaka-titig. I was stunned just looking at him. I was amazed to see his smile again, making my heartbeat speeding up again. Unti unti naring nanghihina ang aking mga tuhod dahil tila naroon parin ang lakas ng epekto niya sa akin. "Yeah, ofcourse." napalitan agad ng tuwa ang aking kaninang nangangambang damdamin nang marinig iyon sa bibig niya. "N-Naaalala mo na ako?" halos maiyak ako sa tanong kong iyon pero iyon ay dahil sa natutuwa ako. "OMG! Naaalala mo na si Cat, Lance?" pati si Marie ay di makapaniwala. "Ahm, yeah? She's kind of familiar to me…" Ganoon nalang kabilis naglaho ang saya sa aking mukha. Sumikip bigla ang dibdib ko. "What do you mean, Lance?" naguguluhang tanong ni Marie. Nababasa ko na ang pag-aalala niya sa akin. "I met her in the US. If I'm not mistaken... It was in the hospital…" Dahan dahan akong napatungo. Hindi nakayanan ang sakit na naramdaman ko nang mapagtantong hanggang doon lang ang pagkakakilala niya sa akin. Kinagat ko ang ilalim ng aking pisngi para pigilang maluha dahil ayukong mapahiya roon. Ayukong maudlot ang meeting na iyon dahil lang sa nararamdaman ko. "Nice meeting you again, Ms. Catalina…" Napatingin ako sa nakalahad niyang kamay. Nanginginig ang kamay kong tinanggap iyon. Sinubukan ko muling tingnan siya sa mukha at agad na sumalubong sa akin ang pamilyar niyang ngiti. Napangiti ako, pero di maikakaila ang lungkot sa loob ko. Sinikap kong titigan ang kabuuan ng mukha niya. Matagal na panahon man ang lumipas, marami mang nagbago, ganoon parin ang mukha niya, iyon parin ang paborito ko. Pero hanggang doon nalang ako. Maraming nagbago… at naglaho, kasama na doon ang lahat ng tungkol sa aming dalawa. Sobrang sakit lang isipin na yong taong mahal mo at mahal na mahal ka noon, hindi ka na maalala ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
852.6K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.5K
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

WAYNE CORDOVA

read
484.1K
bc

The Ex-wife

read
232.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook