CHAPTER 1

3338 Words
DEATH ANNIVERSARY ng Mommy ko kaya binisita namin ni Daddy ang puntod niya. As we arrived, I placed the bunch of flowers next to her. Agad akong umupo sa harap niya at inalisan ng mga tuyong dahon ang kanyang lapida. 13 years ago, we had a car accident. Only my dad and I survived. Palaging sinisisi ni Daddy ang sarili sa nangyari at hiniling niya na sana siya na lang ang nawala. Matagal bago siya naka-move on mula sa kalungkutan. At nang marealize niyang napapabayaan na niya ako ay tumigil siya sa pag-inom ng alak gabi-gabi. Ginawa niya ang lahat para alagaan ako. Pati ang gawain ng isang ina ay ginagawa niya narin alang-alang sa akin. Ipinangako niya noon sa libingan ni Mommy na hindi niya ako pababayaan at sisiguraduhin niyang mapapalaki niya ako ng tama. "Hi Mom, kumusta na po kayo? Ako, wag niyo po akong alalahanin dahil malaki na ako. Kasama ko naman si Dad. By the way Mom, grade 11 na po ako this coming school year. I am now taking the next step to my success." Malungkot akong napabuntong hininga. "I wish you're here Mom. I want you to know that I'm doing my best just to make you proud." tinakpan ko ng ngiti ang lungkot sa aking mukha kahit na napapaluha na ako. Hinaplos ko ang nakaukit niyang pangalan. "I really miss you Mom." Hinagod ni Daddy ang likod ko nang mapansing umiiyak ako. "Don't worry anak, I know your Mom's very proud of you." First day of my senior high school life, kaya naman excited ako. I immediately went to the bathroom, brushed my teeth and then took a shower. After grooming myself, I went down the stairs and headed to the dining area where Dad's already there sitting and drinking his coffee. Busy siya sa pagbabasa ng dyaryo. "Good morning Dad." bati ko. Agad akong umupo saking upuan katapat ni Daddy. "Good morning Anak. Mukhang excited kang pumasok sa unang araw mo. " "Yes Dad." "Well, goodluck. Galingan mo sa klase." "Syempre naman Dad." "Wala munang boyfriend…" Nagulat ako sa sinabing iyon ni Dad. Nakataas lang ang kanyang kilay. Mukha namang seryoso siya roon. "Dad!" "What?" "Wala naman po talaga akong boyfriend…" depensa ko. "I'm just reminding you to always focus on your studies." "Dad naman eh. Hindi mo na kailangang ipaalala yan. Studies lang po ang priority ko." "Basta, no boyfriend until you graduate." "Oo nga po." pabuntong hiningang sabi ko. "Good Morning po manang belen." Bati ko sa aming kasambahay. She's preparing breakfast on the table. "Magandang umaga rin, Hija. Heto, mag-almusal kana at baka ma-late ka sa klase mo." Binigyan niya ako ng plato at mga kubyertos saka inilapit sakin ang mga pagkain. "Salamat po Manang Belen." Kumuha ako ng isang Sunny Side up egg, isang bacon at konting fried rice. "Yung kaibigan mo nga pala." si Daddy. "Si Aiah po dad?" "Yeah. Pareho ba kayo ng kinuhang strand?" "No Dad. ABM po ang kinuha niya." Tumango tango siya at maya maya ay itinuon na ang paningin sa binabasa niyang diyaryo. Nagpatuloy narin ako sa pagkain Sakay ang sariling sasakyan, agad akong nagtungo sa pinapasukan kong University sa Caloocan. In 15 minutes, I finally reached the university. Agad ko iyong pinarada sa bakanteng espasyo at saka bumaba. Pagkapasok ko ng malaking gate ay mapapansin na ang laki ng University. Sa pag pasok ko, agad na matatanaw ang malawak na field ng campus na pinalilibutan naman ng mga nagtataasang building kabilang na doon ang college buildings. May malalaki at maliliit na puno sa palibot nito. Nang tuluyan akong makapasok ay natanaw ko rin ang garden sa quadrangle. Gazebo naman sa kabilang panig nito. Marami naring mga estudyante ang naroon. Now, where the hell is our building? Nagpasya akong maglakad sa pagkahaba-habang walkway at hinagilap ang aming building. Unfortunately, I was a bit struggling to find it. Nangangalay na ang leeg ko kakatingala sa mga pangalan ng mga building na nadadaanan ko. "Nasan na ba yon?" I just walked straight and looked around while searching. Nang biglang... BLAAAAGGGG!!! Ganon nalang ang pagbagsak ko sa semento dahil sa lakas ng pagkakabunggo sakin ng isang lalaki. "Araaayyy!!" Napangiwi ako sa sakit ng pwetan ko. "Tch!" Napatingala ako sa nakabungguan ko. Napanganga nalang ako nang makita kung gaano ito ka gwapo. His thick eyebrows furrowed. Hindi ko napansin ang inis niya dahil sa pagkamangha ko. He's gorgeous in his pointed nose, his lips were thin and red which elevated even more because of his whiteness. Pero ang mata nito ang pinaka-assets nito dahil sa bughaw na kulay ng mga iyon na tila hinihigop ako. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang asul na hoodie jacket. In short, masyado siyang perpekto. Mala-Edward Cullen ang itsura niya lalo na't halatang may lahi itong banyaga. Maya maya ay pinulot niya ang kanyang cellphone na nalaglag pala nang magkabangga kami. "Next time, watch your step..." Nagulat nalang ako sa tinuran niyang iyon. Mahihimigan ang inis sa kanyang boses. "Wimp." Ganon nalang ang inis ko nang sa halip na tulungan ay tinalikuran niya lang ako. "Freak!" I shouted at him when he just walked away while talking on the phone. Saka ko lang napansin ang ilang mga taong naroon na kanina pa pala ako pinanunood. Inis akong tumayo at pinagpagan ang pwetan ng palda ko. "That jerk!" Huminga muna ako ng malalim bago naglakad na parang walang nangyari. Nakakahiya ang unang araw ko sa school dahil sa lalaking iyon. Akala mo naman wala rin siyang kasalanan gayong dapat siyang umiwas nung nakasalubong niya ako. Wag lang sana kaming magkita ulit! "Cat!" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang pagtawag na iyon sa aking pangalan. Agad akong natuwa pagkakita sa kanya. "Aiah!" Patakbo siyang lumapit sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit. "Bes, na-miss kita.." "Ako rin, bes. Ano na? Kumusta ang bakasyon?" "Masaya! Nakapag-relax din ang utak ko." Natawa ako. "Buti ka pa, kasi ako sa bahay lang nitong bakasyon. Hindi rin kasi kami pwedeng umalis dahil death anniversary ni mommy last month." "Ganon ba? By the way, did you already find your classroom?" Umiling ako. "I couldn't even find our building." "Hay nako, tara hanapin natin." Sinimulan naming hanapin ang aming building. Palibhasa, hiwalay ang building ng junior high school sa senior high school at mukhang naroon ito sa pagitan ng college buildings. Nagtanong tanong pa kami para lang madali iyong matagpuan at hindi nga naglaon ay nahanap namin iyon. "Nasa 2nd floor ang room niyo at 3rd floor naman ang sa'min." "So pano, kita nalang tayo mamaya sa canteen?" Sabi ko. "Sige bye." nagpaalam na siya sa akin at nagtungo sa kanyang classroom. Ganon din ako. Agad akong pumasok sa aming room. Medyo marami rami narin ang naroon. Iginala ko ang aking paningin at naghanap ng maaaring maupuan. Naglakad ako sa pinakahuling hanay ng mga upuan sa likuran. I suddenly noticed a lot of women standing and surrounding a guy sitting near me. I tried to peek but I could only see his body because he was covered by those girls. Umupo na ako nang marinig ko ang mga bulungan ng mga babae. "Gosh! Ang cute niya grabe!" "Oo nga super!" "Handsome!" "Balita ko transferee siya at mula pa sa America." "Pero sabi nila dito siya nag-aral ng elementary." "Really?" "Mm-mm. And apo siya ng may-ari nitong school natin." "Wow. Nasa kanya na lahat di ba. Dahil mukhang matalino rin siya." "Oo nga." Hindi ko mapigilang lingunin sila at silipin ang pinag-uusapan nila pero di ko makita ang mukha nito. Parang wala itong pakealam sa paligid niya at abalang nagbabasa ng libro. Biglang pumasok ang isang babaeng guro. "Good morning!" anito. The students immediately took their seats. Nagsi-alisan narin ang kaninang mga babaeng nakapaligid sa lalaki kaya nilingon ko siya. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita siya... ulit! Yung lalaking nakabungguan ko! Di ako makapaniwalang magkaklase kami. Nakatingin na ito sa harap. Nang bigla nalang siyang tumingin sakin. Katulad ko ay halatang nagulat din ito pagkakita sa akin. Agad na nagsalubong ang kilay niyang tinitigan ako. Agad kong iniwas ang paningin ko sa kanya at nakinig nalang sa lecturer. "Dahil first day niyo ngayon sa klase. We'll introduce ourselves to each other nalang muna then kung may oras pa eh magsisimula na tayo ng klase. My name is Ms. Valentina Cruz your first lecturer this morning for Math subject." At nagsimulang ipakilala ng mga nasa unahang seats ang kaninang mga sarili. Hanggang makarating sa lalaking nakabungguan ko. "I'm Lance Joseph Alvarez, nice to meet you." aniyang blangko ang mukha saka agad na umupo. Nataranta naman ako nang ako naman ang susunod na magpapakilala." M-My name is Catalina Shae Santiago. Hi sa inyong lahat." I said smiling. I can see in the corner of my eyes that he's looking at me. Nailang naman ako sa pag-upo. Pilit ko siyang hindi nilingon. Dapat nga ay mainis ako at kumprontahen siya dahil sa pagiging rude niya sa akin kanina. But I didn't know what was happened to me. It was like I was enchanted by him. Naiilang ako sa presensya niya. Lalo na sa titig niya. Pagkatapos ng pagpapakilala ay nagbigay ng kaunting discussion ang lecturer. Sumunod ang iba pang mga subject. Nang matapos ang klase ay agad kong hinanap ang canteen. Madali lang naman kasi sinundan ko lang ang mga estudyante kung san sila pupunta. Nang makapasok ako ay namangha ako sa lawak nito. "Wahhh..." I gasped. "Cat!" Si Aiah, nakapwesto na ito sa isang table at nakangiting kumakaway sa akin. Napakalinaw talaga ng mata nito. Kumaway rin ako sa kanya at akmang lalapit nang... "Wahhh!!!" "Ang gwapo ni Lance Joseph!" Rinig kong tilian at bulungan ng mga babae doon. Napalingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Lance na pumasok sa canteen at naglalakad patungo sa gawi ko. Blangko ang mukhang nakatingin sakin. "Yiiiieee! Grabe ang hot niya!!! " "Ang perfect niya sobra!!! " "Sana mapansin niya ako!!! "Wait lang tingnan niyo, nakatingin siya dun sa girl!" "Magkakilala sila?" Bigla akong nahiya pagkarinig niyon. Bakit naman ako lalapitan ng Lance na to? Hindi naman kami magkakilala. Pero bakit ganon siya makatingin? Pakiramdam ko ay nanigas ang tuhod ko at di makagalaw dahil palapit siya ng palapit habang deretsong nakatingin sakin. Nakapamulsa ang isang kamay nito at halos mapanganga ako sa sobrang gwapo ng porma nito. Napapalunok ako habang paunti nang paunti ang aming distansya sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit di ako makaalis sa kinatatayuan ko. Para akong tuod doon dahil di ko maigalaw ang mga paa ko. Ngayon ay parang nag-slow motion pa ang paglalakad niya palapit sakin. Ano bang nangyayari sakin?!! Pero mas lalo akong nataranta nang ilang dangkal nalang ang lapit niya at ilang saglit lang.... Nilagpasan niya ako. Pakiramdam ko ay nais ko nang mawala sa mga oras na iyon dahil sa hiya. Masyado akong nag-assume na ako ang pakay niya. Hindi ko nalang pinahalata ang pagkapahiya. Malamang ay lihim akong pinagtatawanan ng mga nakakita sa akin. Sinundan ko nalang ng tingin si Lance. Nagulat ako nang palapit siya sa pwesto ni Aiah. "O Lance, dito kana maupo." ani Aiah. At umupo nga si Lance sa harap niya. I just shook my head and approached them. Lance didn't notice me cause I was behind his back. Sinenyas ni Aiah ang upuan sa tabi niya na pinaggigitnaan nila ni Lance. Magkalapat ang mga labi ko habang hinihila ang upuan saka umupo doon. Natigilan nalang ako nang lingonin ko si Lance at makitang salubong ang kanyang mga kilay na nakatitig sa akin. Malamang ay nagtataka ito kung bakit naroon ako. "Kaingit naman sila oh. Kasama nilang kumain si Lance Joseph..." "Oo nga e. I envy her..." "Sana all!" Rinig kong mga bulungan sa loob ng Canteen. "Why are you here?" Natigilan ako sa tanong ni Lance. "H-Ha?" Sambit ko. "What are you doing here?" may halong inis ang pangalawang tanong nito. Napakurap ako. Hindi agad ako nakasagot at iniwasan nalang ang kakaibang titig niya sakin. Napatingin ako kay Aiah na noon ay nagtataka ang tingin sa aming dalawa ni Lance. "Magkakilala kayo?" She asked, confused. Tumingin muna ako kay Lance bago ibinalik kay Aiah. "We're classmates." "Oh... Kaya naman pala..." ewan ko ba pero iba ang tingin ni Aiah sakin, may panunukso. Tinakpan ko ang kanang mukha ko para di makita ni Lance ang isesenyas ko kay Aiah. "Sungit." nabasa naman agad ni Aiah at natawa nalang. "Don't mind him. May pinagdadaanan kasi yan. Hahaha." "Tch!" singhal ni Lance kay Aiah. "Magkukwentuhan nalang ba tayo dito? Aren't we gonna eat?" inis na sabi niya. "Psh! Hinihintay ko pa si Tomas." sabi naman ni Aiah. Matagal ko naring kilala si Tom. Hindi nga lang kami masyadong close di tulad ni Aiah. Nasa lower year pa kasi ito at di ko masyadong nakakasama di tulad ni Aiah na kababata nito at magkakakilala ang mga magulang nila. Sa hula ko ay grade 10 ito ngayon dahil mas bata ito ng ilang taon samin ni Aiah. Maya maya ay dumating na nga si Tom. At agad na nagkagulo ang mga girls pagpasok niya kaya napalingon narin ako sa kanya. "Wahhh!!! Look, may isa pang gwapo!" "Ang cute cute niya no!..." "Super!!! At mukhang magkakilala sila ni Lance." "Oo balita ko magkababata silang tatlo nina Aiah." Agad na lumapit si Tom samin. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganon nalang ang reactions ng mga babae. Dahil katulad ni Lance, sobrang gwapo nito, ang kaibahan lang ay mukha parin siyang teenager hindi tulad ni Lance na pati mga college students ay nagkakagulo. "Guys kumusta." Bati nito saka tinapik ang balikat ni Lance. Di siya nito pinansin. Nasa mga bulsa ang pareho nitong kamay at kulang nalang ay matulog dahil parang wala itong interes sa paligid niya. "O Tomas, dito ka maupo." "Hey, it's Thomas not Tomas. Pinapahiya mo naman ako sa mga girls eh." saway ni Tom Kay Aiah. "Tomas nga.." "No, it's Thomas not Tomas. Nagmumukha akong taga-bundok dahil sa tawag mong yan sa akin." "Psh, edi Tom nalang." "Great! By the way, how's your vacation?" nakangiting tanong nito kay Aiah. "Hindi ka ba nalungkot dahil hindi mo ako kasama?" taas baba ang kilay nitong nakangisi. "Psh!" singhal ni Aiah. "Okay na okay nga eh dahil di kita nakita ng ilang buwan." Tom just pouted. "Arte naman neto." pagkuway napatingin sakin. "O Ikaw pala. Catalina right?" nakangiti akong tumango. "Good to see you again." matamis itong ngumiti na sinuklian ko naman. "Mm. Me too." "Di pa ba tayo kakain?" Napalingon ako kay Lance. There's still no reaction on his face so I just winced. He's so weird… "O loko. Gutom na pala tong friend natin eh. Aiah tara." "O sige, dyan na muna kayo, kami na ni Tom ang oorder. Tom come on." ani Aiah at tumayo. "Bes, here's my card." Sabi ko habang kinukuha ang card sa maliit kong pouch. "No Cat, my treat." nakangiti niyang sabi saka niyaya si Tom. "Thanks." sabi ko nalang. Naiwan kami ni Lance doon. Nilalaro ko nalang ang sarili kong mga daliring nakapatong sa mesa para aliwin ang sarili ko. Ang awkward ng feeling dahil wala kaming imik sa isa't isa. Di ko rin siya sinusubukang tingnan. Tiningnan ko na lang sina Aiah habang umo-order ng pagkain namin. Mabuti nalang at nakabalik na agad sila dala ang mga pagkain dahil kanina pa akong naiilang kasama si Lance. Napakatahimik nito at parang walang pakealam sakin. Di man lang marunong makipag-kaibigan. Tsk! Habang kumakain, nagkwentuhan kami ni Aiah. Di ko nalang pinansin si Lance kahit na ramdam kong naiingayan siya samin. Minsan naman sumasabat si Tom. Habang si Lance naman ay kumakain lang at nakikinig, yun ay kung nakikinig nga ba sya, ewan. Minsan kinakausap naman siya ni Tom pero halos tango lang ang sagot nito. Pagkatapos naming kumain ay inubos namin ang natitirang oras bago kami naghiwa-hiwalay at nagtungo sa kanya kanya naming room. "Okay. That's all for today. Tomorrow magbibigay agad ako ng quiz." Sabi ng lecturer. "Aaaaahhhhhhh..." reklamo ng mga kaklase ko. "Aba'y mag-review. Sige na goodbye." anito saka lumabas ng room. Agad naman akong tumayo at inayos ang mga gamit. Pagkalabas ko ng aming room ay nagtext ako kay Aiah na sabay na kaming lumabas. Naghintay ako sa paanan ng hagdan an kung saan sila bumababa. Nang makababa siya ay agad na kaming bumaba at lumabas ng senior high school building. "Nasan na nga pala si Lance?" Tanong niya na ikinatigil ko. "Ewan.." parang walang ganang sagot ko. "O, ba't parang nainis ka bigla nang banggitin ko yung Lance na yon?" Napabuntong hininga ako. "Sino bang hindi maiinis? Nasira ang unang araw ko sa klase dahil sa kanya." "Ha? Ano bang nangyari?" Hindi ko alam kung iku-kwento ko ba iyon sa kanya. "Kanina umaga kasi…nagkabungguan kami." "Wow! O tapos?" "Anong 'wow'? Eh sobrang sakit nga ng pwet ko sa sobrang lala ng pagbagsak ko sa semento." singhal ko. "Eh sinong may kasalanan?" Doon ako natahimik. Kasalanan ko rin naman kasi dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. "Pareho naming kasalanan yon." palusot ko. "Sus, edi quits lang kayo, ano ka ba." "Naiinis ako sa kanya dahil hindi man lang niya ako tinulungang tumayo. He's so rude. Tinawag niya pa akong 'wimp'!" Natawa nalang si Aiah sa akin saka tumingin sa likuran namin. Nakalabas na kami ng gate at tinatahak ang parking lot. "Hayaan mo nalang yon. May pinagdadaan kasi." "Bakit? Ano bang nangyari sa kanya?" "Secret.." Aniyang tinaasan ko ng kilay. "Huh?" Napangiwi siya. "He's behind us." "What?" Bulalas ko saka tumingin sa likuran namin. At nakita ko nga si Lance na nakasunod lang sa amin at wala paring emosyon ang mukha. Hinila ko si Aiah at binilisan ang lakad. "Ba't di mo naman sinabing nakasunod pala satin yan?" Nagkibit-balikat lang siya at pinigilang matawa. "Asan ang kotse mo?" tanong niya nang makarating kami sa parking area. "Andon oh." turo ko sa kanan. "Eh pano yan? Andon sa kaliwa ang sa'kin." "Sige, kita nalang tayo bukas ha. Bye." "Bye." Nang magkahiwalay na kami ay agad kong tinungo ang aking sasakyan. Nasa bandang dulo iyon kaya ilang hakbang din ang inilakad ko. Napatingin ako sa likuran ko nang maramdamang may sumusunod sa akin. Pero natigilan ako nang malamang si Lance pala yon. Deretso lang ito sa paglalakad habang sa akin nakatingin. Nataranta nalang ako nang malapit na siya sa gawi ko. Agad akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa kinaruroonan ng kotse ko. Pero nagtaka ako nang mapansing nakasunod parin si Lance. Naghari ang kaba sa dibdib ko. Nag-alala akong baka may galit siya sa akin kaya gusto niya akong saktan lalo na't salubong nanaman ang makakapal niyang kilay. Naisip kong baka may pagka-psychotic ang taong to at balak akong saktan. Binilisan ko ang paglalakad ko. Napatingin ako sa kalangitan nang unti unting naglalaho ang liwanag at napapalitan ng maiitim na ulap. Tuluyang bumilis ang t***k ng puso ko. Nilingon ko muli si Lance at hindi ko na maaninag ang itsura niya dahil nakatungo ito at nakasaklob narin ang hood ng jacket niya. He's not psychotic, he's a vampire! Para akong baliw na hinihingal na narating din sa wakas ang sariling sasakyan. Nanginginig ang kamay kong hinalungkat ang bag para hanapin ang susi ng sasakyan ko. Halos sumigaw ako sa inis nang nahirapan akong hagilapin iyon. Napalunok nalang ako nang makita ang paglapit ni Lance sa gawi ko. Para akong tangang nangangapa sa aking bag habang takot na takot na nakatingin sa kanya. Lalo pa akong natakot nang makalapit siya at tumigil para tingnan ako. Kunot ang mga noong nakatitig sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagmadali nalang na hanapin ang susi. Hindi naglaon ay nakita ko iyon at mabilis na binuksan ang pinto. Natigilan nalang ako nang mapansing naglakad si Lance papunta sa kotseng katabi ng kotse ko! Nasapo ko ang aking noo nang makita ang pagsakay ni Lance doon. Maya maya lang ay umalis na ito. Naiwan akong laglag ang panga at matagal na natulala. Kakabasa ko ng mystery books, kung ano ano nalang ang iniisip ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD