IKALAWANG araw ng pasukan at hindi parin nawawala ang excitement ko.
Wag ko nga lang talagang makita ang pagmumukha ng asungot na Lance na yon.
Kung hindi inis ay takot at kaba ang nararamdaman ko sa tuwing naroon siya.
Muntik na akong atakehin kahapon sa puso ng dahil sa kagagawan niya.
Napagkamalan ko pa siyang psychotic o bampira dahil sa ayos niya kahapon at lalo na sa titig niya sakin na kulang nalang ay lamunin ako ng buhay.
Napaka-weird niya talaga! Ano naman kayang 'pinagdadaanan' niya ang sinasabi ni Aiah?
Ano bang pakialam mo don, Cat?!
Napabuntong hininga nalang ako habang tinatahak ang parking lot.
Paano ko naman siya maiiwasang makita gayong iisa lang kami ng classroom na pinapasukan?
Nakarating ako sa pinakadulo ng parking at pinuntahan ang paborito kong spot. Malilim doon dahil may malaking puno ang nakatayo, sakto upang hindi mainitan ang aking sasakyan.
Bago lang ito kaya naman iniingatan ko. Regalo ito sa akin ni Dad noong birthday ko. Dahil daw iyon sa senior high school na ako at maaari na akong mag-drive mag-isa.
Kaya ganoon nalang din kabagal ang pagpapatakbo ko dahil ilang buwan palang akong nagdadrive ng sariling sasakyan.
Swerte naman ako nang makitang may isa pang espasyo sa pwestong iyon ng parking.
Iyon nga lang, medyo hirap akong ilagay roon ang aking sasakyan. Kailangan kong umikot para paatras kong ipapasok ang sasakyan.
Napangiwi nalang ako dahil natagalan ako roon. Kailangang sakto ang pagpasok ko dahil kung hindi ay magagasgasan ko ang mga nakaparadang kotse doon.
Nairita ako nang mali ang pagpasok ko at muntik nang matamaan ang side mirror ng isang sasakyan. Kaya umabante muli ako palabas.
Pero ganon nalang ang gulat ko nang bigla nalang sumulpot ang pamilyar na kulay asul na kotse. Mabilis itong nakapasok sa espasyong dapat ay sa akin!
Uminit bigla ang ulo ko at tinadtad siya ng busina. Pero parang wala itong narinig loob hanggang sa paglabas nito ng kanyang sasakyan.
Pakiramdam ko ay tumaas bigla ang dugo ko sa ulo nang makitang umalis ito at naglakad na parang walang nangyari.
Mabilis akong bumaba ng aking sasakyan. Umuusok ang ilong kong sinugod ang lalaki.
"Hoy! Bakit mo ko inagawan ng space! Hindi mo ba nakitang nag-sisignal ako?!" Sigaw ko habang sinusundan siya. Pero parang wala itong naririnig at patuloy lang sa paglalakad. "Hoy! Kinakausap kita!" Mabilis akong naglakad hanggang sa maabutan ko siya. I grabbed his arm to face me.
"Aish!" asik niya at nilingon ako. "Don't touch me!"
Ganon nalang ang gulat ko nang mapagtantong siya na naman. Bakit ba palagi nalang kaming nagkikita? At sa mga ganito pang eksena talaga?
He just furrowed his brows, obviously pissed. Pero hindi ako nagpatalo. Taas noo kong pinakita ang inis ko sa kanya. Napaka-walang modo niya!
Tumawa ako ng mapakla at pinamaywangan siya.
"Kaya naman pala... Ikaw na naman!" sigaw ko. "Bakit ba palagi mo nalang sinisira ang araw ko ha? Napakayabang mo porke ba apo ka ng may-ari ng school na to?!"
"Tch! Ingay mo." He hissed. At bigla nalang akong tinalikuran.
"Hey, you!" I shouted again and followed him. "Hindi pa tayo tapos---"
BEEP! BEEP!
Napalingon kaming pareho. Noon ko lang naalalang nakabalandra pa ang kotse ko at nakaharang sa daan.
Nilingon ko muna siya at dinuro. "Hindi pa tayo tapos! Hmp!" mataray na sabi ko saka siya nilayasan at binalikan ang sariling sasakyan.
Pinakalma ko ang aking sarili habang naghahanap muli ng mapwestuhan. Umikot nalang ako at doon nakahanap ng espasyo sa malayong bahagi ng parking lot.
Kinailangan ko pa tuloy lakarin ng pagkalayo-layo ang gate ng unibersidad.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa gate para pakalmahin ang sarili. Mabilis akong naglakad sa walkway hanggang sa aming building.
At doon ko nakita si Lance. Para itong naglalakad sa buwan sa bagal ba naman nitong maglakad sa hallway habang nakapamulsa.
"OMG! Look, si Lance!!"
"Oo nga, ang gwapo niya!!! "
"Superrrrr!!!"
"Boyfriend material!!!"
"Sana akin nalang siya!!!"
"Asa ka pa! Hahaha!!"
"Tse!!!"
Panay naman ang tilian ng mga kababaihan at bakla doon. Umirap ako at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Hanggang sa may maisip akong kalokohan. Matunog akong ngumiti saka mabilis na naglakad hanggang sa magpang-abot kami.
Dere-deretso akong naglakad hanggang sa likuran ni Lance. Sinadya ko siyang bungguin sa likurang balikat at saka siya nilampasan na parang walang nangyari, deadma sa bulungan ng mga mahaharot na babae doon.
"You!" Narinig kong galit na sigaw ni Lance na ikinangiti ko naman.
Tagumpay!
Tumigil saglit ako at mabilis na humarap sa kanya. He was shocked when I suddenly stuck my tongue out at him.
"Bleeeee! Hahaha." pang-asar ko pa saka kumaripas ng takbo palayo roon.
"Oh my God! He's getting mad na!!"
"Sino ba yung girl na yun? Ang epal!"
"She's crazy!"
"I hate her!"
Dinig kong bulungan doon pero agad akong nagtungo sa locker room para doon magtago.
"Hooo!" Bulalas ko na parang hiningal sa ginawa ko.
Hindi naman siguro niya ako nakitang pumasok doon kaya nilapitan ko ang locker cabinet ko.
Kinuha ko ang ilang mga gamit doon at isinilid sa aking bag.
Pagkatapos niyon ay isinara ko na ang locker at saka akmang aalis nang biglang...
"Ay palaka!"
I was surprised to see him standing in front of me. Blangko ang mukhang nakatingin sa akin. Agad siyang lumapit na ikinaatras ko naman.
Dumagundong ang Kaba ko nang patuloy siya sa paglapit hanggang sa lumapat na ang likod ko sa locker cabinet.
Napalunok nalang ako nang tuluyan siyang makalapit sa akin at ilang sentimetro nalang ang layo namin sa isa't isa.
Nailapat ko ang aking mga labi upang wag ipahalata ang kaba sa kanya.
Sinubukan kong umiwas pero huli na dahil kinorner niya ako matapos nyang ituon ang parehong braso sa locker na sinasandalan ko dahilan para mas lalong magkalapit ang mga katawan namin.
Pakiramdam ko ay naging limitado ang aking paghinga dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
Dahil mas matangkad siya ay ako ang tumingala sa kanya.
I swallowed hard and blinked many times.
Yumuko pa siya at inilapit ang mukha sa akin na naging dahilan ng sunod sunod kong paglunok.
Tinatagan ko ang aking loob at matalim ang mga matang nilabanan ang tingin niya.
"W-What do you want?" muntik na akong mapiyok nang pakawalan ko ang tanong kong iyon.
Pero mukhang hindi iyon nagpabago ng kanyang ekspresyon. Pantay na pantay na ang kilay nito na halatang inis sa ginawa ko kanina.
"Are you making fun of me, Catalina?" seryoso niyang bulong sa mukha ko na ikinasinghap ko nang maramdaman kong lumapat sa mukha ko at malanghap ang kanyang hininga.
"H-Huh?" maang-maangan kong usal. I swallowed again. Hindi parin makarecover sa init at bango ng kanyang hininga.
Tumiim-bagang siya na ikinanginig at ikinalambot ng tuhod ko. Para akong maiihi sa takot dahil mukhang mananakit siya ng tao sa titig niya.
Asan na ba yong mga tao rito? Bakit kami lang ang nasa loob? Baka kung anong gawin nito sa akin.
"Never do it again, Catalina." May awtoridad na bulong niya at saka inilapit pa ang mukha na halos magkadikit na ang ilong namin. "Not in front of me..."
Ako naman ay parang maduduling nang nakikipaglaban sa titig niya.
"A-Ang alin ba?" nauutal kong tanong.
He looked down and saw my lips. Pati tuloy ako ay nahihibang na gayahin ang ginawa niya. Tinitigan ko ang labi niya.
Sa tingin palang ay masasabi mong malalambot ang mga iyon at parang kay sarap... Oh God!
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata sa naisip kong iyon.
Tumigil ka Cat! Hindi ito ang oras para pagpantasyahan mo ang lalaking to!
"Don't ever stick that tongue out at me..." Napatingin muli ako sa kanya. I could see his jaw moving intensely while looking at my lips. Muli niyang ibinalik ang paningin sa akin kaya naman naghurumintado muli ang kalooban ko dulot ng titig niyang iyon. "You'll regret it if you do it again cause..." Muli na naman niyang ibinalik ang tingin sa mga labi ko kaya napigilan ko muli ang paghinga. Napansin kong gumalaw ang adam's apple niya. "Cause I might not be able to stop myself from tasting it..."
Nanlalaki ang Mata kong nagulat sa sinabi niya. Tumaas lang ang gilid ng labi niya at tila natutuwa sa reaksyon ko. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at masamang tumingin sa kanya.
"Bastos!" Sigaw ko saka malakas siyang tinulak. Mabilis akong tumakbo palabas ng locker room at nagtungo sa classroom.
Hanggang sa pag-upo ko sa aking upuan ay hindi parin tumitigil sa pagtambol ang aking dibdib.
Kay aga aga pinagpapawisan ako nang todo dahil sa lalaking iyon. Nakakainis grr!
Dumating ang guro kasunod ni Lance. Umupo ito na parang walang pakialam sa presensya ng guro. Mabilis akong umiwas ng tingin nang akmang lilingon siya sa akin. Hindi na dapat pang magtagpo ang mga paningin namin simula sa araw na iyon.
"Good Morning!" malakas na sabi ng guro kaya naman nag-sipag ayos sa pagkaka-upo ang mga naroon sa kani-kanilang upuan.
Sabi nila masungit at medyo terror ang lecturer na ito. Siya si Ms. Carriaga, guro sa 'Earth Science'. Medyo may edad na pero dalaga parin.
"Get a sheet of paper, now!" sigaw nito.
Agad akong kumuha ng papel. Never pa kaming naglecture pero heto't may quiz agad? LOL!
"Number one!"
"Wait lang po, miss..." Ungot ng ilang istudyante.
"Aba bilisan niyo! One!" Ang ilan ay tumungo at nasa papel ang atensyon. Ang iba ay natatarantang kinukuha palang ang kanilang papel.
"What is Earth Science? Number two!"
"Miss!!!" maktol ng mga estudyante dahil sa bilis nito magtanong. Hindi ko sila masisi, kahit ako sa loob loob ko ay nagrereklamo sa bilis nito pero mas pinili kong mag focus nalang sa isasagot ko.
"Enumeration, 2 to 5, what are the four main branches of Earth Science?! Number 6 and 7!"
"Miss, wait lang po!..." angal ng mga kaklase ko. May halong inis ang boses ng Ilan lalo na sa kalalakihan. Napapailing nalang ako habang binibilisan ang pagsasagot sa sobrang bilis nito magtanong. Dinaig pa ang may sunog sa pagmamadali.
"Grabe ang hirap..." Rinig kong bulong ng katabi ko.
Nagtanong nang nagtanong ang lecturer hanggang makaabot ito ng 50. Parang exam na ito at hindi na quiz.
"Ok pass your papers!" Sabi nito wala pang sampung segundo matapos itanong ang ika-50 na tanong.
"Teka lang miss..." sila.
Ako ang unang tumayo at nagpasa.
"Now!" sigaw ng guro kaya kahit di pa tapos magsulat ang iba ay walang nagawa kundi ipasa ang papel nila.
Nang makuha na ang lahat ng papel ay agad na itinabi ni Ms. Carriaga ang mga iyon saka humarap uli samin bitbit ang mga index card na may mga pangalan namin.
"Gusto kong malaman kung tama ba ang mga isinagot ninyo kanina o kung nag-aral nga ba kayo." bumunot ito ng isang index card. "Mr. Mallado." pagtawag nito. Agad na tumayo ang lalaking nasa bandang unahan sa kaliwa ko. "What is Earth Science?"
"S-Sorry Miss, I don't know the answer." nakayukong tugon nito.
"What?" bulalas ng guro. "Sitdown!" muli siyang bumunot ng index card. "Ms. De Vasquez!" tawag ulit nito at agad namang tumayo ang babae sa unahan ko. Pero nakayuko rin kaya duda ako. "Same question!"
"A-Ah E-Earth Science deals with the...ahm..."
"With what?!"
"A-Ah with..A-Ah---S-Sorry I forgot Miss..." utal na paunmanhin nito.
"Tsk tsk tsk." iiling iling na turan ng guro. "Unbelievable! Inaasahan kong mag-aaral agad kayo at mag-aadvance reading pero nagkamali ako! STEM ba talaga kayo? Paano kayo nakapasa sa strand na ito kung ganyan pala kahihina ang mga kokote niyo! Dapat nga ay alam niyo na kung ano ang meaning niyon dahil yun ang subject niyo!" pabagsak niyang itinapon ang mga index card sa mesa. Saka bumuntong hininga. "Now, who can answer the same question?"
Agad akong nagtaas ng kamay. Pero nakita kong nagtaas din ng kamay si Lance at ang tatlo pang estudyanteng naroon.
"You. Stand up." Turo sakin ng guro. Tumayo ako. "What's your name?"
"I'm Catalina Satiago, miss."
"What is Earth Science?" Deretsong tanong nito.
"Earth science or geoscience is a branch of science dealing with the physical and chemical constitution of the Earth and its atmosphere. Earth science can be considered to be a branch of planetary science, but with a much older history." mahabang sagot ko.
"Good answer." bumaling ito kay Lance. "How about you, do you have a different answer?"
Tumayo si Lance. "Earth Science is the study of the Earth and its neighbors in space. It is an exciting science with many interesting and practical applications. Some Earth scientists use their knowledge of the Earth to locate and develop energy and mineral resources. Others study the impact of human activity on Earth's environment, and design methods to protect the planet. Some use their knowledge about Earth processes such as volcanoes, earthquakes, and hurricanes to plan communities that will not expose people to these dangerous events." aniya saka naupo.
"Impressive." nakangiting turan ng lecturer. "By the way, what's your name hijo?"
"Lance Joseph Alvarez." aniyang di man lang tumayo.
"Oh. So you're an Alvarez. But.. Are you related to Chairman Larry Alvarez?" tanong nito. Tumingin ako kay Lance.
"Yes, he's my grandfather." seryoso niyang sagot.
"Ahh.." tatango tangong sabi ni Ms. Carriaga. Saka muling pumunta sa unahan. "Okay, next question. What are the main branches of Earth Science?"
Tumaas muli ako ng kamay... Pati si Lance.
"Who else?" tanong ng guro dahil kaming dalawa lang ni Lance ang tumaas ng kamay. "Ikaw!" Biglang turo nito sa babaeng maikli ang buhok.
Magkahawak ang kamay nitong tumayo. "A-Ahmm... Geology, O-Oceanography..."
"That's it?"
"I'm sorry miss, I forgot the rest..."
Napabuntong hininga ang guro saka bumaling sa akin.
"Ms. Santiago."
"Geology, Oceanography, Meteorology/Climatology and Astronomy." sagot ko.
"Give me the studies of each of those branches."
Nagulat man ako dahil marami rami iyon pero sinubukan ko paring sagutin.
"Geology is the primary Earth science. And it means 'study of the Earth'. Geology deals with the composition of Earth materials, Earth structures, and Earth processes. It also covers the organisms of the planet and the planet's changes."
"Oceanography is the study of Earth's oceans and their composition, movement, organisms and processes. Our planet is covered mostly by water. The ocean also influences the weather and climate change."
"Astronomy... Uhmm... Astronomy is the study of the universe. A knowledge of astronomy is essential to understanding the Earth. Astronomers can use knowledge of Earth materials, processes and history to understand other planets."
"I'm impressed." ngiting puri ng lec. "Sitdown, Ms. Santiago."
Muli siyang nagsalita.
"Okay, next question, what is the importance of Earth Science?"
Tumaas muli ako ng kamay. "Wala na bang iba!" galit na tanong ni Miss sa mga naroon.
Sumubok ang ilan sa mga kaklase namin ngunit kulang ang mga sagot ng mga ito kaya naman tumawag muli ang guro.
Tumaas ng kamay si Lance. "Yes, Mr. Alvarez." Lahad nito. Tumayo si Lance.
"Today, we live in a time when the Earth faces many challenges. Our climate is changing, and that change is caused by humans. Earth scientists will play a key role in efforts to resolve it. It also determines how Earth's increasing population can live and avoid serious threats such as volcanic activity, earthquakes, landslides, floods and more. These are just a few of the problems where solutions depend upon a deep understanding of Earth science."
"Very well said, sitdown." anang guro saka muling bumalik sa unahan. "So sila nalang ba ang aasahan ko dito sa loob ng classroom?!" galit nitong sabi sa mga classmate namin. Napayuko naman ang mga ito sa hiya. "Next time, mag-aral kayo para may maisagot naman kayo sa klase ko!"
Nag-discuss pa ang lec sa natitira nitong oras bago umalis.
Biglang nagsilapitan ang ilan naming kaklase sakin.
"Oy, ang galing mo kanina." Sabi ng isa. "Donna nga pala." saka nag lahad ng kamay sa akin. She's pretty and her ponytailed hair suited her.
Tinanggap ko naman ito. "Catalina, Cat nalang for short." I said smiling.
Nakipag-shake hands rin ang ilan.
"Ako naman si Marie."
"Araw gabi walang panty---aray!" pinalo ni marie sa braso ang lalaking nasa tabi nito. "Hehehe Gerard nga pala, pogi for short." sabay kindat pa sakin at naglahad ng kamay.
Lihim akong napangiwi at pilit ngiting tinanggap ang kamay nito. Medyo matagal din bago niya bitawan ang kamay ko. Iniwas ko naman ang tingin sa kanya dahil nailang ako sa titig niya sakin.
Hindi ako magtataka kung bakit habulin din ito ng mga girls dahil gwapo rin ito at mas matangkad kay Lance. Heck! Bat nasali bigla si Lance? Bigla tuloy akong napasulyap sa kinaroroonan nito, pero tutok lang ito sa libro at mukhang walang pake.
"Naku. Ingat ka dyan Cat. Mahilig yan sa chicks." Napatingin ako sa isang lalaki na nasa likod ni Gerard. May itsura din ito. May kalakihan ang mata at matangos ang ilong, makapal ang kilay at moreno. Nahuhulaan kong may lahi itong Indiano.
"Gago ka Ahmir." Natatawang asik ni Gerard na astang babatukan ito saka muling bumaling sakin. "Wag kang maniwala dun Cat, good boy kaya ako." aniya na malapad na ngumiti.
"Hehe okay.." Sabi ko nalang saka napa-iling.
"Pati yung Lance, ang talino din." Sabi ni Marie na inginuso pa ang kinaroroonan ni Lance. Maganda rin si Marie pero mas maganda si Donna ng kaunti. Bagay naman sa kanya ang maikli niyang buhok, lalo na sa ganda ng hubog ng kanyang katawan.
"Oo nga tapos sobrang gwapo pa." Kinikilig na sabi ni Donna.
Ngumiti lang ako. "Ba't di niyo kaya puntahan?" I said.
"Yun nga eh. Kaya lang mukhang masungit, tingnan mo naman walang pake sa mundo." aniya habang pinapanood namin si Lance na nagbabasa lang ng libro at di pinapansin ang ilang nakapalibot na girls na gusto yatang magpakilala. Di niya alam na pinipicturan narin siya ng isa doon.
"Saka nakakahiya, apo siya ng may-ari nitong school."
"Tsk. Ba't pa kayo naghahanap ng gwapo eh nandito naman ako. Mas gwapo pa ako dyan eh." pagmamayabang ni Gerard.
"Kapal mo!" Singhal ni Donna rito.
"Bakit, hindi ba kayo nagwagwapuhan sakin?" Nakangusong tanong ni Gerard.
"Oo gwapo ka pero ayaw namin sa playboy!" asik naman ni Marie.
"A-Anong playboy! Kayo ah, ang sakit niyo magsalita. Di totoo yun no. Baka maniwala sa inyo si Cat."
"Naku po! Trip mo si Cat noh?" Tukso ni Ahmir dito.
Sinamaan niya lang ito ng tingin saka tumingin sakin. "Iba ang trip sa gusto..." matamis siyang ngumiti sakin.
Nailang ako bigla. Mabuti nalang at dumating na ang sunod na subject kaya nakaligtas ako sa titig ni Gerard.
Sinabayan ako nina Marie at Donna sa pagpunta sa canteen nang matapos ang klase sa umaga. Sumama narin sina Gerard at Ahmir.
Pagpasok namin ay nakita ko na agad sina Aiah at Tom. Nag-uusap ang mga ito at di ako napansin hanggang sa paglapit ko sa kanila.
"Aiah." tawag ko. Agad namang lumingon ang dalawa.
"Cat, dito ka." aniyang pinaupo ako. Takang tumingin sa likod ko si Aiah. "May kasama ka pala."
Nilingon ko ang mga classmate ko. "Classmates ko. Would you mind if they join us here?"
"Ofcourse not, come and join us." saka nakangiting iminuwestra ang mga upuan.
"Ok ba sa inyo na makisabay tayo sa kanila?" Sabi ko sa mga kasama ko.
"Oo naman." sabi ni Marie.
Maliit lang ang table at apat lang ang upuan nito kaya hinila nalang nina Gerard at Ahmir ang isang mesa at dinikit sa mesa nina Aiah.
Saka sila isa isang nag-si-upo sa mga upuan. Doon naman ako umupo sa table nina Aiah dahil ukopado na ang mga upuan ng mga kaklase ko.
"By the way Aiah, this is Marie, ito naman si Donna, si Ahmir at saka si Gerard. And guys ito si Aiah, best friend ko at ito naman si Tom." pakilala ko sa kanila.
"Wahhh!!! Anjan na si Lance!!!"
Napalingon kaming lahat dahil sa tilian ng mga babae't bakla roon.
"Ang gwapo sheeeet!!!"
"Oo nga teh, ang shereeeeppp!!,"
Nalimutan kong may Lance pa nga pala.
Nakapamulsa siyang naglakad papunta samin. Agad naman akong umiwas ng tingin nang sakin siya nakatingin.
Naramdaman ko na lang na umupo siya sa tabi ko.
Nang tingnan ko sina Marie ay nagtataka ang mga ito.
"Don't tell me, Lance is your friend too?" asked Marie.
"OMG, di kaya...boyfriend mo sya at di mo lang sinasabi sa'min?" si Donna na tinuro pa kami ni Lance.
Tuloy ay napatingin ako kay Lance. Bahagya pa akong nagulat nang tumingin din siya sakin. Agad kong iniwasan yun at napatayo. Rinig ko pang bumungis-ngis sina Aiah at Tom.
"H-Hindi ko siya b-boyfriend, ano ka ba Donna." sabi ko na iwinasiwas pa ang dalawang kamay. "Friend siya nina Aiah at Tom. Kahapon ko lang siya nakilala."
"Ah ganon ba, hehe sorry akala ko kasi." ani Donna. "Bagay pa naman kayo."
Napalunok nalang ako at napasulyap kay Lance.
Blangko na naman ang mukha niya.
Pumunta na kami sa counter at umorder ng kanya kanyang pagkain.
"Next week na ang acquaintance party. Ikaw ang date ko Aiah ha." sabi ni Tom habang kumakain kami.
"Ok, I don't have a choice anyway." walang ganang sagot ni Aiah.
"Sus! Walang choice?.. Eh swerte mo nga dahil pinili kita out of so many girls who wanted to date me." pagmamayabang ni Tom. "Saka patay ako kay tita Arya kapag hindi ikaw ang date ko."
"Ayuuun..so napilitan ka lang pala dahil takot ka kay mommy? " sumimangot si Aiah.
"Hindi ah.. Syempre ikaw ang idi-date ko kasi gusto kita---"
Natigilan si Tom sa nasabi niya saka bahagyang namula. Ewan ko kung napansin ni Aiah yun.
"... I-I mean.. G-Gusto kitang makapartner." pagtatama niya.
"Psh! Whatever." ani Aiah. "Ikaw Lance, sinong date mo?" baling sa katabi ko.
"Tch! I don't need a date." aniyang seryosong kumakain.
"Ikaw Cat may date kana?" tanong sakin ni Aiah.
"Wala pa eh."
"Yun pala eh, bro. Bakit di mo nalang yayain si Cat?" suhestiyon ni tom kay Lance na ikinabigla ko. Nakangisi ito at halatang nang-aasar.
I looked at Lance. He didn't answer.
Lihim akong napairap. Kung ayaw mo, mas lalong ayaw ko!
"Kung ayaw ni Lance.. Ako nalang i-date mo Cat hehe." sabat ni Gerard. Ginandahan pa ang pagkakangiti.
Nag-aalangan naman akong sumagot.
"Ah, s-sige pag-iisipan ko." nasabi ko na lang.
"Wag mo nang pag-isipan, ako na'ng date mo ha?"
"Pag-iisipan nga daw eh, wag ka ngang atat!" asik ni Marie dito.
"Bakit galit ka?" nakangusong tanong ni Gerard.
"Wala!" inis na sabi niya saka tumayo. "Cat mauna na ako sa inyo ha." paalam niya saka naglakad paalis.
Nagsitayuan narin sina Donna at Ahmir. Huling tumayo si Gerard.
"Anong nangyari don?" takang tanong ni Gerard. Nagkibit balikat lang si Ahmir.
"Ikaw kasi!!" angil ni Donna dito saka sinundan si Marie. Sumunod narin si Ahmir. Si Gerard naman ay kamot kamot ang ulong naglakad narin at bumuntot sa mga ito.
Maya maya ay nagpaalam narin ako kina Aiah.
Habang naglalakad sa hallway, ramdam kong nakasunod sakin si Lance. I don't know why I suddenly felt annoyed with him.
Pangit ba ako sa paningin niya kaya ayaw niya akong i-date? Hindi naman ako nag-aasume na ako ang yayain niya. Ayaw ko lang na iparamdam niya na di ako ka-date date sa paningin niya!
Pero bakit ba ako nagagalit? Dapat nga ay ayos lang sa akin iyon dahil ayaw kong palagi siyang umaaligid sa tabi ko pero ngayon, anong nangyayari sakin?
Nagmadali akong maglakad papunta sa room dahil sa inis, inis ko sa lalaking yon at inis sa sarili ko dahil naguguluhan ako sa nararamdaman ko.