CHAPTER 3

2422 Words
DAY 3, maaga akong nakarating sa university. Iilan palang ang mga kaklase kong naroon kaya naman umupo nalang muna ako roon at naghintay. Tutok lang ang paningin ko sa bintana na para bang malalim ang iniisip, pero ang totoo ay blangko ang utak ko sa mga sandaling iyon. Ilang sandaling lang ay unti unti nang dumadami ang mga naroon. Pero hindi ko sila pinansin. Panay lang ang tanaw ko sa labas ng bintana at hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang pakiramdam ko. Para akong walang gana sa araw na iyon. Sakto namang pag-upo ni Lance sa kanyang pwesto. Napagtanto kong sa kanya nga palang bintana iyong sinisilip ko. Tuloy nagkasalubong nanaman ang aming mga paningin. Awtomatiko akong sumimangot. He suddenly parted his lips after that na para bang nagtataka sa expression ko. Kumunot ang noo niya at halatang naguguluhan sa akin. I just rolled my eyes at him saka umiwas ng tingin. Alam Kong maiinis na naman ito sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Alam ko na kung saan nanggagaling ang inis ko sa araw na iyon. Siya ang dahilan, at hindi ko matukoy kung ano ang ikinaiinis ko sa kanya. Sa dami ba naman niyang atraso sa akin ay hindi ko na alam kung alin doon ang ipinuputok ng butse ko. "Hi Cat!" napalingon ako sa pagtawag na iyon nina Marie. Ngumiti ako. "Hi, good morning." "Kanina ka pa?" "Oo, napaaga ang gising eh.." "Pati si pogi ang aga din pumasok ngayon." ani Donna na tumingin pa kay Lance. Nagbabasa na naman ito ng libro. "Kayo ah, magkasabay siguro kayo no." Natawa naman ako sa panunuksong iyon ni Donna. "Hinda ah. Mas nauna akong dumating sa kanya." depensa ko. Bakit ba niya ako tinutukso sa lalaking yon? Eh palaging galit iyon sa akin. "Good morning, everyone!" napatingin ang lahat sa ingay na iyon ni Gerard. Naglakad pa ito sa unahan na akala mo ay nasa pageant. Agad namang nagtilian ang mga kababaihan doon. "Oops, girls kalma. Ako lang to oh. Si Gerard Castilian. Ang mr. Pogi ng Caloocan!" Pumorma ito at tinanggal ang kanyang sunglasses saka kinindatan ang mga babaeng naroon. Kulang nalang ay himatayin sa kilig ang mga babae sa unahan. Kami naman ay natatawa nalang siyang pinanunood. Si Ahmir na kasama nito ay kamot kamot ang ulong lumapit sa amin. "Ano bang nakain niyan?" iiling iling na tanong ni Marie. "Ewan ko dyan, naka-drugs ata." Si Donna naman ay natawa nalang. "But girls, I'm sorry to say this but my heart is now belongs to someone special." Agad na umugong ang tukso ng mga kaklase namin. Pero natigilan nalang ako nang tumingin sakin si Gerard. Walang kasing tamis ang ngiting ipinupukol nito sa akin na ikinagulat ko. At mas lalo pa akong kinabahan nang lumapit na ito sa amin. "OMG!" bulalas ni Donna nang tumigil sa harap ko si Gerard. Napalunok nalang ako nang hugutin niya sa kanyang bulsa ang isang pulang rosas at inabot iyon sa akin. Agad na nagbulungan ang mga naroon. "Cat, I want to formally ask you to be my date next week. Napag-isipan mo na ba?" Tila napipi naman ako at hindi alam kung tatanggapin ba ang rosas na bigay niya. Bago lang ang ganoong eksena sa buhay ko at hindi ko alam kung anong gagawin. "Loko ka brad! Seryoso ka talaga kay Cat?" natatawang saad ni Ahmir. "Gago! Wag mo ngang sirain ang panliligaw ko." singhal nito saka matamis na ngumiti uli sa akin. "Ano Cat, payag ka nang maging date ko?" Nailapat ko ang aking mga labi dahil sa kawalan ng maisagot sa kanya. Oo o hindi lang naman ang sagot pero bakit hirap akong ibigay sa kanya iyon. "A-Ahm, Gerard…" "Hmm?.." nakangiti itong naghihintay sa sagot ko. "Kasi…matagal pa naman ang party. P-Pwede bang pag-isipan ko muna?" Bumuntong hininga naman si Gerard at napakamot sa ulo. "Sa sobrang gwapo kong to, pag-iisipan mo pa?" parang hindi siya makapaniwala. "Hoy, Gerard, wag mo ngang itulad sa mga babae mo si Cat." asik ni Donna. "Si Cat ang pinaka-maganda sa room natin kaya may karapatan din siyang tumanggi sayo." Sabi ni Donna. Si Marie naman ay tahimik lang sa tabi. Umismid lang si Gerard. "Saka baka may ibang gustong ka-date si Cat." napatingin ako kay Donna. "Eh sino naman?" nakasimangot na turan ni Gerard. "Ewan." maarteng sagot ni Donna. "Pwedeng si Lance." Gulat akong napatingin kay Donna. "Hoy, ano ka ba Donna." saway ko. "Si Lance?" napalakas naman ang boses ni Gerard kaya nag-aalala akong nilingon ang lalaki. Natigilan nalang ako nang mahuli ko ang tingin ni Lance. Salubong lang ang kilay nito at hindi ko mabasa ang mukha niya. "Ah basta, Cat hihintayin ko ang sagot mo ah. Hindi mo ba tatanggapin ang bulaklak ko?" Dismayadong ani Gerard. Kinuha ko nalang iyon para matigil siya. Nakakahiya sa mga naroon. Baka akalain ng mga ito na nanliligaw si Gerard. "Salamat Gerard." pilit ngiting sabi ko. "Araw araw kitang bibigyan niyan para lang piliin mo ko." Mabuti nalang at dumating ang aming guro sa Filipino na si Mrs. Makiling. Itinago ko sa aking bag ang bulaklak na binigay ni Gerard. "Nabalitaan niyo ba ang issue tungkol sa planong pag-alis sa subject na Filipino sa kolehiyo?" tanong ng guro. "Opo, miss!!!" sagot naman mga naroon. "Sang-ayon ba kayo doon?" "Hindi po!!" sagot ng ilan. "Opo!!!" sagot naman ng iba. "Upang malaman natin ang mga opinyon niyo ay hahatiin ko kayo sa dalawang panig at magkakaroon tayo ng DEBATE.". At agad namang nag-hiyawan ang mga kaklase ko sa excitement. "Hindi niyo na kelangang umalis dyan sa kinauupuan niyo. Itong gitnang dinaraanan ko ang siyang maghahati sa grupo niyo. Kayong mga nasa kanan laban sa inyong mga nasa kaliwa, kuha niyo?" "Opo, miss!" "Mabuti. Magsimula na tayo...bawat grupo ay may nakalaang tagapagsalita. Ang ibang miyembro ay magbibigay ng kanilang opinyon at bahala na ang representanti." bumaling ang guro sa kanan kung saan ako naka-upo. "Sinong inyong tagapagsalita?" "Si Catalina nalang." "Oo nga si Cat nalang.." "Ha? ba't ako?" gulat kong sabi kay Donna. "Ikaw na Cat, magaling ka eh." "Oo nga Cat ikaw ang matalino dito." Sabi naman ng isa kong kaklase. Hindi na ako tumanggi pa. Tutal hindi naman iyon ang unang beses na nakikipag-debate ako. "Si Catalina na po Miss." "O sige, ano ngang buong pangalan mo hija?" "Catalina Shae Santiago po." sagot ko. "O sige ikaw ang tagapagsalita sa grupo niyo." bumaling naman siya sa kaliwa kung saan naroon si Lance. "Sino naman ang sa inyo?" "Si Lance Joseph Alvarez po miss!" agad na tugon ng mga kagrupo niya. "Oo siya nalang kasi sila naman dalawa ni Catalina ang pinaka-matalino dito." "Ayos lang ba sayo hijo." tanong ng guro. Pabuntong hininga namang tumango si Lance. "Okay, bibigyan ko kayo ng limang minuto para magbigayan ng mga opinyon at suhestiyon. At nais ko lang ipaalam sa inyo, tagalog lang ang maaaring gamitin." Gumawa ng dalawang papel ang guro na may sulat na pagsang-ayon at hindi. Saka iyon pinabunot sa amin ni Lance. Ang tanong ay kailangan bang alisin ang Filipino sa kolehiyo? Ang nabunot ko ay hindi pagsang-ayon at si Lance naman ang sang-ayon. Agad na nagtipon ang kanya kanyang grupo. Lumapit sakin lahat ng kagrupo ko at ganoon din ang grupo ni Lance. Maya maya ay naubos na ang oras at sinimulan na namin ang debate. Ako ang unang nagsalita. "Hindi ako sang-ayon, bakit? Nasa sariling bansa tayo, bansang Pilipinas. Bakit natin aalisin ang sariling atin at tangkilikin ang galing naman sa dayuhang bansa? Ginawa ang asignaturang Filipino para matuto tayo ng wika at kulturang pilipino noong mga bata pa tayo. At ngayon namang matatanda na tayo at mataas na ang antas ng ating pinag-aaralan, hindi ibig sabihin na hindi na natin kailangan ng Filipino dahil nariyan ang asignaturang yan para ipaalala satin muli ang wika at kultura dahil sa dami ng lenggwaheng dumadagdag ating pag-aaral ay nababawasan naman ang ating atensyon sa sarili nating wika." Agad naghiyawan ang mga kagrupo ko. Ngayon ay si Lance naman. "Para sakin, hindi na kailangang isama bilang subject ang Filipino pagtungtong mo sa kolehiyo. Dahil simula mababang paaralan hanggang sa mataas na paaralan ay natutunan na natin ang lahat ng kultura ng bansa natin lalo na ang wikang filipino. Sapat na ang mga natutunan natin at hindi na dapat pang isama muli at pag-aralan sa kolehiyo dahil marami tayong MAS kailangan pang pag-aralan katulad sa larangan ng siyensya at teknolohiya pati narin ang isport---" "Sinasabi mo bang hayaang alisin ang Filipino at manatiling pag-aralan ang asignatura na galing sa dayuhan?" putol ko sa kanya. Hindi ko sinasadyang lagyan iyon ng sarkasmo. Narinig ko naman ang pagtikhim niya. "Hindi ibig sabihin na tanggalin ang Filipino ay kakalimutan natin ang wika at kulturang Filipino dahil nasa puso at utak na naman natin ito simula pa pagkabata at hindi iyon maiaalis sa'tin dahil nga sa nasa sarili tayong bansa." Tila naiinis niyang depensa. Naghiyawan naman ang grupo niya. "Kung ganon, may tanong ako." taas noo ko siyang tiningnan habang nakataas ang mga kilay. "Hindi ba simula mababang paaralan hanggang mataas na paaralan ay naroon din ang subject na Ingles at kasabay nito ang Filipino?" kunot noo siyang tumango sa tanong ko. "Kung gayon, bakit ang Filipino lang ang tinatanggal at bakit maiiwan ang Ingles?" hamon kong tanong. "Hindi lahat ng kurso sa kolehiyo ay may kasamang Filipino, Ms. Santiago." ramdam ko ang panunuya niya sa mga salitang iyon. Hindi naman ako nagpatinag at matapang siyang hinarap. "Pero wikang Ingles ang gamit hindi ba, Mr. Alvarez. Ibig sabihin, sa halip na sariling lenggwahe ang gamitin ay wikang dayuhan ang ginagamit at doon palang makikita natin na nawawala na ang wikang Filipino." He suddenly grinned. "Minsan kailangan mong matutunan ang wika at kultura ng ibang bansa para lang hindi ka magmukhang TANGA sa harap nila. Hindi ibig sabihin na aalisin ang Filipino ay kakalimutan na natin ito." My lips just twisted. Hindi pinansin ang matalim niyang titig. Kahit kailan ay hindi ako magpapatalo sa kanya. "Ang pinag-uusapan natin dito ay ang pag-aari natin. Ang Filipino ay pag-aari natin at dapat nating tangkilikin, Mr. Alvarez!" Tinumbasan ko ang titig na iyon ng pag-irap ko sa kanya. "Pero may mga bagay na wala sa pag-aari natin at mayroon ang dayuhang sinasabi mo, Ms. Santiago." "Ano bang alam mo?" Biglang tumaas ang boses ko na ikina-kunot naman ng noo niya. Hindi ko alam kung bakit ako napikon bigla dahil lang sa paraan niya ng pagsasalita. Pakiramdam ko kasi ay may laman na ang mga ibinabato sa akin. "What is wrong with you?" Tila naiinis din niyang usal. "Hindi ba't sa America ka nag-aral? At hindi ka naman purong pilipino hindi ba?" Huli na para bawiin ko ang mga katagang iyon. Nadala ako ng inis ko sa kanya kaya naman kung ano ano nang sinasabi ko. Pero ang katotohanang napipikon na siya ay siyang ikinatutuwa ko. Kahit dito man lang ay matalo ko siya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-igting ng kanyang panga. "Are you insulting me right now, Catalina?" Galit na sabi niya. Pinilit kong wag magpa-apekto sa galit niya kundi ay matatalo ako. Humalukipkip ako saka umirap sa kanya. He gritted his teeth again. Talagang napipikon na. Natahimik naman ang mga naroon at natulala sa amin. Si Mrs. Makiling naman ay papalit palit ang tingin samin. "At dyan nagtatapos ang debate." binasag ng guro ang katahimikan. Iiling iling pa siyang bumalik sa harapan. "Sino po ang nanalo, ma'am?" may lalaking nagtanong. Ka-grupo ko. Nagkibit balikat lang ang Lecturer saka bumuntong hininga. "Ms. Santiago and Mr. Alvarez, come with me. Class dismiss." anang guro saka lumabas ng room. Bumuntong hininga nalang ako bago sumunod dito. Hindi ko na nilingon si Lance. "May problema ba kayong dalawa?" kunot noong tanong ni Mrs. Makiling. Nandoon kami sa hallway at malayo sa room namin. Pero may ilang sumusulyap parin samin mula sa malayo. "W-Wala po..." Nakayukong usal ko. Nilalaro ko ang mga daliri ko at doon nakatingin para hindi magtagpo ang paningin namin ni Lance. "Ms. Santiago, debate yung ginawa ninyo. Ang huling sinabi mo ay hindi na kabilang sa paksang pinagde-debate-han niyo, pinersonal mo na si Mr. Alvarez." "S-Sorry po, miss." Nahihiyang paumanhin ko. "Hindi ka dapat sakin nagso-sorry Ms. Santiago." I bit my lips as I felt guilty. "Ayusin niyo yan. Go back to your clasroom." at tinalikuran na kami ni Mrs. Makiling. Nagkatinginan kami ni Lance. Sumimangot ako at napangusong umiwas ng tingin sa kanya. Akma na akong aalis nang hawakan niya ako sa siko. "We need to talk." Natigilan ako sa sinabi niya. Mas Lalo sa ekspresyon ng mukha niya na ibang iba sa pagkakilala ko sa kanya. Napatingin din ako sa kamay niyang nakahawak sa siko ko. Tumingin siya sa gawi ng classroom namin kung saan may mga nakasilip doon. Bumuntong hininga siya saka bigla nalang akong hinila palayo. Hinayaan ko naman na dalhin niya ako sa locker room kung saan kaming dalawa lang ang naroon. "Pwede mo na akong bitawan.." nakasimangot paring sabi ko nang mapansing hawak hawak niya parin ako. Napansin ko ang paglunok niya. He immediately took his hand off of me. Ilang Segundo kaming tahimik lang at nagpapakiramdaman. Ilang beses naming nahuhuli ang isa't isang nagkakatinginan. Tumikhim ako nang makaramdam ako ng Ilang sa kanya. Ang katotohanang kaming dalawa lang ang naroon ay ikinababahala ko. Lalo't dito ko rin naramdaman sa kwartong ito ang kakaiba at di mapangalanang pakiramdam noong unang beses na nagkalapit ang aming mga katawan. Nilakasan ko ang loob ko at seryosong hinarap siya. "So, what now?" Nagtaka nalang ako nang wala akong makuhang sagot mula sa kanya. Para siyang natulala pagkatitig sakin. Parang pinag-aaralan niya ang bawat parte ng mukha ko. Maya maya lang ay bumaba ang tingin niya doon sa labi ko. Then I noticed his lips parted. Kumunot nalang ang noo ko. Nainip ako kaya… "Hoy!" "Will you be my date?" Nagulat ako sa sinabi niyang iyon pero mukhang mas nagulat siya sa sariling nasabi. "H-Huh?" kunot noong tanong ko. Parang di makapaniwalang nanggaling iyon sa bibig niya. Napakurap kurap ang mga mata niya. Gusto kong matawa nang mapansing lihim siyang napamura. Nanibago naman ako nang umiwas siya ng tingin sakin. Samantalang noon ay iyon ang ginagamit niya laban sa akin. Ibang iba ang awra niyang iyon kaysa noong una naming pagkikita. "Hoy." tawag ko muli sa kanya. Naiinip na talaga ako. "Ano yung sinabi mo?" "K-Kalimutan mo nalang yung sinabi ko." biglang sabi niya at basta nalang akong tinalikuran at nilayasan. Naiwan na naman akong naguguluhan sa kanya. Ang labo talaga ng lalaking to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD