DAY 4, tulala parin ako habang nakaupo sa aking kama kinabukasan. Hindi kasi maganda ang naging tulog ko kagabi.
Magdamag na hindi naalis sa isip ko yung nangyari kahapon samin ni Lance.
"Ano bang nangyari don?" I whispered.
Napanguso ako.
'Will you be my date?'
Hanggang ngayon ay iniisip ko kung bakit niya nasabi iyon.
It's weird to hear from him that he wanted me to be his date, Samantalang noon ay halos wala siyang pakialam sa akin.
At hindi lang iyon, yong mga titig niya kahapon ay kakaiba sa nakasanayan ko sa kanya.
Pero ang nakakainis, bigla nalang niya iyong binawi. Akala ko magkakaayos na kaming dalawa pero mas lalo lang nadagdagan ang inis ko sa kanya.
What the heck! Sira ulo ba siya?
Inis akong bumaba sa kama ko saka nagtungo sa banyo para maligo.
Today is our PE, so I went to the locker room to get my PE uniform and get changed.
Nakakasalubong ko at nakikita si Lance pero di niya ako pinapansin, ni tingnan man lang.
Dahil maganda ang panahon at walang bahid ng pag-ulan, sa field kami dinala ng aming PE teacher na si Sir Galliego at doon kami tinuruang maglaro ng volleyball.
Ang hirap dahil wala naman akong alam sa laro na yun.
Pagkatapos kaming turuan ay pinaglaban niya ang mga kalalakihan sa aming mga kababaihan.
Magagaling ang mga lalaki pero hindi nagpatalo kaming mga babae.
It was somehow fun. Minsan pikon ang mga kababaihan. Tawa ng tawa naman ang mga lalaki...maliban sa isa, alam niyo na kung sino...sigh
Kinalaunan ay nanalo ang boys.
Pero hindi parin nakontento si sir Galliego.
"Let's play DODGE BALL." Ani sir. "To play Batuhang Bola or dodgeball, we need 2 teams. The 1st team should stand in the middle, while the 2nd team should be divided into two and should stand at both sides of the 1st team. The 2nd team should hit the players of the 1st team. If you hit a player, that player is out. If that player catches the ball, his team will gain a "life" and can be used to revive another player or be used to continue to play on if the ball hits him/her. You will win the game if you have hit all the players and none of the players are left."
Nagbunutan kami at nahati sa dalawang grupo. Napunta ako sa unang grupo na babatuhin ng ikalawang grupo.
Kagrupo ko nga pala si Lance. Hehe okay…
"Sir, pwede ba akong lumipat ng grupo?" Biglang sabi ni Gerard. "Gusto ko pong kasama si Cat."
"uuuyyyy!!!" tukso ng mga kaklase namin habang ako naman ay napayuko nalang sa hiya dahil kay Gerard.
"Hoy Castilian, hindi ito ang oras para manligaw! Diyan ka sa grupo mo."
Napakamot nalang si Gerard sa ulo at walang nagawa. Then he glanced at me and threw a sweet smile.
Pilit akong ngumiti sa kanya at saka umiwas ng tingin. Seryoso ba talaga siya?
"Simulan niyo na!" sabi ni sir na naka indian-sit lang sa tabi at nanonood samin.
Nakahilera ang mga taga bato na nasa magkabilang gilid namin. Bale napapagitnaan nila kami. Naroon sina Marie at Gerard. Ka-grupo naman namin sina Donna at Ahmir.
Maya maya ay nagsimula na ang laro. Medyo kinakabahan ako dahil malakas bumato ang mga lalaki sa kabilang grupo.
Marami agad ang nalagas sa grupo namin. Lagi naman akong natataranta habang sinusundan ng tingin ang bola mula sa likod at harap namin.
Hindi ko napipigilang mapatili kapag muntikan akong natatamaan. Minsan pa binabalot ko ng mga kamay ko ang katawan ko dahil takot akong matamaan.
"Aahh!! Mommy! Tili ko nang muntikan ulit akong tamaan. Napabungis-ngis naman ang mga lalaking bumato. Sinimangotan ko lang sila.
Until there were only five of us left. We're just two girls. Lance was still there. Palagi talaga siyang binabanggit noh? Charr!
His face was still blank as usual and he seemed not enjoying what we were doing.
Kahit naman may kaba at takot ay nae-enjoy ko ang laro lalo pa't nakatagal ako roon.
Pero nagtataka ako kung bakit ako nalang palagi ang punterya ng mga taya.
"Hoy! Wag niyong pagkaisahan si Cat!" sigaw ni Gerard sa grupo niya.
"Ulol! Kalaban yan! Hahaha." sabi naman ng mga kakampi niya.
"Oo nga..." nasabi nalang ni Gerard sabay kamot sa ulo. "Cat, ingat ka ha."
I almost rolled my eyes because of what he said. Hay nako!
Pagkaharap ko ay nakita ko ang mabilis na pagbato ni Marie sa gawi ko kaya nanlaki ang mata ko at di nakagalaw.
Nang bigla nalang may humawak sa braso ko at hinila ako palayo sa pwesto ko at sa tindi niyon ay napayakap nalang ako kay… LANCE!
Dahil doon, ibang kasapi namin ang natamaan.
Tumingala ako kay Lance. Sandali kaming nagkatitigan.
Napalunok ako nang mapagtantong nakahawak ako sa kanyang dibdib.
"Hoy! Ilag!" narinig kong sigaw ng kasama namin.
Mabilis akong hinila paatras ni Lance habang yakap parin ako. Pero huli na dahil naramdaman ko nalang ang malakas na pagtama ng bola sa likod ko dahilan para maitulak ko si Lance at matalisod siya. Nanlaki ang mata ko nang matumba kaming pareho.
Himala naman dahil hindi ako nasaktan.
Saka ko lang napagtantong nakadagan ako kay Lance. Halos sumayad na ang labi ko sa dibdib niya.
Natigilan ako nang marinig ang malakas na pagtibok ng puso ni Lance. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko. Napansin ko nalang ang paglunok niya.
Nagtama muli ang mga paningin namin. Umawang ang labi niya habang ako naman ay biglang bumilis ang t***k ng puso kasunod ang pag-init ng pisngi ko.
"Yieeeeeeeeee!!!!!"
Ganun nalang kabilis ang pagtayo ko nang marinig ang tukso ng mga kaklase namin.
"Okay, tama na ang laro. Ubos na ang oras. Go back to your room. Goodbye class." tinalikuran na kami ni Sir.
"Goodbye sir!" tugon ng mga kaklase ko saka naglakad na pabalik sa aming building.
Hindi ko na tiningnan pa si Lance at agad siyang nilayasan. Agad akong nagtungo sa Locker Room at kinuha ang type A uniform. Iiling iling akong pumasok sa CR at nag-palit ng suot.
"Hoy, alam niyo ba. May something sina Lance at Catalina."
Natigilan akong marinig yun. Mga classmates ko siguro. Ba't ba nila kami pinag-uusapan?
"Oo nga, baka sila na..."
Bahagyang nanlaki ang mata ko sa narinig. Napahawak nalang ako sa aking dibdib nang muli kong maramdaman ang mabilis na pagtibok doon.
"Kung totoo Yan, bakit sila nag-aaway? Kahapon dun sa debate parang galit sila sa isa't isa.."
"Oo nakita ko rin sila sa hallway at mukha ding nag-away."
"Ang gulo naman nila.."
"Baka LQ."
"Pero kinikilig ako sa kanila!"
Nailapat ko ang mga Labi ko nang muntik na akong mapangiti.
"Oo pero sayang si Lance my loves!!"
"Sus! Asa ka pa hahahaha!"
Bumuntong hininga nalang ako nang marinig ang pag-alis nila.
Lumabas narin ako at bumalik sa locker room para ilagay ang hinubad kong P.E. Uniform.
Pero natigil ako sa paglalakad nang mabungaran ko si Lance na nagbabalik rin ng damit sa kanyang locker. Magkatapat ang locker namin kaya dahan dahan akong lumapit sa locker ko nang hindi siya tinitingnan.
Bale magkatalikod kami ngayon sa isa't isa.
Di ko maiwasang kabahan dahil kaming dalawa lang ang naroon. Ilang beses na tong nangyayari. Parang sinasadya ng pagkakataon na palaging kami lang ang naroon.
Binuksan ko ang locker ko at mabilis na inilagay doon ang mga damit. Agad kong isinara iyon.
"Ayos ka lang ba?"
I was stunned. I heard him closing his locker so I slowly faced him.
Nakaharap na pala siya sakin.
"H-Ha?" utal kong tanong.
Seryoso ang mukha nito habang nakapamulsa at deretso ang tingin sa akin.
"Were you hurt?" muling tanong niya. "Malakas ang pagkakabato sayo ni Gerard kanina."
Si Gerard? Patay ka sakin mamaya!
Kinapa ko ang likod ko. Masakit yun kanina pero hindi ko na ramdam ngayon.
"A-Ayos lang ako, h-hindi naman masakit.." I said stuttering.
He just nodded.
I intertwined my hands and played my fingers.
"Thank you nga pala..." I said in a calm voice, without looking at him.
"For what?"
Napatingin ako sa kanya. Iyon nanaman ang nakakalusaw niyang titig.
"T-Tinulungan mo kasi akong makaiwas sa bola kanina." sabi ko habang nilalabanan ang titig niya.
He smirked. "It's useless. Natamaan ka parin naman."
Napangiti narin ako. "Oo nga noh? Sayang ang effort mo." I chuckled.
Yun lang at binalot nanaman kami ng katahimikan. Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa. Hindi na ganoon kaseryoso ang mukha niya. I could see he's smiling a little.
Tumikhim siya. "T-Tara na." biglang yaya niya saka naunang umalis.
Sumunod narin ako. Pagpasok namin sa room ay naroon na ang lecturer namin sa General Math.
Narinig ko pa ang mga bulungan ng mga naroon. Siguradong mas lalo nila kaming pag-uusapan.
"Where have you been? You're 10 minutes late!" May himig ng galit sa boses nito. "Wag niyong sabihin na nag-date kayo sa oras ng klase ko?"
My eyes widened as I immediately shook my head. "N-Naku hindi po!" todo tanggi ko. "Nagkataon lang po na sabay kami. Natagalan po kasi ako sa pagpalit ng uniform."
"Eh ikaw?" Baling nito kay Lance.
"N-Nakatulog po.. Sa ilalim ng puno.." Napatingin ako sa kanya. Gusto kong matawa nang makita ko siyang pinipilit maging seryoso sa kabila ng pagsisinungaling.
"Sige, dahil late kayo, solve those problems." turo nito sa board na may nakasulat nang equations, at medyo mahaba iyon kaya medyo mahirap i-solve.
Sinunod naman namin ito ni Lance. Pumunta agad kami sa board at nagsimulang i-solve ang mga iyon. Magkaiba kami ng problems pero pareho lang ang haba ng equations.
"I'm done miss." Napatingin ako kay Lance. Tapos na siya agad. Naglakad na siya sa kanyang seat at iniwan ko.
Kaya naman binilisan ko narin ang pagsasagot.
"Tapos na po ako Ms. Gonzales."
Agad na akong bumalik sa aking upuan.
Nahuli ko na namang nakatingin sa akin si Lance.
Awkward akong ngumiti sa kanya na bigla naman niyang iniwasan. Napanguso ako.
Nagdiscuss pa si Ms. Gonzales at nagbigay ng quiz bago nagpaalam.
"Marie, mauna na kayo. May kukunin lang ako sa locker room." Sabi ko nang maglunch break.
"Sige hintayin ka namin."
"Gusto mo hintayin kita dito Cat?" Sabat ni Gerard.
"Hindi na Gerard, hintayin niyo nalang ako dun salamat."
Wala siyang nagawa at napasimangot nalang habang hinihila ni Marie palayo.
Agad akong pumunta sa locker room at kinuha ang pakay. Agad din akong naglakad pabalik.
Bumagal ang paglalakad ko nang makita ko si Lance na nakapamulsang nakatayo sa hallway.
"Sabay na tayo.."
Saglit akong natigilan nang lumapit siya sa akin. Naninibago tuloy ako sa pakikitungo niya sa akin. Hindi na palaging salubong ang kilay niya kapag nakikita niya ako. Bagaman seryoso, hindi ibig sabihin niyon na galit siya sa akin.
"S-Sige.." medyo awkward pa yung ngiti ko sa tugon kong iyon.
I walked out first and then he followed.
"Oy, ano yan?" nakangising si Tom ang unang nakakita sa amin nang makarating kami sa Canteen. "Mukhang nagkakamabutihan ah."
Sinamaan lang ito ng tingin ni Lance saka naupo na roon. Umupo narin ako at magkatabi na naman kami.
Natigilan naman ako nang mapansing naniningkit ang mga mata ni Aiah habang papalit palit ang tingin sa amin ni Lance.
"What?" tanong ko sa kanya.
"May hindi ba ako alam?"
"Ang alin ba?" kunot noo kong sabi.
"Bakit magkasama kayo?" halata ang pagdududa sa boses niya.
"Nagkataon lang, ano ka ba. Saka classmates kami, natural lang na makasabay ko sya." rason ko.
Hindi ko sinubukang lingonin si Lance. Baka mahalata ako.
Sinipat niya pa ako sa mukha ko kung nagsisinungaling ako. Inismiran niya nalang ako dahil mukhang wala siyang nakuha sa ekspresyon ko.
"Um-order na nga tayo." Sabi niyang tumayo.
Tumayo narin kami at pumunta sa counter para mag-order ng pagkain.
When we returned to our table, Lance handed me something.
"Here." Aniyang inabot ang mango pie. Seryoso pero bahagyang nakangiti sakin. There was a strange joy in my heart and I couldn't help but smile at the moment.
Dahan dahan ko iyong tinanggap.
"Sinabi na eh!"
Nagulat ako sa pagtayo ni Aiah. Nakaduro pa ito sa aming dalawa.
"Sabi ko na eh. There's something between the two of you!"
Nataranta naman ako at agad siyang sinaway dahil tinitingnan na kami ng mga naroon.
"Ano ka ba? Ang ingay mo naman, umupo ka nga!" inis kong sabi.
Sumimangot naman siya sakin saka umupo. "Nagsisinungaling ka na sakin ha!" Kunwari nagtatampo siya.
Bumuntong hininga nalang ako saka nilingon si Lance. He's just busy eating. Hindi man lang natinag sa ingay ni Aiah.
"Kayo na ba ni Lance, Cat?" nagulat naman ako sa tanong ni Marie.
"Paano naman magiging sila eh palaging magkaaway yang dalawa!" pero mas nagulat kami sa biglang pagtayo ni Gerard.
"Hindi ikaw ang tinatanong, umupo ka nga!" singhal ni Marie sabay hila kay Gerard paupo.
Masama ang tinging ipinupukol ni Gerard kay Lance nang bumalik sa pagkakaupo. Hindi naman iyon nakita ni Lance dahil sa pagkain lang ito nakatutok.
"O-Okay na kami ni Lance. Sa tingin ko naman ay ayos na kami." Sabi ko saka nagkunwaring busy sa pagkain.
"Eh bakit may pa pie pa?" nakataas ang kilay na sabi ni Aiah.
"As a sign of f-friendship siguro?"
Ano ba yan, ba't kailangan ko pang mag-explain?
Napanguso naman siya. "Yun na nga eh...matagal na kaming friends niyan ni Lance pero ni minsan hindi pa ako nakakatanggap dyan maski candy man lang. Ibang klaseng friend yan ha."
Natigilan naman ako. Di tuloy ako makatingin sa kanya. Kumain nalang ako at di na siya pinansin kahit daldal siya ng daldal.
Nang magkahiwalay na kami nina Aiah pagkatapos naming mag-lunch ay naglakad na ako papunta sa aming room.
"Cat!" Tumigil ako saka lumingon.
"Gerard.."
Lumapit siya sa akin at agad iyong sinundan ng pagbuntong hininga.
"Ahm, Can I talk to you?" tanong niya.
"Oo naman, ano ba yun?" kaswal kong tanong.
"Ahmm...Nakapag-isip ka na ba sa alok kong i-date ka sa party next week?"
Hindi agad ako nakapagsalita.
"Cause I think what I did in the past few days is enough for you to choose me."
"But why Gerard? Bakit ako ang napili mong i-date? Andyan naman si Marie dahil sakto, wala rin siyang date next week."
"Because I like you."
Natigilan ako. Hindi ko alam kung paano mag-react. Lalo pa't hindi ko sigurado kung nagsasabi siya ng totoo.
Napabuntong hininga ako.
"Kung talagang gusto mo ako, bakit mo ako binato ng bola na sobrang lakas. Mababalian pa ako ng spinal cord nang dahil sayo." nakasimangot lang ako.
"H-Ha? Eh hindi naman ikaw ang punterya ko nun eh. Si Lance, grabe kasi kung makayakap sayo." Nakanguso niyang sabi habang kamot ang ulo.
"Eh ako nga ang tinamaan eh at ang sakit nun ha." I hissed.
"S-Sorry na naman oh. Di ko naman sinasadya eh."
"Oo na, sige na. Kalimutan mo na yun." Nasabi ko nalang.
"So ikaw na ang date ko?" nakangiti niyang tanong.
"Hindi." hindi ko alam kung bakit iyon agad ang sagot ko.
"Ha? Bakit naman?"
"B-Basta." hindi ko mawari ang nararamdaman ko, parang may ibang tao akong ini-expect.
"May ka-date ka na?"
"O-Oo..." nagsinungaling ako.
"Ha? Eh sino?"
"Ako."
Napalingon kami ni Gerard.
Si Lance. Nasa likod na pala namin ito at di ko alam kung kanina pa ba siya nandoon.
Di na niya hinayaan pang magsalita si Gerard. Mabilis niya akong hinila palayo.
Hindi pa man kami nakakarating sa classroom ay pinigilan ko na siya.
"Teka nga!" Sabi ko at binawi ang kamay na hawak niya. Nagsalubong ang mga kilay nito. "Why did you say that?" I asked.
"The what?"
"N-Na ikaw ang date ko."
"Anong mali sa sinabi ko?" He looked annoyed.
Napakamot ako sa mukha ko.
"Pero hindi ba't kakasabi mo lang sakin kahapon na kalimutan ko na kung anuman ang sinabi mo sakin?"
"Tch! You will be my date, and that's final." aniya saka ako tinalikurang nakanganga.
Siya na ang nagdesisyon? LOL! What's wrong with this man?
Naguguluhan ako sa kanya. Oo, nakaramdam ako ng tuwa nang sabihin niyang gusto niya akong maging date sa acquaintance party. Pero nangangamba akong magbago muli ang isip niya.
May pagka-bipolar pa naman ang lalaking to!
Baka bukas ay bawiin na naman niya ang sinabi niya. Kapag nangyari yun, bahala na talaga siya sa buhay niya!