DUMAAN ang ilang araw at malapit na ang Acquaintance party pero wala parin akong dress na isusuot. Maybe I'll just buy it nalang at the mall.
Pero hindi iyon ang talagang iniisip ko sa gabing iyon. Ginugulo na naman ni Lance ang isip ko. Maya maya ang balikwas ko sa kama dahil hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Kung bakit lagi siyang sumisingit sa utak ko lalo na kapag hindi ko siya kasama.
I used to get annoyed every time I was with him. Ang sungit sungit niya kasi lalo na sakin. Parang ayaw niya akong makasama. Tuloy naisip ko noon kung pangit ba ako sa paningin niya pero napatunayan ko naman ng ilang beses sa salamin na maganda ako.
But I felt strange about Lance's behavior these past few days. I was confused by his actions.
First, he gave me food that for me, was not normal because we weren't that close.
Second, he saved me when I almost got hit by a ball--which for me again--he didn't have to because I will repeat, we are not that close. And the hug, yes the hug, sinadya niya ba yon?---ay ewan!!
Third, ang paraan ng pagtingin niya kay Gerard sa tuwing magkasama kami nito. Especially that time when Gerard invited me to be his date at the upcoming party and he almost dragged me away from him. I don't want to assume but this is possible---that he was jealous!
And lastly, ang pagbawi niya sa sinabi niya nung nakaraan, kung noon ay ayaw niya akong ka-date, ngayon ay gusto niya na uli.
Ha! Ang gulo niya diba?
Ipinilig ko ng marahas ang ulo ko saka pinilit na matulog.
"HOY! Sa lab daw tayo ngayon!" anunsiyo ng bading na class President namin kinabukasan. "Hinihintay na tayo ni sir Mecantina!" tukoy niya sa guro namin sa 'GENERAL CHEMISTRY'.
Agad naman kaming tumalima. Pero hindi ko alam kung bakit ko nilingon si Lance na noon ay tumayo narin pero di nakatingin sakin.
Napabuntong hininga nalang ako saka lumabas ng room at sumunod sa mga nauna kong kaklase.
Bago kami pumasok ng laboratory ay nagsuot muna kami ng ilang PPE tulad ng lab coat, gogles, closed shoes at gloves.
Nang lahat kami ay naandon na, ay agad na nagsimula si sir Mecantina ng kanyang introduction bago namin simulan ang activity.
"Okay class, this is our first lab experiment this year. And our first experiment for today is about Hydrates and it's properties. It is possible to get rid of the water of hydration through heating the hydrate. Le Chatelier's principle said that the addition of heat to a reaction will shift to the right. Heating will take the equation of dehydration below to the right since it is an endothermic reaction. The residue obtained after heating, it is called anhydrous compound, for having a different structure and texture and have a different color than the hydrate...." Mahabang discuss nito. "Okay, pumwesto na kayo sa kanya kanya ninyong area." Tumalima naman kami at pumweso na sa harap ng mahabang table na puno ng iba't ibang equipment and materials. At doon ko lang napansing si Lance pala ang katapat ko, nasa kabilang side siya ng table at nasa sa instructor lang ang atensyon. "Kumpleto na ang mga iyan, kelangan nalang ang inyong performance at doon ko ibabase sa results ng experiment niyo ang marka niyo. Okay, let start!"
Una muna niyang pinangalanan ang lahat ng mga equipment na gagamitin namin, including crucibles, tongs, burner, test tubes, flasks, etc...
Ang sumunod ay ang paglalahad niya ng tatlong properties ng Hydrates na matutukoy sa pamamagitan ng apat na procedure. Naghanda naman kami nang i-demonstrate niya ang unang procedure at kami ay tutok sa instructions niya para sundan namin iyon.
"Reversibility of hydration, we will do the dehydration and rehydration of cobalt (II) chloride hexahydrate. If heated gently, the red burgundy will decompose into the violet to the blue anhydrous. Kapag naman ang anhydrous compound ay natunaw sa tubig,babalik lang ito sa kanyang original color which is burgundy. In an evaporating dish, gently heat a small number of crystals, hanggang ito ay magbago mula violet hanggang blue. When this color change appears to be complete, add 2 to 4 mL of water, saka obserbahan ang kulay ng natunaw na product. Then reheat the solution to dryness." Kasabay ng instructions ng guro, ginagawa naman namin ang sinasabi niya. Nang matapos ko ang gawa ko ay inilista ko ang mga detalye sa notebook ko.
"Next, Hygroscopic and Efflorescent Solids." Paglalahad naman ni sir Mecantina sa ikalawang procedure. "In this, you will observe the changes in the physical properties of compounds, including wetness, texture, mass, color, and structure. You should also decide if the compound is hygroscopic, efflorescent, or neither using the change in the mass of the substance. On an analytical balance, weigh a pea-sized sample of each of the compounds below on separate clean and dry watch glasses. Record the values as initial masses of containers and samples. Lagyan ng label at itabi ang mga ito. After an hour, i-lista ang bawat pagbabago na makikita niyo sa mga samples. Weigh the samples and record the masses as final masses. I-calculate ang bawat pagbabago sa timbang ng bawat samples. A substance is efflorescent if its mass decreases by 0.004g or more; and it is hygroscopic if its mass increases by 0.004g or more."
Sa kalagitnaan ng ginagawa, hindi ko mapigilan ang sarili kong sulyapan si Lance na seryoso at tutok lamang sa kanyang ginagawa. Kapag umaangat ang mukha nito ay agad akong tumutungo para kunwari'y tinitingnan ang sariling ginagawa.
"Next, Identification of hydrates." Patuloy ng instructor nang matapos kami.
"You will have to determine through the testing of a series of compounds, which ones are true hydrates..."
Muli kong sinulyapan si Lance. Sabihin niyo nang praning ako pero hindi ko rin alam kung bakit ako ganito ngayon.
"Lastly, Determination of the formula of a hydrate, we will determine the number of moles of water present per mole of anhydrous solid in a given hydrate. Using crucible tongs, clean a porcelain crucible and its cover using concentrated nitric acid. Pour the used nitric acid into the waste container provided. Rinse the crucible and its cover with distilled water. Set the crucible with its cover slightly open on a clay triangle and heat strongly for at least 10 minutes..."
Pagkatapos niyon ay unang lumapit ang instructor sa mga naroon sa dulo para i-check ang kanilang experiment.
Habang ako ay hinihintay pang lumamig ang pinainit kong content sa crucible, bigla nalang akong dalawin ng kuryosidad ko at sulyapan muli si Lance. Umawang ang labi ko at natulala nang mapansing nakangiti ito habang ang mata ay nasa experiment niya. Di ko alam kong anong naramdaman ko nang makita ang ngiting iyon. Palibhasa ngayon ko lang siya unang nakitang ngumiti. Nakita ko siyang ngumiti noon pero tipid at pilit, ngayon ay ngiting nagpapahiwatig na successful ang experiment niya.
Pero natigilan ako nang umangat bigla ang mukha niya at deretso ang tingin sakin.
Kaya naman nataranta ako at napahawak nalamang sa isang bagay na hindi ko man lang tiningnan, ang mainit na mainit na mainit na CRUCIBLE!
"Ahhw!" Sigaw kong hiyaw kasabay nang pagtabig ko sa isang flask dahilan para mahulog ito sa sahig at nabasag. Napaypay ko ang pasong kamay dahil sa sakit niyon.
"Anong nangyari?!" Si Gerard ang unang lumapit at hinawakan ang kamay kong may paso. Halos masunog ang gloves ko sa sobrang init ng crucible. Nag-silapitan narin ang mga naroon.
"Cat, ayos kalang?" nag-aalalang tanong ni Marie paglapit sa akin.
"Cat, tell me, what---"
Hindi natapos ang sasabihin ni Gerard nang biglang sumulpot si Lance at agawin ang kamay ko rito. "Are you okay?.." Napakurap ako nang makitang salubong ang kilay niya pero bakas sa mukha ang matinding pag-aalala. "Is it hurt?" Napasinghap ako nang hawakan niya ng dalawang kamay niya ang kamay ko at hipan ang napasong parte niyon. Natulala akong napatitig sa kanya. Nasa kamay ko lang ang tingin niya at patuloy sa pag-ihip na sandaling nakakapagpatigil sa sakit niyon.
Bumilis ang t***k ng puso ko nang makaramdam ng kuryente mula sa haplos niya. Napapalunok akong inagaw ang kamay at iniwasan siya ng tingin. Agad akong napatingin sa basag na flask.
"S-Sorry po sir, nakabasag po ako.." Hinging paumanhin ko saka akmang dadamputin sana ang mga basag nang biglang pigilan iyon ni Lance.
"Don't touch it!" Hinila niya ako patayo. "What the hell, Catalina?!" Nagulat ako sa singhal niya. "Hindi ka nag-iingat!"
Hindi ako makapagsalita. Nakagat ko nalang ang ilalim ng labi ko habang tinitiis ang hapdi at sakit ng kamay ko.
Hinawakan ni Lance ang aking braso saka bumaling kay sir Mecantina. "I need to take her to the clinic, sir."
"Go ahead, Mr. Alvarez." tugon ng guro.
"Let's go." Aniyang hindi ko maintindihan kung galit dahil nandoon parin ang kanyang pag-aalala.
Hinubad muna namin ang mga suot na protective equipments. Muli niya akong hinawakan sa pulsohan. Wala naman akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya kahit na kanina ko pang nararamdaman ang kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan.
"Oh, what happened to your hand?" the nurse asked when we arrived at the clinic.
Napansin agad nito ang namumula ko nang kamay. Agad nito iyong binigyan ng first aid.
"N-Napaso po, nurse Mica." Sagot ko saka napatingin kay Lance na salubong parin ang kilay habang tinitingnan ang ginagawa ng nurse.
Napatingin siya sakin at nagtama ang mga mata namin. Sinubukan kong labanan ang titig niya. Ilang saglit lang, bumuntong hininga ito.
"I'll just wait for you outside."
"B-Bumalik kana dun, susunod na lang ako." Sabi kong umiwas ng tingin sa kanya.
"Tch! Hihintayin kita." saka ako tinalikuran. "Tigas ng ulo..." narinig ko pang bulong niya pagkalabas. Napanguso nalang ako.
Mabilis na natapos ng nurse ang paglunas sa paso ko. Pero naroon parin ang kaunting hapdi at kirot. Nang lumabas ako ng clinic ay agad kong nakita sa labas si Lance. Kinuha niya ang kamay kong nakabenda na at tiningnan iyon.
"Masakit pa ba?" tanong niya na di pa inaalis ang hawak sa kamay ko. Seryoso lang ang mukha niyang nakatitig sakin. Bakit ba kakaiba ang dulot ng titig na iyon sa katawan ko? "Be cautious next time."
Tumungo ako para iwasan ang kanyang tingin. "M-Medyo masakit...pero di na katulad kanina."
"Let's go." Sabi niya saka hinila ako at naglakad.
Ba't may pa-holding hands pa?
Tumigil ako sa paglakad at inagaw ang kamay sa kanya. "T-Teka nga." Napatigil din siya at kunot noong napatingin sakin. "Kelangan pa ba talagang hawak ang kamay ko?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Ayaw mo bang hinawakan kita?"
"Kasi hindi naman kailangan." salubong ang kilay kong sabi.
Tumiim-bagang siya. "So kapag yung Gerard na yun ang humawak sayo, okay lang?" ramdam ko ang galit niya sa boses niyang iyon.
"A-Ano bang sinasabi mo?" sabi ko saka iiling-iling na umiwas ng tingin sa kanya.
Nagseselos ba siya?
"Do you hate me that much?"
Napatingin ako sa kanya. Natigilan ako nang makita ang lungkot sa mukha niya.
"Galit ka ba sakin?" Ulit niya.
Parang may bumara sa lalamunan ko kaya tumikhim pa ako bago magsalita. "H-Hindi."
"So bakit ka umiiwas sakin?" Aniyang bigla nalang lumapit sakin kaya napaatras ako. "Bakit parang...nailang ka bigla sakin?" palapit siya ng palapit at ako naman ay biglang nanginig na umatras.
Hanggang sa wala na akong maatrasan dahil lumapat na sa dingding ang likod ko. "Tell me, Cat..." bulong niya.
Sobrang lapit na ng mga katawan namin sa isa't isa. Tumungo pa siya para magpantay ang mukha namin kaya napalunok nalang ako nang malanghap ang maniit niyang hininga.
Nilakasan ko ang loob ko at pinakita kong galit ako sa kanya. "Bakit mo ba ito ginagawa?" Pinilit kong magmukhang galit sa kabila ng kaba sa dibdib ko. Parang tinatambol ang puso ko sa pintig nito. "N-Naguguluhan ako sa'yo.." hindi ko alam kung bakit nag-init bigla ang pisngi ko nang sabihin iyon. "Hindi kita maintindihan Lance."
Nangunot ang mga kilay niya. "What do you mean?"
"Noon, inis na inis ka sa tuwing kasama mo ako. Ipinararamdam mo lagi sakin na ayaw mo akong kasama." Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit tila may hinanakit akong nararamdam nang sabihin ko iyon. "Tapos ngayon, bigla nalang nagbago ang treatment mo sakin...like… you c-care---"
"Ikaw naman ang may kasalanan nito eh."
Bigla siyang ngumiti at hindi ko iyon maintindihan.
Hindi ko hinayaang madala sa ngiting iyon na ngayon ko lang nakita. Hindi ito yung ngiti niya kanina sa lab. Ito yung ngiting para sakin niya ibinibigay.
Ipinilig ko ang ulo ko. "A-Anong ako ang may kasalanan?" Naguguluhan kong tanong.
"Kakaiba kasi yang titig mo sakin eh." Malambing niyang tugon at bigla nalang nanghina ang tuhod ko nang dumaplis ang daliri niya sa noo ko nang hawiin niya ang ilang hibla ng buhok na nakakakalat doon. "The way you look at me. I can't explain it. It feels like you're owning me. At ilang beses na kitang nahuhuling nakatitig sakin."
Inirapan ko siya. "Kapal." bulong ko.
He chuckled.
Muntik na akong mapangiti ng makaramdam ng kiliti matapos marinig ang kanyang tawa. Halos masugatan ko ang ilalim ng labi ko para lang pigilan iyon. Hindi niya dapat maramdaman na sobrang laki ng epekto niya sa katawan ko.
"Bakit hindi ba?" Hamon niya.
"H-Hindi naman talaga.." Sinamaan ko siya ng tingin. Para akong kuting na nag-aastang lion para hindi niya malaman ang kahinaan ko.
"E ano yung ginawa mo sa lab?" Namilog ang mga mata kong napatingin sa kanya. Nakangisi na ito para asarin ako. "Hindi ba't napaso ka at nahulog mo ang flask na yun dahil sa gulat mo matapos kitang mahuling nakakatitig sakin?" Nanunudyo ang ngiti nito na sa loob loob ko ay hindi ko na makayanan. Tila may lumilipad na paro-paro sa aking tiyan sa tindi ng kilig ko dahil lang sa ngiting iyon.
Nakagat ko nalang ang labi ko kasabay ang pag-init ng pisngi ko dahil sa hiya.
Napatungo ako. Naglakas loob akong maging seryoso at galit nang muli akong tumingin sa kanya. "H-Hindi kana nakakatuwa." Sabi ko at natigilan naman siya. "Pinaglalaruan mo ba ako, Lance?"
"No." Mabilis niyang tugon. Kunot ang noo. Napakalikot ng mata nito na halatang nililibot ang lahat ng parte ng mukha ko.
"E bakit mo nga to ginagawa sakin---"
"Cause I like you..."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"H-Huh?" utal kong usal.
"I like you."
I like you
I like you
I like you
I like you
Lagot na! It's like echoing in my ear over and over again.
"I don't know why and when it started. Basta naramdaman ko nalang na ayukong masaktan at mapahamak ka. Na naiinis ako kapag kasama mo si Gerard. Ilang beses ko iyong pinag-isipan at pinigilan, pero sa tingin mo lang, para akong nawawala sa sarili ko..."
Mas lalong dumoble ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Di ako makapaniwalang nangyayari to.
"And I know... you like me too."
"Haaaaaa?????????" Ganon nalang kahaba ang naiusal ko dahil sa gulat sa kanya.
"I know you like me too." Inulit pa. At ang tamis pa ng ngiti nito na mas lalo kong hindi inasahan kaya nanghina nang tuluyan ang tuhod ko.
Kinalma ko ang sarili ko. "Paano mo naman nasabing gusto rin kita?"
"I can feel it. Kung gusto mo, alamin natin kong tama nga ako."
"A-Anong 'alamin natin' ang pinagsasabi mo?.."
Bigla nalang niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko na siyang ikina-singhap ko. Naaamoy ko na ang hininga niya. "Let's see how will you react when I kiss you."
Nahugot ko ang hininga ko nang bumaba ang tingin niya sa labi ko at dahan dahan niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Marahas kong naipikit ang mata ko at naikuyom ang aking mga kamay.
"Hoy!"
Mabilis kong naitulak si Lance nang marinig ang sigaw na iyon.
"Oras ng klase pero nandito kayo at naglalampungan?!" Galit na sabi ng isang baklang guro na napadaan doon. Napatungo nalang ako habang kagat ang labi sa kahihiyan. "Tsk tsk tsk...mga kabataan talaga ngayon. Whoo!!! Juskolord!!!" Aniya pa saka kami nilampasan.
Tinalikuran ko na agad si Lance at patakbong lumayo roon.
"Cat!" Narinig ko pang sigaw niya. Pero hindi ko na siya nilingon. I felt so embarrassed.
Hindi ko na alam kung anong susunod kong gagawin. At mas lalong hindi ko na alam kong kaya ko pa bang harapin at tingnan si Lance lalo pa't nagtapat siya ng pag-tingin sakin.