KINABUKASAN, halos hindi na ako lumingon saan mang anggulo para lang hindi magkasalubong ang mga paningin namin ni Lance. Pagkatapos ng nakakahiyang pangyayari kahapon ay hindi ko na kayang tumingin pa sa kanya. Mas lalo akong kinakabahan kung sakaling magkita kami ng guro na nakakita sa amin kahapon at i-report kami sa dean. "Okay ka lang Cat?" Tanong ni Aiah nang naroon kami sa Canteen. Naka-upo na kami at naka-order narin. At tulad ng dati, kami parin ni Lance ang magkatabi kaya naman ganon nalang katindi ang ilang ko dahil naroon siya sa tabi ko. "Hoy!" "H-Ha?" biglang tanong ko kay Aiah nang magising sa pagkatulala. Sa dami kong iniisip ay hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi ni Aiah. "Ay lutang?...Ano bang nangyayari sayo teh? May problema ka ba?" Sunod sunod na tanon

