“ARE you sure, you're going there alone?” Tanong ni Daddy nang maghanda na ako sa pagpunta patungo sa America para puntahan si Lance. Nakipagsapilitan pa akong humingi ng leave sa trabaho ko. Ayaw sana akong payagan ni Chief Engineer dahil kailangan niya ako para sa ongoing projects namin. Sa huli, napapayag ko rin siya. Ang rason ko? ‘Kung ayaw niyo akong bigyan ng leave, magre-resign na lang ako. Wala akong pakialam kung hindi niyo na ako pababalikin, mas importante sakin ang boyfriend ko!’ Akalain mo nasabi ko yun. Sa harap pa talaga ni Engineer Callejo. Pero ang tumatak sa utak ko nang mga sandaling iyon ay ang itsura niya nang payagan niya ako. ‘Fine! Do what you want! But you have to come back here after three days, understand?’ Huh? Ba’t parang galit siya? Bigla na lang s

