LANCE I inhaled the breeze of the air that I missed when I got off the plane. Kakabalik ko lang ng Pilipinas. At nanibago ako sa dami ng pagbabago. Welcome home. Sa isip ko. Pagkagraduate ko pa lang ng elementary ay sinundo na ako ng aking Lolo Damian, my Mom's father, papuntang America upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Sa US ako nag-aral ng High School. Tuloy tuloy sana iyon hanggang kolehiyo pero dahil sa isang pangyayari ay nagpasya akong umuwi upang dito na lang mag-aral ng Senior High. "It's good to see you again, apo." ani lola Lucia nang makauwi ako sa mansyon. "I missed you, Lola." sabi ko nang nakangiting magbeso. Yumakap rin ako kay lolo Larry. At siyempre, to my parents. "I missed you anak.." naluluhang turan ni Mommy. Ngumiti lang ako at hinalikan siya sa pi

