CHAPTER 27

3078 Words

Nakakasilaw na puting ilaw ang kaagad kong nasilayan nang imulat ko ang aking mga mata. Saka ko lang napagtantong nasa loob ako ng isang puting kwarto. Saka ko lang din napansing nakahiga ako. Dahan dahan akong bumangon at agad akong napangiwi nang maramdaman ang sugat ko sa aking likuran. Nakaupo akong inilibot ang paningin sa kwarto. Kung hindi ako nagkakamali, nasa hospital ako. Tila nahihilo ako at bahagyang sumasakit ang ulo ko. Pakiramdam ko ay napakatagal kong nakatulog. Ngunit natigilan ako nang bumalik sa akin ang mga nangyari nung gabing iyon. "L-Lance." Sinikap kong bumaba sa aking kama. Tiniis ko ang kirot ng aking sugat nang tuluyan akong makatayo. Lumabas ako dala ang aking swero at hinanap si Lance. "Lance!" tawag ko sa kanya. Pinuntahan ko pa ang bawat kuwar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD