"Babe," aniya pero agad namang napaatras ang kanyang fiancee nang akma sana niya itong hawakan sa braso. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na ex-girlfriend mo pala siya? Bakit? Dahil ba hanggang ngayon, hindi ka pa handa para tawagin siyang ex-girlfriend mo na?" Kitang-kita sa mukha ni Janinne ang galit na nararamdaman nito para kay Roniel habang si Roniel naman ay sinisikap na gawing malamig ang temperatura sa pagitan nilang dalawa. "Tapos na kami, bakit kailangan pang ungkatin ang bagay na 'yon?" "Nakita kayong magkasama ng kagabi tapos sasabihin mong tapos na kayo?" "Bakit ba napaka-big deal sa'yo ang bagay na 'yan? Nakipag-ayos lang ako sa kanya at wala nang iba pa." "Siguraduhin mo lang, Roniel," may himig nang pagbabantang saad ni Janinne, "Aalalahanin mong nang dahil sa akin, na

