Chapter 1
Agad na nagsitayuan nang maayos ang mga empleyado pati na rin si Wendell sa labas ng kanilang kompanya nang pumarada na ang black car na sinasakyan ng kanilang CEO at mula sa driver seat agad na lumabas ang driver na si Lando para ipagbukas ng pinto ang kaisa-isang tagamana ng JK corporation kung saan halos isang libo ang mga empleyadong mayroon ito hindi pa kasali ang iba pa nitong branches na nakatirik sa iba't-ibang panig ng mundo.
Napayuko si Lando matapos niyang ipagbukas ng pinto ang amo bilang paggalang dito at agad naman itong lumabas sa kotse.
He is the youngest CEO of JK CORPORATION, one of the biggest company in the country which owned by his family.
Cedric Agustin, 35 years old, a bachelor.
He's wearing a sport jacket at pinailaliman niya ng isang botton-up collared shirt na may kasamang windsor knot-tie, tinernuhan niya ito ng black casual trouser at oxford shoes. Bagay din sa suot niya ang kanyang ginamit na socks at kasing kulay din ng kanyang suot na sapatos ang ginamit niyang belt.
His side part hair cut with modern pompadour makes him more attractive.
Cedric is a sympathetic man but he looks very cold in his outward appearance.
Bihira lang ngumingiti at madalas napakaserysoso niyang tingnan.
Other people call him a psycho dahil na rin sa kanyang ugaling ipinapakita. Sometimes, he is a loner. Hindi siya mahilig sa mga party at gig ng mga kaibigan. Mas gugustuhin pa niyang ubusin ang oras niya sa kanyang pagiging CEO.
He is hard to be with for those who didn't know him yet. Cold man siyang tingnan pero deep inside, mabait siyang tao.
"Good morning, Mr. Ceo," bati ng lahat sa kanyang habang nakalinya ang mga ito sa gilid ng kanyang dadaanan.
Iginagalang at kinatatakutan siya ng lahat dahil sa pagiging strict boss niya.
Konting pagkakamali lang ng kanyang empleyado, makakatikim kaagad sa kanya. Ganyan siya pero hindi naman siya naging madamot sa mga ito.
Papasok na siya ng kompanya at sumunod naman kaagad sa kanya si Wendell na nasa pinakadulo tumayo kasama ang iba pang mga empleyado.
Habang naglalakad si Cedric ay inabot sa kanya ni Wendell ang isang folder na naglalaman ng kanilang magiging agenda sa gagawin nilang business meeting ngayong araw na 'to together with their investors.
Agad naman niyang tinanggap iyon at binasa habang naglalakad.
"Mr. CEO, Mr. Chow called this morning informing that he can not attend the meeting because he has an important matter to do but he sent his secretary to be here on behalf of him," balita ni Wendell sa kanya habang abala siya paghahalungkat ng hawak niyang folder.
"Okay," tanging salitang namutawi sa kanyang bibig.
"Is everything already prepared for this meeting?" tanong naman niya.
"Yes, Mr. CEO," masiglang sagot ni Wendell.
Pagpasok niya sa conference room ay halos nandu'n na lahat ng mga investors nila at naghihintay sa kanyang pagdating.
"Well, sorry for being late. Let's start the meeting," aniya saka siya umupo sa pinakadulo habang nakatingin sa kanya ang lahat.
Nagsimula na sila sa kanilang meeting. Ang dami nilang tinalakay nang mga oras na 'yon habang si Wendell naman ay nanatili lang na nakatayo sa gilid ng loob ng conference room at naghihintay na tawagin niya kung sakali mang may kailangan siya.
"We are happy to know that our sales for this year have its increase," nakangiting sabi ni Mr. Helaros.
"We're hoping that the progress of our company will continue, Mr. Agustin," saad naman ni Mr. Tuazon.
"As long as the company is on my hands and with your cooperations, please be assured that everything will be fine," pahayag ni Cedric sa mga ito na siya namang ikinatuwa ng lahat.
"And we promise that the money you've been invested in our company will not be in doom," dagdag pa niya na siyang lalong ikinatuwa ng mga ito.
Matapos ang meeting ay heto na naman si Cedric sa loob ng kanyang opisina, abala sa kahahalungkat ng mga important documents about their company nang biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang opisina.
"Please, come in," aniya habang nakatuon ang kanyang mga mata sa kaharap niyang documents.
"Mr. CEO?"
It's Wendell, his secretary!
Since, familiar na sa kanya ang boses nito, hindi na siya nag-abala pang mag-angat ng mukha para tingnan ito.
"Is there something you need?" tanong niya rito habang patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawang paghahalungkat ng hawak-hawak niyang mga documents.
Mula sa bulsa na suot na uniporme ni Wendell, dinukot niya doon ang isang puting sobre at dahan-dahan niya itong inilapag sa mesa ni Cedric, sa harapan nito mismo.
Napatingin si Cedric sa sobreng inilapag ni Wendell sa kanyang mesa kaya doon na siya nag-abala pang tapunan ito ng tingin.
"What is this?" tanong niya sa kanyang secretary habang nakayuko itong nakatingin sa kanya.
"M-my resignation letter," medyo natatakot pa nitong sagot.
Dahil sa narinig, agad na binuksan ni Cedric ang sobre at binasa niya ang laman nito. Resignation letter nga!
"Why?" tanong niya rito sabay tingala sa kausap.
"It happened that the company where my husband working at wanted him to transfer to their other branch which is located outside the country. It's Canada. He wants me to go there with him and I don't want to be separated from him also so, I agreed. I hope you will give it a consideration, Mr. CEO," pahayag ni Wendell.
Muli siyang napaangat nang mukha at napatingin siya nang deritso sa mukha ng kanyang secretary.
"Is there something that I can do to stop you from leaving?" tanong niya rito pero yumuko lamang si Wendell senyales na kahit ano pang gawin niya, buo na ang desisyon nito.
"I am very sorry, Mr. CEO," paghihingi nito ng paumanhin.
Napabuntong-hininga na lamang si Cedric. Ano pa nga ba ang magagawa niya?
Wendell is the most trustworthy secretary he ever had. Since she became his secretary for almost 6 years, hindi na niya kailangan pang mag-aalala dahil inasikaso na nito ang lahat.
Walang problema pagdating sa lahat ng bagay na nasa office niya kaya naging panatag ang kanyang kalooban para rito.
Pero, wala na siyang magagawa para pigilan ito sa pag-alis. Sino ba naman siya para pigilan itong sumama sa asawa nito kaya kailangan na rin niya itong ibigay ang hinihingi nitong kalayaan.
Pumayag siya, oo pero hindi ganu'n 'yon kadali. Dahil isang trustworthy klaseng secretary si Wendell, binigyan niya ito ng isang gawain bago ito tuluyang makaalis sa kanyang kompanya.
Magha-hire sila ng panibagong magiging secretary niya pero si Wendell ang dapat na kikilitis sa mga mag-a-apply. She will be one of those interviewers for all the applicants para sa iiwanan niyang position sa kompanya.
Nakailang applicants na ang na-interview nila ng araw na 'yon pero sadyang walang pumasa sa taste ni Wendell, sumasang-ayon naman sa kanya si Cedric dahil alam naman ni Cedric kung anong klaseng secretary siya.
"Next, Nayume Buenavista," tawag ni Wendell sa susunod na aplikante.
"Hello, good day everyone. I am Nayume Buenavista, 28 years old-----"
Natigilan si Nayume sa pagsasalita nang dumako ang mga mata nito sa aroganteng si Cedric.
Napaawang ang kanyang mga labi, aminado siyang unang kita pa lang niya rito, may kung anong spark na siyang nararamdaman kaya hindi niya napigilan ang sariling mapatulala.
"Ms. Buenavista?" tawag sa kanya ni Wendell.
"Y-yes?" natataranta pa nitong sagot sabay baling ng tingin kay Wendell.
"You don't have any experience about this job, how can we assure that you can do your work well as a secretary?"
"It's true that I don't have any experience about this job but if ever you will give me a chance, I promise, I will give my best to make you satisfied with my performance and I will never let you down," taas noo pa niyang sagot.
Tumangu-tango lamang si Wendell, habang hindi maiwasan ni Nayume ang tapunan ng tingin si Cedric na nayuko habang nakatingin sa resume niya.
Marami pang ibanatong tanong si Wendell dito at maayos naman nitong nasagot ang lahat hanggang sa natapos na rin sila sa pag-i-interview sa lahat ng kanilang mga aplikante.
"So, what is your decision?" tanong ni Cedric kay Wendell habang iniisa-isa pa nitong tingnan ang mga profile ng ibang aplikante.
"I want her, Mr. CEO," sabi niya saka niya inabot kay Cedric ang isang resume na siyang tinutukoy niya.
"Ms. Buenavista?" kunot-noong tanong ni Cedric.
Marahan namang tumangu-tango si Wendell bilang pagsang-ayon.
"She's honest, humble and straight to the point kung magsalita. I saw myself in her. There is no doubt, she's the one you need, Mr. CEO."
Napaangat ng mukha si Cedric at napatingin siya kay Wendell dahil sa huli nitong sinabi.
Wala man siyang imik, alam ni Wendell na wala siyang pagtanggi sa mga sinabi nito.
Tunog ng phone ni Nayume ang nagpagising sa mahimbing niyang tulog nang mga oras na 'yon. Nang nakauwi kasi siya galing sa interview niya ay nakatulog na siya kaagad pagkarating niya sa bahay na tinutuluyan niya dahil sa pagod.
Kinapa-kapa pa niya ang phone na nasa ilalim ng kanyang unan niya inilagay saka niya ito sinagot.
"Yes?" tanong niya nang masagot na niya ito.
"Ms. Buenavista, I am Wendell Santos from JK CORPORATION. I just want to inform you that you are now hired in our company as a secretary and you will start to work the day after tomorrow."
Halos mapasigaw na sa tuwa si Nayume pero nang sumagi sa kanya ang isang bagay ay muli siyang natahimik.
"Thank you so much, Ms. Santos," aniya saka dahan-dahan niyang ibinaba ang phone saka siya tumalon-talon sa ibabaw ng kanyang higaan dahil sa wakas may trabaho na rin siya.