"This will be your table," sabi ni Wendell habang nag-iikot sila sa loob ng kompanya upang maging familiar na sa kanya ang lahat.
"Thank you po," nakangiti niyang sabi rito.
"Welcome. If you have any confusion about something just ask me---- I mean, just ask your colleagues about it, okay?"
Marahan siyang tumangu-tango habang nasa mga labi niya ang ngiti.
Ang dami pang iniwan sa kanya ni Wendell, marami rin itong iniwang paala-ala na dapat niyang tatandaan palagi.
Ipinakilala na rin siya nito sa mga magiging ka-workmate niya sa kompanyang iyon kaya kahit papaano'y may mga nakikilala na rin siya sa mga ito.
Tomorrow will be the formal start of her job as a secretary. Ngayon pa lang ay talagang kinakabahan na siya.
She has no background about this field pero gagawin niya ang lahat para magiging maayos ang kanyang trabaho at bago pa man siya iniwan ni Wendell, tinuruan muna siya tungkol sa mga bagay-bagay na kailangan niyang gawin at tungkol sa mga bagay na hindi niya dapat gawin.
"Thank you for being a secretary to me, Ms. Santos," saad ni Cedric nang magpaalam na si Wendell sa kanya.
"Thank you din po, Mr. CEO. I am glad to be part of your company," nakangiti nitong sabi.
Pagkatapos nitong magpaalam ay tuluyan na itong umalis sa kanyang kompanya.
Hindi niya alam kung ano ang magiging buhay niya sa panibagong secretary niya ngayon. Sana katulad din ito ni Wendell.
Kinakabahang paulit-ulit na kumawala ng malalalim na buntong-hininga si Nayume habang nasa harapan siya ng kompanya kung saan siya magsisimulang magtatrabaho bilang isang secretary.
Papasok na sana siya sa loob nang biglang may itim na sasakyan ang huminto sa tapat ng kompanya.
Napatingin siya sa ibang mga empleyadong nandoon na dali-daling nagsitayuan na magkakatabi.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin, hindi ito naituro sa kanya ni Wendell bago ito umalis kaya napalingon-lingon tuloy siya sa mga nandu'n na siya namang paglabas ng taong may sakay sa bandang likuran ng kotse matapos itong ipagbukas ng driver.
At laking gulat niya nang makitang ang CEO pala ng kompanyang pagtatrabahuan niya ang may sakay nu'n na siyang magiging boss niya.
Bago pa man siya nakita ni Cedric na nakatayo pero hindi kasali sa mga pumila ay agad siyang hinila ng isa sa mga empleyadong nandu'n na nakatayo rin kasama ang iba pang mga empleyado.
"Good morning, Mr. CEO," bati nang lahat sa kararating lang na boss sabay yuko bilang paggalang dito.
Napatingin si Cedric kay Nayume nang makita niya itong nanatiling nakatayo at ni hindi man lang yumuko bilang pagbati sa kanya at para bang naguguluhan pa kung ano ang dapat nitong gawin kaya nagmamasid pa sa mga kasama.
Nang mapatingin si Nayume sa kanya ay nanlaki ang mga mata nito sabay yuko na tila na nahihiya pa.
Dahan-dahan siyang lumapit dito habang nanatili ang kanyang mga mata rito.
Nang nakalapit na siya rito ay saglit siyang napahinto saka niya pinagmasdan nang maigi ang bago niyang sekretarya habang si Nayume naman ay kumakabog na ang kanyang dibdib sa kaba na baka magalit ito sa kanya dahil hindi niya nasunod ang mga palatuntunan sa kompanyang 'yon.
Nakahinga ng maayos si Nayume nang dahan-dahang inihakbang ni Cedric ang mga paa nito paalis.
Napatingin siya sa babaeng humila sa kanya kanina nang bigla ba naman siyang siniko nito at sinenyasan siyang sumunod kay Cedric kaya dali-dali naman siyang umayos ng tayo saka sumunod siya kay Cedric.
Pagdating nila ng elevator ay siya na ang kusang pumindot dito at agad naman itong bumukas.
Agad na pumasok si Cedric at nanatili si Nayume sa labas ng elevator kaya napatingin sa kanya ang binata na magkasalubong na ang kilay.
"Papasok ka ba o hindi?" sarkastiko nitong tanong sa kanya.
"Po?" gulat na tanong ni Nayume saka siya nagpalingon-lingon sa kanyang likuran pati na sa kanyang gilid sa pagbabasakaling hindi siya ang kinakausap ng kanyang boss pero bago pa man niya napagtantong siya nga ang kinakausap nito ay bigla siyang hinila ni Cedric papasok ng elevator na siyang ikinagulat niya ng labis.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, napasubsob ang mukha niya sa dibdib nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakaawang ang kanyang mga labi. Kumabog ng kaylakas ang kanyang dibdib sa kakaibang sensasyong bigla na lamang niyang nadama ng biglang dumikit ang katawan niya aa katawan ng binata.
"Stay away," mahinang sabi ni Cedric dahil deep inside, may kakaiba siyang nadarama nang biglang napasubsob sa kanya si Nayume pero pilit niyang binalewala ang lahat nang 'yon.
Nahihiya namang nailayo ni Nayume ang kanyang sarili mula sa binata na nanatili pa ring matikas ang pagkakatayo nito at taas noo pang nakatingin sa may pintuan ng elevator na para bang hindi ito apektado sa nangyari.
Agad siyang lumayo at tumayo sa may bandang likuran nito.
"Sorry po, Mr. CEO," paghihingi niya ng depensa.
"Have you taken a look at my schedules today?" tanong ni Cedric habang nakatuon sa unahan ang kanyang mga mata.
Dali-daling binuklat ni Nayume ang hawak niyang folder.
"May lunch meeting po kayo together with Mr. Gonzales, Mr. CEO and after that, you have an appointment with Mr. Ramos at Elizar's restaurant," sabi niya kaagad.
"Okay," tanging salitang namutawi mula sa kanyang labi.
Hindi akalain ni Nayume na ganito pala kausap ang bago niyang boss. Napakatipid sa mga salitang binibitawan.
"Good morning, Mr. CEO," halos sabay-sabay na bati ng mga empleyado nang pumasok na sila.
Wala itong imik, diri-diretso lang ito sa paglalakad papunta sa office nito pero bago pa man ito tuluyang nakapasok sa loob ng office nito ay binalingan muna nito si Nayume.
"Don't forget to bring my coffee," sabi niya saka na siya tuluyang pumasok sa kanyang office.
"Yes, Mr. CEO," pahabol na sabi ni Nayume.
"Kumusta?" tanong sa kanya ni Jenny nang nakaalis na si Cedric at nakapasok na ito sa loob ng opisina nito.
"Okay lang," sagot naman niya kaagad.
"Mabuti naman kung ganu'n, oh siya ang kape niya huwag mong kalimutan," saad naman sa kanya ni Antonette.
"Ay, oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan," aniya saka dali-dali siyang pumunta sa kitchen area at dali-daling gumawa ng kape gamit ang coffee maker na nandu'n.
"Ayaw niya ng sobrang tamis na kape, ayaw din niya ng sobrang tapang. Ayaw niya ng creamy," naalala niyang bilin sa kanya ni Wendell.
Matapos niyang gawin ang kape ay agad siyang pumunta sa office ni Cedric at bago pa man siya kumatok ay nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga.
Nang kumalma na siya ay agad na siyang kumatok sabay bukas sa pinto.
"Mr. CEO, nandito na po ang kape niyo," sabi niya saka dahan-dahan niyang inilapag sa mesa nito ang dala niyang kape.
"Why'd it took so long for you to bring my coffee?" tanong nito habang nanatili ang mga mata nito sa hawak-hawak na mga documents.
"Sorry po."
Napapiksi na lang bigla si Nayume nang pabagsak na inilapag ni Cedric ang hawak-hawak niyang mga documents sa mesa.
"Did Wendell forget to tell you what I hate most of all is 'yong pinaghihintay ako?" pagalit nitong tanong at diretso siya nitong tiningnan sa mga mata kaya napayuko na lamang siya dahil na rin sa hiya na nadarama.
"Is there any monkey business out there na mas inuna mo kaysa sa kape ko?"
Hindi nakaimik si Nayume dahil aminado naman talaga siyang may mali siyang nagawa pero ang ipinagtataka lang talaga niya ay kung bakit ganito 'to ngayon kung makapag-react.
Hindi naman lalagpas sa 10 minutes ang ikinatagal niya pero bakit ganito na lang 'to kung magalit?
"Sorry po. Hindi na po mauulit," nakayuko pa rin niyang sabi.
"Get out," malamig nitong sabi saka muli nitong kinuha ang documents na nasa ibabaw ng mesa na pabagsak niyang inilapag doon kani-kanina lang.
Umatras siya bago siya pumihit patalikod at nang akma na sana niyang ihakbang ang kanyang mga paa palabas ng office nito ay muli itong nagsalita.
"Don't you have a plan to take this coffee away from me now?" sarkastiko nitong tanong.
Muling napapihit paharap si Nayume kay Cedric.
"Sorry po," aniya saka dali-dali niyang kinuha ang cup na may lamang kape na ginawa niya para rito saka na siya tuluyang lumabas ng office nito.
Napasandal na lamang si Cedric sa kanyang inuupuang swevil chair nang tuluyan nang nakalabas si Nayume.
Talagang kumukulo pa rin ang dugo niya dahil sa katangahan nito. First day nito ngayon and he was expecting her good performance pero mukhang kabaliktaran ang nangyari.
Napailing na lamang siya. Hindi niya aakalain na ang bagong secretary na pinili ni Wendell para magiging kapalit nito ay ibang-iba sa personality nito.
Matatagalan pa kaya niya ito?
Nanlulumong napasandal na lamang si Nayume sa kitchen sink matapos niyang ilagay sa ibabaw ng kitchen sink ang ginawa niyang kape para sa kanyang boss.
"Nayume, anong ginawa mo? Ba't ang tanga-tanga mo?" panenermon niya sa kanyang sarili.
Parang gusto yata niyang umiyak. Unang araw pa naman ng kanyang trabaho tapos ito pa 'yong mangyayari sa kanya ngayon.
What a bad day ever!
"Nakita mo na ba ang bagong secretary ni Mr. CEO? Paano siya natanggap?"
Narinig niyang tanong ng isa katrabaho niya na papalapit sa kitchen area na kinaroroonan niya.
"Mukhang hindi naman siya magaling, eh," segunda naman ng isa pa.
"Kaya nga nakapagtataka kung bakit siya natanggap."
"Baka may connection sa loob," saad ng isa.
"Hindi kaya, kakilala siya ni Wendell?"
"Sa tingin ko------" Hindi na naituloy pa ng isa ang sasabihin pa sana nito nang pagpasok ng mga ito ay nakita siya kaagad na nakatayo at nakasandal pa rin sa kitchen sink.
"Hi," nahihiyang bati ng isa sa kanya.
"Hello," sagot naman niya kaagad sabay ngiti sa mga ito kahit na ang totoo, masama ang loob niya.
Napagalitan na nga siya ng kanyang boss, heto pinagchi-chismisan pa sa mga katrabaho niya.