"Yes! I really want to get married with the woman I love," aniya na siyang lalong nagapaiba sa nararamdaman ni Nayume. "So, ibig sabihin hindi ako ang mahal mo?" tanong nito kasabay ng pagdaloy ng mga luha ng dalaga sa magkabila nitong pisngi. Napangiting inabot ni Cedric ang kanyang phone na nasa isang table na malapit sa kanya saka niya in-open ang camera nu'n saka niya iniharap kay Nayume. "Nakikita mo ba ang babaeng 'yan?" tanong niya habang hawak-hawak niya ang kanyang phone na nakaharap sa umiiyak na dalaga. Agad namang umiwas ng tingin si Nayume sabay pahid sa kanyang mga luha habang nakatingin sa ibang side ng kwarto. "Gusto kong magpakasal pero hindi kay Keira kundi sa babaeng 'yan." Nagtatakang napatingin ang dalaga kay Cedric at nasa mukha niya ang g**o habang pilit na i

