"M-Mr. CEO?" gulat na tanong niya sa bisitang kararating lamang sa labas mismo ng bahay na kanyang tinutuluyan. May kung anong tuwa ang bigla na lamang sumibol sa kanyang puso ng mga oras na 'yon. Nanatiling nakatingin sa kanya ang binata na katulad niya ay labis ding natutuwa nang makita siya. Kauuwi pa lamang niya galing ng America pero agad siyang dumiretso sa bahay kung saan niya makikita ang babaeng halos mag-iisang buwan na rin niyang hindi nakikita. "K-kailan pa po kayo n-nakabalik?" tanong niya sa kanyang boss. Hindi umiimik ang binata dahil lang sa totoo, gustong-gusto na niyang yakapin ang dalaga na walang araw na hindi niya ito naiisip. "Mr. CEO, may problema ba?" nagtatakang-tanong ng dalaga nang wala pa rin siyang natanggap na tugon mula rito. Dahan-dahan niyang iniha

