Nakita ko ulit silang magkasama, naiinis na ako sa sarili ko dapat hindi ko na ito maramdaman eh! Nang makita ko silang dalawa sa hallway. "Hon, let's go?" aya niya sa akin at humawak sa braso ko. "Tara!" aniko sa kanya at lumakad na kaming dalawa nasalubong pa namin ang dalawa na nag-uusap. "Pangit?" tawag ni George sa dati kong girlfriend. "Oh!" sambit ni Kecha. Parehas sa tawagan namin tinagalog lang. "Naiinis ako sa natatanaw ko," bulong ko na lang padabog na pumasok ako sa driver seat ng sasaktan ko. "Hon, problema?" tanong niya sa akin iniwas ko ang mukha ko nang hahawakan niya ito. "Wala, hon." sambit ko na lang at pinaandar ko ang sasakyan. Naiinis pa rin ako sa tuwing hinahatid siya ng mokong na 'yon sa bahay niya. Nang hinatid ko siya sa kanila hindi ako magtatagal g

