After 3 hours Nang tumunog ang bell ng school namin lumabas na sa classroom ang professor namin. Nakita ko pa naunang tumayo ang ex ni Kecha at ang girlfriend nito. Akala mo kung sino hindi naman gwapo kung ako siya hindi ko iiwanan si Kecha mahal ko siya. Tumayo na ako at lumakad palabas ng classroom. Ngumiti pa sa akin ang kaklase kong babae at ginantihan ko siya ng ngiti. Pinuntahan ko siya sa classroom niya. "Pangit!" tawag ko sa kanya nang makita ko siya lumalabas sa classroom nila. "Oh!" aniya nang makita niya ako at ngumiti na lang siya sa akin. "Kanina pa kita hinihintay dito," aniko sa kanya ang ganda niya talaga sa paningin ko. Lumapit siya sa akin at ngumiti ako sa kanya. "Sorry, matagal ang klase namin sa huling subject namin nainip ka ba?" hinging paumanhin niya sa

