Kinabukasan, hindi ako sumabay sa dalawang kaibigan na pumasok sa school namin. Dumaan muna ako sa supermarket para bumili ng groceries namin sa bahay. Ginamit ko ang kotseng niregalo sa akin ng magulang ko. Pagkabili ko inuwi ko muna sa bahay ng ipapasok ko pinamili sa gate may napansin akong paper bag sa gilid ng halaman. Nakalimutan itapon ni manang? Pinasok ko muna ang pinamili ko sa loob ng bahay bago ko binalikan ang nakita kong paper bag. Mabango.. Binuklat ko ang paper bag at nakakita ako ng dress inamoy ko pa. Mabango.. May nakita akong nakatuping papel kumunot ang noo ko. Kung hindi basura 'to, sino ang nag-iwan nito? Binuklat ko ang papel at nakita ko ang nakasulat. K Para sa iyo, mag-iingat ka palagi. Ang sulat handwriting na 'to, alam na alam ko kung kanino. Jong!

