Kecha POV "Eomma, baegopayo." ungot ng anak ko sa akin nang makarating kami sa kusina. (Mommy, I'm hungry.) "Sige," aniko at saka kumuha ng noodles sa dalang plastic bag na nabili namin sa labas ng airport. Kumuha ako ng mangkok at chopstick at inilagay ko ang noodles na ininit ko sa kalan. "Sa taas na ako dederetso i-aakyat ko ang mga maleta natin," sabat niya at inakyat niya ang mga maleta sa kwarto. "Sige," sambit ko humalik sa labi niya. Naiwan kami sa kusina ng anak ko nang dumating ang katulong ng bahay namin. "Bumalik kayo, hindi namin alam dadating kayo pasensya kung wala kayo naabutan." bungad ng katulong na may dalang bayong. "Ayos lang, manang kamusta ang bahay?" tanong ko sa katulong. "Isang araw nang wala na kayo nina sir Jong dito sa bahay may nag-puntang lalaki at

