Jong POV Kaagad ko pinarada ang sasakyan ko sa parking lot ng departure area. Tinawagan ko ang naging kaibigan ko dito na siya muna ang mag-alaga sa sasakyan ko. Lumabas ako sa sasakyan at inayos ko ang nagusot kong damit. Nilabas ko mula sa trunk ng sasakyan ang dala kong maleta at sinara ko. Hinila ko ang maleta at lumakad na ako papasok sa loob ng departure area hinanap ko ang mag-ina ko. "Daddy!" sigaw ng boses mula sa malayo at napalingon ako at nakita ko ang mag-ina ko. "Ready?" bungad ko sa kanilang dalawa pagka-lapit ko. "Uuwi na ako sa bahay, mom at dad." wika ng anak ko napatingin ako sa asawa ko. "Hindi mo sinabi?" tanong ko. "Oo." ngiting aniya napa-buntong hininga na lang ako pa-surpresa talaga siya. "Sasama ka sa amin ng mommy mo, 'nak." aniko sa anak namin nang hawak

