Kecha POV Habang nagmamaneho ang driver napansin ko na tahimik ang anak ko kaya hinawakan ko ito sa balikat. "Anak?" tawag ko. "Why?" tanong niya nang mapatingin sa akin. "May problema ba?" tanong ko naman kaagad. "Wala po, mom." aniya sa akin at umiwas siya ng tingin. "Sasaya ka na, 'nak." aniko na lang. "Bakit po hindi sumama sa atin sila grandpa at grandma?" tanong niya nang tumingin sa akin. "Malulungkot sila eh!" sambit ko naman. "Bakit naman sila malulungkot?" takang tanong niya. Hindi ako sumagot tinapik ko na lang sa balikat ang anak ko. Nang dumating kaming dalawa sa departure binuksan ko agad ang pintuan ng sasakyan at bumaba kasama ang anak ko. Inutusan ko ang driver na kuhain ang tatlong maleta at sinunod sa amin sa loob. Sa airport Babalik ako sa Pilipinas kasama a

