Parusa
Nakaluhod ako kaharap ng isang Diyosa. Ang Diyosa ng katarungan na si Themis na may karapatan sa paghuhukom. Nakatitig siya sa akin ng may awa habang ako ay nakatitig sa kanya na walang buhay ang mga mata.
It feels like, I am a living dead.
He betrayed me, at pinagsisisihan ko ang araw na nakilala ko siya. Ang araw kung saan inibig ko siya. Pinagsisisihan ko kung bakit umibig ako sa isang katulad niya. Kung bakit nagpadala ako sa mga salita niya.
"You commit a sin, Vitha..."
I am!
Napayuko ako at hindi nagsalita. Walang kapatawaran ang nagawa kong kasalan. This is my fate and I can't do anything to change it.
"You deceived Aruru- the Goddess of creation. You even stole her mud and saliva,"
"I-I'm sorry..."
That's all I can say to her.
"Kahit ilang beses kang humingi ng tawad. Hindi mo maitatangging gumawa ka ng isang kasalanan. Isang kasalanan ang lumikha ng isang nilalang. Isang nilalang na masama at nakakatakot,"
Kung may isang bagay ako na hindi pinagsisisihan, ito ay ang paglikha sa kanya. Kailan man, hinding-hindi ko iyon pagsisisihan.
Hindi ako sumagot kay Themis. Sa halip ay tumitig ako sa mga mata niyang may bakas ng pagtutol.
Alam ko. kahit anong pagtutol nila ay wala silang magagawa dahil ang batas ay batas. Walang sino man ang pwedeng lumabag kahit ikaw pa ay isang Diyos o Diyosa.
"You even killed a thousand innocent mortal..."
Innocent? They are not!
Even him!
"Bilang ganti at kaparusahan ikaw ay parurusahan maging sa iyong susunod na buhay. Ikaw ay mabubulag! Walang sino man ang gugustuhing makakita ng iyong mga mata. Walang sino man ang mabubuhay sa bawat pagsulyap na iyong gagawin. Walang sino man ang magmamahal sa'yo ng hindi namamatay. A dead eyes were given to you as a sign of sinner. You will be the Lady with a cursed,"
Napasigaw ako nang biglaang uminit ang paligid ng buong mga mata ko. Para itong nasusunog. Masakit! Masakit! Hindi ko kaya!
Tumutulo ang mga dugo mula sa mga mata ko.
"AAAAHHHHHHH!"
May kung anong pwersa ang nakapalibot sa akin.
Hindi ko kaya ang sakit!
Napatayo ako at patuloy na sumisigaw. Parang nawawarak ang pagkatao ko.
"Ikaw ay mamamatay Vitha at muling mabubuhay. Your name Vitha is came from Vita which is means life. Sa muling iyong pagkabuhay, magsisimula ang kabanata ng iyong kaparusahan. They will call you a lot of names. The Vhita we knew, na madaming humahanga ay magiging Vhita na kakatakutan at iilagan ng mga tao,"
"AAAAHHHHHHHHHHHH!"
Nagmulat ang aking mga mata. Napahawak ako dito at ramdam ko pa rin ang init sa bawat sulok nito.
Panaginip lang iyon pero para sa kanya ay totoo. Palagi ko itong napapanaginip. Noong una ay takot na takot ako pero sa halos araw-araw itong napapanaginipan, nasanay na ako.
I feels like it was real. The feeling is real. Hindi ko makita ang mga mukha nito pero sigurado ako na ang babaeng nasusunog ang mga mata ay siya. Pakiramdam ko- siya ay ako! That girl seems it was me!
My mind was interrupted when I heard a voice. The laughed of them filled the whole first floor.
"Sigurado ka ba na walang tao dito?"
"Meron, pero ang bulag na bata lang ang nandito ngayon kaya madaling lusutan. Nakita kong umalis kanina ang tatay niya at kahit naman nandito ang tatay niya madaling patahimikin. Uugod na ang matandang 'yon. Mga mahihina!"
"Mabuti na lang.... pero grabe ang laki ng bahay na 'to. Tapos silang dalawa lang ang nakatira?"
"Maganda nga iyon eh! Tiba-tiba tayo. Tignan mo! Mga antique!"
Hanggang third floor ang bahay nila at nasa huling palapag nito ang kwarto niya.
Napaupo ako sa kama. Gabing-gabi na pero tila may mga taong gising pa.
Isa akong bulag, pero kabisado ko ang buong bahay namin. 'Yon nga lang hindi ang nasa labas. Mula noong bata pa ako ay nasa loob lamang ako ng itinuturing kong mansyon. Kailan man ay hindi pa ako nakakalabas at nasisinagan ng araw. Matatagpuan ang mansyon na ito sa tuktok ng isang bundok, malayo sa bayan. Iyon ang sabi ni Ama. Napapalibutan ang bahay namin ng mga matatayog na puno at malayo ang lalakarin bago makarating sa mansyon na ito.
Tuluyan na akong tumayo nang marinig ang pagsisimula nila na magkalkal ng mga gamit. Hindi ito ang unang pangyayare. Madalas ito at sa tuwing nangyayare ito, hindi ko nagugustuhan ang resulta.
Binuksan ko ang pintuan at lumabas sa kwarto. Mabilis ang mga lakad patungo sa first floor. Nasa hagdan pa lamang ako ay naramdaman ko na ka-agad ang presensya nila malapit sa akin. Napahinto ako nang sa hinuha ko ay nasa malapit na nila ako.
"Anong ginagawa niyo?" Mahina ngunit may riin kong tanong.
Ramdam ko ang bakas ng kaba at takot sa kanila ng magsalita ako. Para silang mga bata na nakakita ng multo.
Who wouldn't scared? I always wearing a white dress. I have a long black hair with the lenght- 'til my waist. My eyes is full of color white. My skin is also white. Para akong anak ng araw sa puti- a white lady.
Napatigil ako ng maramdaman na may tao sa likuran ko. Kinuha nito ang dalawang kamay ko at inilagay sa likod ko. Napaigik ako sa sakit ng pagkakahawak niya.
"B-bitawan niyo p-po ako!"
"Bata manahimik ka na lang. Ang mga batang bulag na katulad mo ay dapat nagtatago na lamang. Wala ka namang kwenta, eh!"
Kahit namimilipit ang mga kamay ko sa likuran, nagawa ko pa ring maikuyom ang mga ito.
Paulit-ulit na umecho sa sistema ko ang mga salitang 'yon isinambit ng isang lalaki. Unti-unting namuo ang galit sa puso ko. Napayuko ako. Umilaw ang mga mata kong ngayon ay kulay pula na. Luminaw ang buong paningin ko. Ang lalaking nakahawak sa akin kanina ay nakasalampok na ngayon sa sahig.
"H-halimaw ka!" Sabi ng lalaking sa di kalayuan sa akin.
Napasulyap ako sa lalaking nakasalampok sa sahig. Bakas na bakas ang takot sa mukha niya. Lalo na ng makita nyang unti-unting nalulusaw ang mga paa niya pa-akyat sa itaas.
"A-anong nangyayare sa akin? B-bakit ako naglalaho?" Matalim niya akong tinitigan. "M-maligno kang bata ka!"
Ngumisi ako sa kanya bago bumaling sa isa niyang kasama. Nagkukumahog ito na pumunta sa pintuan pero bago pa ito makalabas, sumarang bigla ang pinto.
Napatingin siya ng daretso sa mga mata ko. Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa mga kamay na nag-uumpisang maglaho na rin.
"H-hindi! M-maligno ka!"
Ngumisi ako dito. Umilaw ng pula ang aking mga mata. Lumutang ako sa ere. "No one can mess up with me. Beware to the lady with a Cursed."
Kasabay noon ang paglaho ng dalawang lalaki. I grinned.
'Another glimpse for another dead..'
"VITHAAAAA!"
Nagulat ako sa dumadagundong na boses na iyon. Dahil sa pagkawala ng kunsintrasyon, agad akong bumagsak sa sahig mula sa ere.
Nawala ang pwersang bumabalot sa akin. Ang dating kulay pula na mga mata, ngayo'y kulay puti na katulad ng dati.
"Vitha!"
Tinulungan niya akong makaupo sa pagkakasalampok sa sahig. Napa-angat ako ng tingin sa kanya. Kahit hindi ko siya nakikita. Alam ko malungkot ang mga mata niya. Kumibot-kibot ang labi ko. Nalukot ang mukha. At nangilid sa mga mata ang mga luha.
"A-ama, s-sorry po." Humagulgol ako ng iyak sa kanya.
"Vitha naman! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kontrolin mo ang sarili mo."
"Ama h-hindi ko po macontrol ang mga galit ko."
Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Vitha, mangako ka sa'kin! Mangako ka na ito ang huling beses na mangyayare ito." Napatikom ako ng bibig. "Oo masama sila, pero Vitha wala kang karapatan na kunin ang mga buhay nila."
Napayuko ako. "A-ama m-maniwala po kayo sa'kin. H-hindi ko po sinasadya."
Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napahagulgol ako lalo ng iyak . "Vitha! Ang gusto kong marinig ay ang pangako mo."
Kumibot ang labi ko. Labag man sa loob tumango pa rin ako. "Opo, A-ama. N-nangangako po ako."
Hindi ako sigurado kung magagawa ko. Hindi ko kayang kontrolin ang sitwasyon. Lalo't galit ang puno't dulo ng paglabas ng katauhan na iyon.
_______
This is a work of Fiction. Names, Characters, Places, and Events are only from Author's imagination. Any resemblance to the Characters, Name of the person whether it is dead or alive, Places, Events etc. is unintentional or coincidental.
No part of this story may be reproduce in any form or any electronic means including information storage or It is not permitted to copy anything in the content, claim and rewrite this story without any permission from the author.
Please do not plagiarize!
|| PLAGIARISM IS A CRIME||
Thank you so much!!