Natigilan sila sa malakas na pagsabog. Halos mapatalon ang ilan sa kanila ng marinig iyon. Gulat sa pangyayare. Kapwa nagpanik ang lahat maging si Vira. Hindi nila alam kung saan iyon nanggaling at ano ang puno't dulo nito. Batid niya din na kapahamakan ang dala nito. Hindi rin niya maiwasan na isipin na baka si Khiros at Bright ang may gawa noon. Alam niya kasi at nararamdaman niya na hindi siya hahayaan ng dalawa na mawala. Tutulungan siya ng mga ito na makaalis sa lugar na ito. Ililigtas siya nina Khiros! "Ano ang pagsabog na iyon?!" Tanong ng lalaking may itsura kagaya ni Zacheus. Sa puntong iyon, nagawa ni Vira na lumingon sa kanyang likuran- sa gawi ng mga tulisan. Bakas sa mukha nila ang gulat at takot. Ang iba'y may pagtataka pa. Matapos tignan ang iilan sa mga ito, dumako ang

