Lumapat ang mga paa ni Vira sa lupa matapos siyang ibaba ni Khiros mula sa himpapawid. Ang kaninang hangin na parang ipo-ipo ay nawala na. Inilayo siya ni Khiros mula sa mga itim na Buwitre. Iyon ang sinabi sa kanya ni Khiros. Ngayon alam na niya ang itsura ng Buwitre. Mababangis ang mga itsura ng mga ito. Ang mga balahibong itim ang nagsasabing kinakatakutan ang mga ito. Pero sadyang nakapagtataka lang. Ang laki ng mga ito ay mas malaki sa mga tao. Totoo bang ganito sila kalaki? "Dito ka lang," Nag-aalangan na tumango si Vira pero hindi pa man nakakaalis si Khiros nang may malakas na humuni mula sa himpapawid at pabulusok na papunta sa direksyon nila. Ang mga pangtuka nito'y nakabuka't nagsasabing ito ang tutusok sa kanila. Napasinghap sila ng makita ang mga nguso ng Buwitre patung

