Aubrey's POV Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid, unti-unti kong idinidilat ang aking mga mata, nasaan ako, ano nangyari sa akin? Nakaririnig ako ng mga taong nag-uusap-usap ngunit para akong nanghihina kaya hindi ko mapagsino kung kanino ang mga boses na aking naririnig. "Na-Nasaan ako?" Ani ko kahit nahihirapan akong magsalita. Naramdaman ko ang mabilis na paglapit ng isang bulto at kahit nanlalabo pa ang aking mga paningin ay nakakasiguro akong ang asawa ko ito. "Baby, nasa hospital ka. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Ani nya sa akin na ipinagtataka ko, baby? Ako ba ang kinakausap nito o ang kanyang bagong asawa? "Na-Nasaan ako?" Ani ko pang muli at hindi ko pinansin ang kaniyang mga sinabi ng maramdaman ko ang paghawak ni Zion sa aking mga kamay kaya napatingin naman ako di

