Aubrey's POV Sobrang saya ng mga magulang ko ng makita nila ako. Si nanay naman ay walang tigil ang pag-iyak ganoon din si tatay. Si lola naman ay ayaw akong bitawan sa pagkakayakap sa akin. Ang sarap ng pakiramdam na may mga taong nagmamahal sa iyo kaya naman wala ding humpay ang aking pag-iyak. "Masaya ako apo na magaling na magaling ka na talaga. Sobra na ang dinanas mo apo kaya natutuwa ako na magaling ka na talaga." Umiiyak na ani sa akin ng aking lola. "Patawarin nyo po ako kung matagal po akong lumayo sa inyo nuon. Hindi ko na po kayo iiwan, mananatili na po ako sa tabi ninyo." Pagkawika ko ay natigilan naman si lola at maging ang aking mga magulang. "Paano ang asawa mo apo? Alam mo ba na ginawa nya ang lahat mahanap lamang kayo ni Zoran nuon, mahal na mahal ka nya apo ko." Ani

