ALAS SAIS na ng gabi nang matapos ni Jack ang lahat ng papeles na kailangan niyang tingnan at pirmahan para sa araw na ‘yon. Good. Gusto na niyang umalis sa opisina niya kanina pa. Tumayo siya kaagad, hinablot ang briefcase niya na naglalaman ng mga personal niyang gamit sa kaliwang kamay habang hawak naman niya ang cellphone sa kanan. Tatawagan na niya si Angel nang biglang bumukas ang pinto ng inner office niya. Jack froze as he stares at the woman who entered his office. Si Dolly. Nang magtama ang mga paningin nila biglang nawala ang cool at confident expression ng babae. Nanginig ang mga labi nito, namasa ang mga mata at mabilis na lumapit sa kaniya. “Jack,” garalgal ang tinig na tawag nito sa kaniya nang nakatayo na ito sa harapan niya.

