Chapter 38

1320 Words

LUMIPAS ang dalawang araw na wala siyang balita kay Jack. Ni hindi niya nakikita kahit anino lang nito kahit pa araw-araw silang nasa loob ng iisang building. At as usual, walang tawag o text mula sa binata. Hindi na niya tinangkang magkusang kontakin ito. Medyo nagtatagumpay na siyang balewalain ito. Hanggang sa ikatlong araw, habang kumakain siya ng almusal bago maligo at magbihis para pumasok sa trabaho ay bigla na lang lumapit sa kaniya si Grace na bagong gising. May dala itong broadsheet na pahagis na inilapag sa tabi ng kape niya. “Look at that. Alam mo ba ang tungkol diyan?” Napatitig siya sa pahinang nakaharap sa kaniya pero hindi niya tinangkang hawakan. Nakita kasi agad niya ang mga picture na kadikit ng artikulong gustong ipabasa ni Grace sa kaniya. Ang isang larawan ay kuha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD