Shame washed over Angel’s whole body. Nanginig siya at namasa ang kanyang mga mata. Sa tabi niya, naramdaman niyang nanigas ang muscles ni Jack. Huminto ito sa paglalakad at humigpit ang hawak sa baywang niya. Iyon lang ang tanging hint na nakuha ni Angel bago biglang bumitaw sa kaniya ang binata, pumihit paharap at sa ilang malalaking hakbang ay nakalapit na kay Tristan. Napatili siya nang paglingon niya naundayan na nito ng malakas na suntok ang ex niya na napaatras, tumama sa lamesa, hanggang matumba paupo sa sahig. Nagsigawan na rin ang mga tao sa paligid, ganoon din ang babaeng kasama ni Tristan. Ang guard at ang manager ng restaurant mabilis na nakalapit. “Mr. Lopez, please calm down,” takot na sabi ng manager na ni hindi man lang nilingon ni Jack. Titig na titig it okay Tristan.

