Naramdaman niyang na-tense ang buong katawan ni Jack. Humigpit ang braso nito sa sandalan ng silya niya at mariing tumikom ang bibig. Mukhang nagalit ito sa sinabi niya. Automatic na umangat ang mga kamay niya sa mga braso nito at marahang pinisil ang mga ‘yon. “Nakaraan na ang lahat. I was stupid back then. I saw him as a savior. Sa panahong akala ko wala nang magandang mangyayari sa buhay ko, sa panahong gusto ko na lang… mamatay, dumating siya. He showered me with attention. Mas matanda siya sa akin. Guwapo siya. Sikat sa campus. And in my eighteen-year-old eyes he was very reliable. I took his kindness as love. Wala siyang gustong gawin na hindi ko ginawa para sa kaniya. Ibinigay ko lahat sa kaniya; katawan ko, puso ko at higit sa lahat, ang tiwala ko.” Kumirot ang puso ni Angel at m

