Where is Rosie by SundayisBest
Ang sagot sa mga tanong niyo...
NOTE: First time na tagalog ang aking title, masyado na akong nahahawa sa title ni Ate Jonaxx sa Why do you hate me... Btw hi sa mga fans ni ate Jonaxx...Third Person POV
"Pasok!" Sigaw ni Chief, pagkabukas ng pinto ay niluwa non sila Detective Connor at Detective Rose. Sabay silang sumaludo sa kanilang Chief bago umupo.
"Bakit niyo po kami pinatawag Chief?" Tanong ni Rose sa kaniya, sumenyas ito kaya napalingon silang dalawa sa kanilang likod. Bumungad sa kanila ang isang lalaking mala adonis ang pagmumukha, matangos ang ilong, moreno, hindi gano'n kalaki ang katawan at matangkad.
Mukha siyang papasa bilang isang Model ng bench, pak na pak ang tindig ng katawan niya. For sure kapag nakita mo siya, maglalaway ka sa kagwapuhan niya.
Napansin ni Connor ang pagkatulala ni Rose sa lalaking nasa harap nila kaya naman peke siyang umubo para matauhan si Rose.
"Sino siya Chief? Bagong detective?" Tanong ni Connor at pasimpleng pinatintig ang katawan niya.
Ginagawa neto? Sabi ni Rose sa kaniyang isip.
"Detective Connor at Detective Rose, hindi naman sa minamaliit ang kakayahan niyong dalawa pero ilang araw na ang lumipas pero wala parin kayong lead na nakukuha sa kaso ng nawawalang batang 'yun. Hindi na mapakali ang mga nasa taas, kakahiyan ito sa atin."
Napayuko ang dalawang detective dahil sa kakahiyan nilang dalawa.
'Edi sana ikaw ang mag imbestiga, leche 'tong kalbo na 'to.' Sabi ni Rose sa kaniyang isip. Ayaw niya sabihin ng malakas baka daw kasi mamaya mawalan siya ng trabaho ng wala sa oras.
'Kaya naman namin Sir, bigyan niyo lang kami ng konti pang panahon.' Sabi naman ni Connor sa kaniyang isip.
"Kaya naman nandito si Detective Cole para tumulong sa imbestigasyon niyong dalawa. Para narin mapabilis ang kaso na 'to at makapagpahinga naman kayong dalawa." Saad ni Chief, hindi naman makasagot ang dalawa.
Napatingin si Rose kay Detective Cole, tinignan niya ito mula paa hanggang mukha, pagka dako niya sa mukha ni Cole na nakangiti ay inirapan niya lang ito.
'Mukhang dadagdag pa 'to sa stress ko, stress na nga ako 'pag si Connor lang tas dadagdagan pa netong kalbo na 'to.' Napangiwi na lang si Rose sa naisip niya. Bwisit na buhay ang meron siya ngayon hindi swerte.
"Makaka alis na kayo, isama niyo na rin si Detective Cole sa inyo sa pag i-interogate sa mga suspects niyo. Thank you."
Sumaludo ang tatlo bago sila umalis sa loob ng kwarto, nagmamadali sila Connor at Rose sa paglalakad habang nagbabasa ng files, pero nakahabol sa kanila si Cole.
"Hi, my name is Cole." Pagpapakilala nito kay Rose habang naglalakad, hindi tinapunan siya nito tinapunan ng tingin.
"I know..." Tumigil sa paglalakad si Rose kaya tumigil din ang dalawang lalaking kasama niya. Nilapitan niya si Cole at mahinang hinampas ang file na kanina lang ay binabasa niya.
"Please, bago ka pumasok sa interrogation room alam mo na ang background ng mga i-interrogate mo." Nakangiti si Rose pero ramdam ang ka seryosohan sa boses niya.
Nakangiting tinanggap ni Cole ang file sa kamay ni Rose at tumango na lang. Maglalakad na sana ulit si Rose pero nilingon niya muli ang mga lalaking makakatrabaho niya.
"Another one, Please wa'g kayong pabigat sa akin. Hindi kayo Dumbbell kaya wa'g kayong umakto bilang ganon." Saad niya saka tuluyang umalis.
Subukan talaga nilang magpasaway sa mga oras na 'to baka batuhin ko sila ng sandamakmak na papel.
SA ISANG KWARTO lahat ng suspects ay nandoon, talagang pinagkasya ni Detective Connor ang dose katao sa isang maliit na silid. Dito sila mag aantay habang ini-interrogate ang isa sa kanila.
Una nilang tinawag ang lola ni Rosie, si Mrs. Candy Hernandez, ini-escort pa siya papuntang Interrogation Room ng isa sa bodyguards niya.
Pagkapasok niya sa loob nandoon na si Detective Cole sa loob, binati siya neto at malugod na pinaupo sa kaharap niyang upuan. May isang camera na nakatapat sa kaniya at isa naman ay nasa gilid ng silid. Sila lang dalawa sa loob ng silid, walang iba.
Samantala sila Detective Rose at Connor ay nasa isang seperate room, may monitor na kung saan nagpla-play ang nasa camera ni Cole. Meron din silang kasamang mga police doon, may isang malaking salamin sa harap nila, tinted iyon kaya imposible na makita sila mula sa interrogation room.
"So, Mrs Candy Hernandez, what a beautiful name. Bagay na bagay na inyo, matamis ang inyong mga ngiti, and may i call you Candy?" Tanong ni Cole na tila parang inaakit niya si Mrs. Hernandez, sumang-ayon siya sa pagtawag sa kaniya ni Cole ng Candy..
'What the hell? Nagawa niya pang landiin 'yung matanda." Saad ni Rose na hindi inaalis ang mata sa kanilang dalawa. Selos? Nope pero bwisit siya.
"So, kayo ang nag-organize ng party, tama ba?" Tanong nito at agad naman tumango ang matanda.
"Alam mo bang may na recover kaming pagmamay ari mo sa labas ng venue?" Napakunot noo ang dalawang Detective sa pinapanood nila.
"Totoo ba 'yun Nate?" Tanong ni Connor.
"Wala po kaming na-recover Bossing, hindi ko alam pinagsasabi niyang si baguhan." Saad ni Nate.
"Anong pagmamay-ari ko? Hindi naman ako lumabas sa Venue ng buong gabi noon." Pagdepensa ni Candy sa kaniyang sarili.
"We found your Golconda Diamond Earrings sa tapat ng venue kung saan huling nakita si Rosie, The Golconda Diamond Earrings are so expensive last time i checked it was $9.3 Million US, kung ico-convert yun sa Peso nasa mga 454,965,165 Million Pesos. Saan mo nakuha ang gano'n kalaking pera?" Tanong ni Cole, hindi makasagot ang matanda at nag-iwas na lang ng tingin.
"Meron akong kamag-anak, mahirap sila pero di' kalaunan bigla silang yumaman, you wanna know why? Nagki kidnap sila ng mga bata and then binibenta nila 'yung mga organs. Kadiri?Oo pero ang laki ng kinikita nila sa isang bata." Bulong ni Cole.
"Hindi magandang ideya itong ginagawa ni Cole." Bulong ni Rose kaya napatingin si Connor sa kaniya.
"Pabayaan mo muna siya, siguro strategy niya 'yan." Saad ni Connor.
"Now, Ang tanong ko Candy, May kinalaman ka ba sa pagkawala ng apo mo?" Sa mga oras na 'to ramdam na ramdam na ang pagiging seryoso ni Cole.
"Wala akong kinalaman sa pagkawala niya, Ano namang mapapala ko sa stupida na 'yun?" Masungit na sambit ng matanda saka umiwas ng tingin kay Cole.
"Paano mo mai-explain ang Earrings mo na nakita sa damuhan ng venue?"
"For sure, hindi ko namalayan ang pagkahulog non, i don't remember anything."
"Okay." Saad niya saka umalis sa harapan ni Candy, agad ding lumabas si Rose at Connor upang salubungin ang lalaki.
"What the hell? Okay? Ayun lang talaga sinabi mo? What the f**k?" Bungad sa kaniya ni Rose.
"Kalma lang Rose, wala siyang kinalaman sa pagkawala ni Rosie." Saad nito na naging dahilan ng pagtaas ng kilay ni Rose.
"How do you say so?"
"I trust my instinct, it never fails me." Napangiwi na lang si Rosie dahil sa sagot neto.
Gwapo nga ang yabang naman.
"How about sa sinabi mong Golanaconda something ba 'yun?" Tanong ni Connor na halatang nahihirapan sa pagbigkas ng earrings ni Candy, Natawa na lang si Cole bago sagutin si Connor.
"Golconda Diamond Earrings, i just remember na nagsuot siya nun sa isa niyang Party na in-attendan ko."
"How come na nakita niyo 'yun sa labas ng venue? Sabi sa akin ni Nate wala naman daw."
"I just lied, kung sila pwedeng magsinungaling, syempre dapat tayo din. That's the strategy Detective, try niyo din baka mapaamin niyo ang may sala." saad niya sabay alis sa harapn ng dalawa, naiwan naman silang tulala at hindi makapag salita.
NAKALIPAS ANG ILANG ORAS at si Cole ang nag interrogate sa Lolo ni Rosie,sa Parents nito, kila Oswald, Olivia, Rollen at Russelle. Nafru-frustate na rin silang tatlo dahil pare-pareho lang ang sagot nila na hindi nila alam o 'di kaya naman ay wala siyang kinalaman sa pagkawala nito.
Same Strategy ang ginawa ni Cole, nag-sinungaling ulit ito na kunwari may na-recover na fingerprint, o di kaya may nakakita sa ginawa nilang hindi naman totoo. Pero wala pa rin hindi pa rin sila umaamin.
Natapos na sila ang susunod naman ay ang mga kaibigan ni Rosie, nilapitan ni Rose si Cole upang sabihin na siya na ang mag tatanong sa mga ito para na rin makapagpahinga siya.
"Sa sobrang daming kasinungalingan ang sinabi mo kanina baka mapunta ka sa Imperno ng wala sa oras at pumalit kay Lucifer." Saad ni Rose bago umalis si Cole.
Sunod nilang pinapasok si Frankie, agad siyang nginitian ni Rose. Naupo siya sa harap nito.
"Hi, Frankie." Bati niya bago magsimula.
"Hi."
"I don't know na kasali ka pala sa party."
"Yeah, hindi lang ako napansin ng mga kaibigan ko kasi busy din ako sa pagkanta nung time na 'yun." Saad nito, ni hindi makatingin sa mata ni Rosie si Frankie.
"Bakit hindi mo sila nilapitan?"
"Just like i send, busy ako sa pagkanta and ayoko silang istorbohin dahil may kanya kanya silang ginagawa."
Minutes passed, sa pagtatanong nito kay Frankie ay wala siyang nakuhang impormasyon.
Sunod nilang pinapasok ay si Ece.
"Hi, Ece. How are you doing?" tanong nito pero hindi siya neto sinagot.
"Bestfriend mo si Rosie, for sure kasama mo siya mag damag sa party?" tanong nito.
"No, hindi ko siya kasama. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin si Venue, naghiwa hiwalay na kaming lahat, Minding our business." Sagot nito saka tinignan sa mata si Rosie.
"Anong ginagawa mo nung time na hindi mo kasama si Rosie?" Natagalan bago sumagot si Ece.
"Ece?"
"Nagsusugal." Simpleng sagot ni Ece sa kaniya.
"Nagsusugal? I thought nag quit ka na sa bisyo mo?"
"Hindi mo naman maiiwasan lalo na kung naaa-temp kang gawin ang isang bagay diba?"
"Alam ba 'to ng parents mo?"
"No."
"May kinalaman ka ba sa pagkawala ni Rosie?"
"Look, all I want is keep Rosie safe, Kahit na ako na lang ang mawala wa'g lang siya." Tila nag-iba ang Ece na nasa harap ni Rose ngayon. Hindi na siya ang nakilala niyang Ece noong nakaraang mga araw.
"Okay, you may now leave." Walang ibang masabi si Rose kundi ayon na lang, pagkalabas niya ay humarap siya sa salamin na nasa harap niya, alam naman niyang nakikita siya ni Connor at Cole sa loob.
"Parang iba si Ece nung tinanong ko siya." Sambit nito.
"Yeah, I also noticed na parang ibang Ece ang kaharap mo." Sabi ni Connor, napa bugtong hininga na lang si Rose.
"Such a weird-ass kid." Napairap na lang siya sa sinabi ni Cole.
Huli nilang pinapasok si Indiax.
"Hi, Detective Rose." Sa kanilang magkakaibigan siya lang ang bumati sa kaniya.
"Hi, Indiax. Dahil akong oras na at alam kong hahanapin ka na ng parents mo, ang tanong ko lang sayo at anong ginawa mo sa party? at kung anong alam mo?"
"Pagkatapos naming pumasok sa loob ng Venue naghiwa hiwalay na kami. Dumeretsyo ako sa Bar Counter at nag serve sa iilang guest sa Party, bigla kong napansin si Rosie na parang malungkot so kinausap ko siya and then nung dapat aalis na siya biglang namatay ang ilaw. Nakarinig ako ng tila may binasag na bote, pagkabukas ng ilaw nakita namin si Rosie na may hawak na basag na bote pagkatapos nun umalis na siya, hindi na namin siya nakita pagkatapos nun." Sagot ni Indiax
"May binasag na bote ni Rosie?"
"Yup." Tila may na-realized si Rosie na kung ano. Hindi na inantay sumagot ni Rose si Indiax at dali-dali na siyang umalis sa silid at pinuntahan sila Connor at Cole.
"Parang ngayon alam ko na kung bakit dalawang beses nag-black out."
End of Chapter 007
NOTE: Baka mag-update ulit ako mamaya....
Stay Safe! Stay away from viruses in short stay away from your fake friend!
Piece Out!!!!