Where is Rosie by SundayisBest
The Suspects
Detective Rose POV
Kinaumagahan ay nagkita muli kami ni Connor sa Venue, naglakad ako papunta sa pwesto ni Nate dahil hindi ko makita kung nasaan na si Connor, hindi rin naman siya nag text kung nandito na ba siya o wala.
"Hey, Nate nakita mo ba si Connor?" Tanong ko sa kaniya, busy siya sa pag tipa sa cellphone niya kaya hindi niya napansin ang pag dating ko. Agad kong binaba ang cellphone niya sanhi para malipat ang atensyon niya sa akin.
"Oh Detective Rose, Bakit ka nandito kanina ka pa hinahanap ng partner mo, nasigawan pa nga ako kasi wala ka pa daw." napatungo ako at nagpasalamat sa kaniya.
Dumeretsyo ako sa loob ng venue, naabutan ko siyang nakikipag usap sa isang detective na katrabaho namin, lumapit ako sa kanila narinig ko ang paguusap nilang dalawa.
"May nakita na ba kayong iba pang bagay na makakatulong sa atin?" Tanong ni Connor pero umiling lang ang lalaki saka umalis.
Tuluyan ko ng nilapitan si Connor at may nilapag sa table niya, isang dosenang papel ulit.
"Ayan ang list ng guest na umattend na related kay Rosie, mga nakausap, mga nakasama niya bago pumunta dito." Inis scan niya ang mga pangalan sa papel, may pinagsusulat pa siya sa papel, Alam niya bang ang hirap i print niyan dahil sira ang printer sa office? Tapos susulatan niya lang, Hmp!
Habang inaantay na matapos siya sa ginagawa niya ay biglang lumapit sa amin ang manager na si Haley, may dala dala siyang laptop at lumapit kaagad kay Connor.
"Detective Connor, I found something." Binuksan niya ang laptop niya tsaka may tinipa na kung ano.
"What's it?" Tanong nito, Hello nandito ako baka gusto niyo akong pansinin. Detective rin po ako, hindi lang si Connor.
"Nakalimutan kong banggitin na may isa pa kaming camera na hindi nasama sa pag black out dahil sa ibang outlet siya nakakabit, nahagip ng camera ang pagbitbit ng kidnapper kay Rosie." Dala ng kuryosidad ay napalapit na ako sa kanila.
Pinakita sa bidyo ang pagbitbit kay Rosie ng lalaki na kausap niya bago siya makuha, dumaan ang lalaki sa isang masukal na daan, napapaligiran ito ng mga dahon na mukhang naglagas na ang puno. Mukhang malayo din ito sa sa venue dahil nga napapaligiran na ito ng mga puno.
"Saan 'yang parte ng venue niyo?" Tanong ko habang paulit-ulit na pinapanood ang maikling clip ng video.
"Sa gilid na 'yan ng Parking Lot namin, kung gusto mo Detective Connor samahan na kita." Malanding saad ni Haley, agad kong kinuha ang papel na kanina lang ay sinusulatan ni Connor, Nauna na akong maglakad kay Connor pero agad akong tumigil at humarap muli sa kanila, kay Haley.
"Kaming mga detectives ang gagawa nun, tsaka na lang magsalita kung isa ka ng detective." At naglakad muli.
NAGLAKAD ako papunta sa sinasabi ni Haley, natagpuan ko sa gilid ng Parking Lot nila ang pinagdaanan ng Kidnapper, i found nothing. Bigla akong napatigil sa paglalakad ng biglang pumasok sa utak ko ang sapatos na narecover ni Nate.
We thought na pwersahan siyang kinaladkad pero sa clip ay bitbit siya ng kidnapper, walang malay. Paano mahuhulog 'yung sapatos niya? It's either, hinulog o nahulog lang.
Kung hinulog man ni Rosie 'yun na napaka imposible dahil wala siyang malay, kung hinulog man ng kidnapper 'yun maybe it's a sign or there's a hidden message behind it. Sino naman kasing bobo ang ihuhulog ang sapatos ng victim mo diba, alam mo namang mahuhuli ka.
If nahulog naman ang sapatos ni Rosie kailangan ng force para mahulog ang sapatos niya, like sinusubukan niyang pumiglas and then suddenly nahulog ang sapatos niya.
Ugh! Sumasakit ang ulo ko dahil sa kasong 'to. Muntik na akong mapatalon sa sobrang gulat dahil kay Connor na bigla na lang sumulpot kung saan.
"May nakita ka ba?" Weird ni Connor, sa mga nakaraang araw panay tanong niya kay Nate o kaya sa akin kung may nakita daw ba kaming bagay or something dito. I know gusto niya lang malaman kung may lead na ba pero mukhang sumobra yata.
"Nothing, just leaves."
Siguro mas mabuti 'wag ko munang sabihin sa kaniya ang pinagiisip ko kanina, mas importante ang files na binigay ko sa kaniya kanina, na kinuha ko ulit dahil busy siya kay Haley.
"Nasaan na pala 'yung binigay mo sa akin kanina?" Tanong niya habang tinitignan ang buong paligid.
"Nasa akin, mamaya pagbalik natin sa Office mo pagusapan natin." Nauna na akong umalis sa Crime scene at nagdrive papuntang Headquarters.
BIGLANG bumukas ang pinto, tanda na nandito na si Connor. Kanina pa ako nag aantay sa pagbalik niya. Pinag aralan ko na rin ang mga suspects, kung sino sila at anong ganap nila kay Rosie. Para na rin wala na siyang matanong at tuloy tuloy ang discussion. Teacher po talaga ako hindi Detective.Hihihi.
"How's it going?" Tanong niya at naupo sa swivel chair na katabi ko.
"Katulad nga ng sabi ko sayo kanina, Ito ang mga files ng mga taong related kay Rosie na umattend sa party nung time na 'yun." I turned on the projector inis start kong islide iyon at ang unang litrato na lumabas ay ang Lola ni Rosie.
"Let's start with Mrs. Candy Hernandez, Lola siya ni Rosie sa Father side nito. She known for owning some Spa, Salons, and Hotels and a Former Beauty Queen. Ayon sa napag tanungan at napag alaman ko, she's the one who organized the party, lahat ng guest na dumalo sa party ay kakilala niya lahat. There's a 30% out of 100% chance na kidnapin ang sariling apo."
Hindi ko na siya hinintay na sumaglt at nag proceed sa susunod.
"Next, Mrs. Hernandez husband, Mr. Luigi Hernandez. He was known for the casinos, gyms, malls and car racing. He was the former Champion sa isang kilalang Car Racing dati and unbeatable. Ayon sa nakalap ko, mahilig siya sa bata,be also have an affair with Mrs. Mary Hernandez, asawa ng anak niya.
"Mrs. Mary, is well known in beauty industry. Make up artist ng iilang international stars and personalities, nakapag lauch na rin siya ng sarili niyang make up brand na pino promote ng sariling niyang anak na si Rosie. They have a son, pero sumakabilang buhay na and then si Rosie ang sumunod. Next the father of Rosie, Mr. Luigi Hernandez Jr. known for being the youngest CEO of Hernandez Company, hindi siya gaanong kakilala dahil he doesn't like camera flashing around her face. We're done with the family members, Let's proceed to her friends."
"First, Frankie Abigail, she's a singer at a night club. Walang negosyo ang family niya but nakilala sila dahil lahat sila ay singers. Not so really close to Rosie because busy siya sa mga gigs na ina-attendan niya. Ayon sa mga napagtanungan ko, Lesbian daw si Frankie.
"Oswald and Olivia, both have relationship since they we're met, sila rin sila gaanong close kay Rosie dahil busy sila sa buhay nilang dalawa. Oswald's parents are owning a luxury hotels around the Philippines and Olivia's parents are both high paid actor and actress in the world.
"Russelle and Rollen, katulad nila Olivia parehas silang mag-boyfriend at Girlfriend for 2 years and counting. Mas naunang nakilala ni Russelle si Rosie, and eventually nagkaroon sila ng 'Secret Relationship'. Nagkakilala sila Rollen at Rosie sa isang Boutique, obviously mahilig silang dalawa sa fashion. While silang dalawa ni Russelle ay sa bahay nila mismo dahil magkaibigan ang parents nila dalawa."
Napatango na lang si Connor kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagsasalita.
"Sicario and Indiax, hindi katulad ng mga nauna hindi sila magkarelasyon. Naging magkaklase sila Indiax at Rosie noong grade school pa lang ito kaya naman medyo close na silang dalawa. Si Sicario naman ay ang pinaka last niyang nakilala, sa isang 7/11 dahil nagtra trabaho si Sicario doon.
"Lastly si Ece, sa kanilang lahat si Ece ang pinaka close niya. Lahat na yata ng problemang kinakaharap ni Rosie ay sinasabi niya kay Ece. Para silang best of friends, solid best friend. Si Ece ay inampon ng mga Martinez pagkatapos siyang kuhanin ng DSWD sa puder ng nanay niya. She do drugs back then pero nung nakilala niya na ang bagong pamilya niya at si Rosie ay tumigil na siya."
"So basically si nagbago si Ece dahil kay Rosie?" Tanong ni Connor.
"Parang ganon na nga, ang pagkaka alam ko nang ampunin siya ng mga Martinez hindj siya tumigil sa pagda drugs pero nung nakilala niya si Rosie tumigil na siya sa bisyo niya."
Sagot ko saka pinatay ang projector. Grabe sobrang nakakapagod pala itong ginagawa ko, dinaig ko pa yata ang nag-report ng dalawang module ng sabay-sabay. Naupo na ako sa swivel chair na katabi ni Connor, habang siya inii-scan ang mga files.
Grabe ang galing mo Connor, sana pala hindi na ako nagsalita sa harap kung ganyan din pala ang gagawin mong hayop ka. Nasayang lang naman ang precious voice ko dahil dun. Huhu. Wala kang awa Connor, mamatay ka na. Charot!
"Okay, magaling ang ginawa mo Rose. By the way make sure na lahat ng suspects na diniscuss mo ngayon ay pupunta mamaya sa interrogation natin."
Sabay alis sa upuan niya at umalis sa loob ng kwarto. Naiwan akong speechless sa loob ng kwarto.
"Grabe ka Connor, ang haba haba ng sinabi ko tapos 'yung matatanggap ko lang sayo 'Magaling ang ginawa mo Rose' sabay alis. Konting konsidirasyon naman Connor, inaral ko 'yan ng sobrang haba." Pagdadabog ko, unfair naman ng lalaking ito, sarap sapakin. Argh!
May napulot akong isang nilamukos na papel, ibabato ko na sana iyon sa pinto ng biglang bumukas ito at niluwa si Connor, kaya naman binitawan ko ang papel sa likod ko at umakto na parang may imaginary na bola sa kamay ko.
"Anong ginagawa mo?" Tanong nito sa akin.
"Practice ng baseball, may nakita kasi akong nagba-baseball doon sa kabilang kanto." Nakangiting saad ko sa kaniya saka naupo sa table. Muntik ka na dun boy.
"Sumama ka sa akin, pinapatawag tayo ni Chief sa office niya."
Agad akong sumunod sa kaniya papunta sa office ni chief. Sa susunod talaga sisiguraduhin ko ng wala na talaga siya bago ako mambato ng pinto. hehe.
THIRD PERSON POV
Naglalakad ang dalawang babae papalayo sa isang bahay kubo sa gitna ng kagubatan. Sinigurado nilang walang nakasunod sa kanila, kahit sino.
"Gagana ba talaga 'tong plano natin?" Tanong ng dalagita sa kasama niya.
"Gagana, magtiwala ka lang pagkatapos neto pwede ka ng manahimik kasama si asdfghjklqwertyui."
Sagot ng kasama nito kaagad naman namula ang dalagita dahil sa kapilyuhan ng kasama niya.
"Paano 'pag nalaman nila?" Hindi maalis ang pangamba sa dalagita, sa loob ng 20 taon ngayon niya lang gagawin ito.
"Wa'g kang kabahan, nandito naman ako. If you need anything I'm just two-step behind you. Okay?" Napatungo na lang ang dalagita at nagpatuloy sa paglalakad.
Natanaw nila ang isang sasakyan na naka parke sa harap nila, may isa pang tao na nasa loob babae din siya pero mukhang mas matured ng konti kesa sa amin.
"No way is that a Lamborghini Asterion LPI 910-4?" Manghang tanong ng dalagita, Dumungaw ang babaeng nasa loob ng kotse at nginitian siya.
Nagsipasok na sila sa loob ng kotse, nakangiti parin sa kaniya ang babae.
"Paano mo nalaman na Lamborghini Asterion LPI 910-4 ang sinasakyan mo ngayon?" Tanong nito habang nagmamaneho.
"I may be weak but I can identify everything." saad ng babae at tumingin na lang sa labas ng bintana.
End of chapter 006
Stay Safe! Stay away from viruses in short stay away from your fake friend!
Piece Out!!!!